Si Mia at Aron— parehong nagtatrabaho sa Saudi. Matagal na silang magkasintahan kaya balak na nila ang magpakasal. Ngunit sa pagproseso ni Mia ng kanyang mga papeles para sa kasal, nalaman niyang kasal na siya sa isang pulis na si Chief Jonathan Mendoza. Hindi rin alam ni Chief Jonathan na kasal na s'ya sa babae. Dahil isa lamang ito larong kasal-kasal para sa kanila. Ngunit hindi nila alam na ang pinirmahan nilang papel ay marriage certificate pala, at naisama ito ng sekretarya ng kaibigan nilang Abogado.
Sa araw na iyon ay na nahuli ni Mia si Aron na may ibang babae.
Ito na ba ang rason na totohanin nina Mia at Jonathan ang pagiging mag -asawa? Dahil legal naman ang kanilang kasal. O ipapawalang bisa ito? Dahil hindi naman niya mahal ang binata.