-------- ***Myla's POV*** - Note: This is the revised and completed version of the Prologue. - Sa isipin na niyaya ako ng date ni Erickson kaya hindi ko mapigilan ang magpaganda ng sobra. Ngayon araw na ito ay magkikita kami muli at kahit ilang araw lang kaming hindi nagkita, pakiramdam ko ilang taon na kaming hindi nagkikitang dalawa. Miss na miss ko na sya. Excited na kasi akong sabihin sa kanya ang magandang balita na tama ang mommy nya, buntis na nga ako. Masaya akong naglalakad papasok sa restaurant kung saan kami magkikita ni Erickson. Alam kong pangarap ni Erickson na magkaroon ng anak, ito ang sabi nya sa akin kaya nga nakasaad ito sa kontrata naming dalawa. At sigurado ako na magiging masaya sya pag malaman nya na magkakaanak na kaming dalawa. May mahalaga daw syang sasabih