CHAPTER ONE

1441 Words
Raul Villanueva is a policeman. Ayaw niya ang commitment. Kaya naman wala pang isang linggo kung magpalit siya ng nobya. Ayaw niyang nasasakal kaya sanay siya na ang babae ang lumalapit sa kanya at kusang umaaalis. Walang wala pa sa isip niya ang magpatali sa isang babae. Masyado niya pang mahal ang kalayaan para lumagay sa tahimik. Isa lang naman ang bisyo niya na mahirap iwasan. Ang pagiging womanizer nya. Kabi-kabila ang babae niya pero wala siyang matatawag na nobya dahil lahat sila ay labas pasok lang sa buhay niya. Babalik kung kailan gusto at aalis kung may mahanap na mas matino sa kanya. Sa edad niyang thirty years old ay pwedeng-pwede na siyang mag-asawa. May malaking ipon na siya sa bangko, may sariling sasakyang at ngayon kakabili niya lang bahay at lupa sa Pasig. Mataas rin ang kanyang ranggo sa pagkapulis. Police Captain Raul Villanueva. Malaki ang naturang bahay na nabili niya, may bakuran at apat na silid. Excited na siyang lumipat sa bahay na bago niyang bili. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng kalungkutan kahit na nag-iisa nalang siya sa Pilipinas. Nasa ibang bansa na kasi ang mga kapatid niya at mga magulang. Mas gusto niyang mag-isa sa buhay. Masaya siya sa ganoon. Nagagawa niya ang gusto niya at walang nangingialam. Kahit anong oras niya man gustong umuwi ay walang sisita. Para siyang ibong nakawala sa hawla. He loves his freedom so much. Pasipol-sipol pa siya habang nag-iimpake ng mga gamit na dadalhin sa nabiling bahay. Isa pa siguro sa nagpapabata sa kanya ay ang pagiging positibo niya sa lahat ng bagay. Masayahin kasi syang tao, hindi niya iniinda ang mga problemang dumarating. Isa isa niyang dinala ang mga gamit sa kotse sabay alis sa nirerentahang apartment. Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niya. Ang magkaroon ng sariling bahay. Pagdating ng araw ay may maipagmamalaki na siya sa mga magulang at mga kapatid na pawang may magagandang trabaho. Nagbunga na rin ang kanyang mga pinaghirapan. Nakangiti siya habang lulan siya sa kanyang sasakyan. The new beginning. His new life in his dreamhouse. Muling napangiti si Raul nang masilayan ang kanyang bagong bahay. Mabuti nalang talaga at nauna siyang bumili sa bahay na iyon. Hindi na iyon brand new house pero mukha pa namang bago. Umalis na kasi ang dating nakatira at nangibang-bansa kaya ipinagbili ang bahay. Malaki para sa isang taong titira ang bahay na nabili niya. Siguradong aalog-alog siya. Malinis ang buong bahay nang dumating siya. Pinalinis iyon ng dating may-ari ng bahay sa dating caretaker. Ang lawak ng bakuran niya, may mga halaman na namumulaklak na nakapalibot sa bahay. Agad niyang pinili ang malaking kwarto at agad na inayos ayon sa kanyang gusto. Bagsak siya pagkatapos niyang maglinis at mag-ayos. Hindi niya na magawang maligo sa sobrang pagod niya. Nagising si Raul na parang may bumubulong sa kanyang mukha. Napabalikwas siya ng bangon. Gabi na pala. Hihikab sana siya ng may mapansin siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Napatalon siya sa kama sa labis na gulat. Nawala bigla ang kanyang katapangan sa labis na takot. Kinusot niya ang mga mata baka mamaya ay nanaginip lang siya pero hindi. May magandang babae talaga sa harapan niya na sa tantiya ay nasa twenties pa lang ang edad. Nang hindi makontento ay sinampal niya ang mukha. “Ahhhhh!” sigaw niya. Tumakbo siya sa kanyang banyo at agad na sinara ang pinto. Agad niyang binuksan ang shower at pinatama iyon sa kanyang mukha. Habol niya pa rin ang hininga. Ikinalma niya ang sarili. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan na binuksan ang pinto ng kanyang banyo. Bago siya natulog ay siniguro niyang nakalock ang mga pinto kaya imposibleng may makapasok na tao at sa silid niya pa mismo. Nakita niyang nakaupo pa rin ang babae sa tabi ng kanyang kama. Kinuha niya ang pambomba ng CR. Ihahampas niya talaga iyon sa babae kapag nanlaban ito. Isa lang ang naisip niya. Ang makuha ang baril sa side table niya. Basang-basa siya nang lumabas ng banyo. Ang mata niya ay nakatuon lamang sa babaeng tumatawa. Agad niyang nakuha ang baril at itinutok sa babae. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa silid ko?" duro niya sa babaeng nakangiti sa kanya pero hindi siya nito sinagot bagkus ay humilata pa ito sa kama niya at ngumiti. "Baliw ka ba! Anong ginagawa mo sa kama ko? Umalis ka diyan!" nanggagalaiti niyang sigaw dito. Kahit siguro ilang ulit pa siyang sumigaw ay walang makakarinig sa kanya dahil masyadong malaki ang bahay at malayo sa kapitbahay. Nakakahiya din ang manghingi siya ng tulong samantalang babae ang kanyang kaharap. Tiyak niyang kaya niya itong ihagis sa bintana lalo pa at balingkinitan ito. Napansin niya ang suot nito. Nakikita niya ang panloob nitong suot lalo pa at manipis masyado ang suot nitong damit. Napalunok siya nang makitang wala itong suot na bra. “Nagdala ba ako ng babae kagabi?” tanong niya sa sarili. Ang alam niya pagod siya kagabi dahil nagligpit siya at lalong hindi siya lasing. "Ang ingay mo, ka-lalaki mong tao panay ang ngawa mo," sagot nito sa kanya. "Ako wag mo akong subukan baka kaladkarin kita palabas ng bahay ko. Alam mo bang pwede kitang ipakulong sa pagpasok mo sa bahay ko ng walang paalam?" pananakot niya dito pero nginiwian lang siya. Nangangati na ang kamay niyang batukan ito sa inis. Kung hindi lang ito babae baka nabaril nya na ito sa galit. "Eh di ipakulong mo! Gusto mo samahan pa kita," paghahamon pa nito sa kanya. Nakabukaka na ito sa kama nya na tila batang naglalaro. Angelic ang mukha nito. May katangkaran dahil long-legged at mahaba ang unat na buhok. Sa inis niyang baka masaktan ito ay lumabas nalang sya ng silid, pero bago siya umalis siniguro muna niyang nakalock ang bintana at ang pinto mahirap ng makatakas ito. Tinawagan niya ang kasamahang Pulis at pinapunta sa sa bahay niya. Nakatayo lang siya sa labas ng pinto ng silid habang naghihintay sa kasamahang pulis. Pinapakinggan niya ang ginagawa ng babae pero wala siyang narinig na anumang kaluskos. Agad niyang binuksan ang gate ng dumating ang kasamahang si P01 Diaz. “Magandang gabi Captain,” bati sa kanya ni P01. Ito ngayon ang nakaduty sa presento. “May babaeng nakapasok sa bahay ko at ayaw niyang umalis, arrest her,” wika niya. “Kilala niyo po ba Captain?” tanong sa kanya ni PO1 kaya napakunot noo siya. “Bakit ko siya ipapaaresto kung kilala ko siya?” naiinis niyang sagot. Napakamot sa ulo si P01 sa sinabi niya. Dinala niya sa silid niya si PO1. Pagbukas niya ng silid ay wala silang nadatnan na babae. Hinalughog niya pa ang sariling cabinet pero wala ito. Maging sa ilalim ng kama ay tiningnan din nila pero kahit anino nito ay wala silang nakita. "Duda ko Captain ay nakatakas na ang babaeng nanloob sa bahay mo," sabi sa kanya ni PO1 "Pero bago ako lumabas, sinigurado ko munang hindi siya makakaalis at saka wala akong narinig na anumang kaluskos mula sa loob. Kung nagtangka nga siyang tumakas ay imposible rin iyon dahil nandito lang ako nakatayo sa labas ng silid na ito bago kita pinagbuksan ng gate," naguguluhan niyang sagot. "Captain, bukas po ang bintana dito," wika sa kanya ni P01. Lumapit ito sa bintana niya. "Paanong mabubuksan niya yan eh nilock ko yan kanina at kung diyan siya dumaan tiyak na mababalian ‘yon, Ang taas kaya niyan," sabi niya pang nakatingin sa baba ng bintana baka sakaling makita ang babae. Awww!!" sigaw niya. Napahawak siya sa pang-upo niya. "Bakit Captain?" tanong sa kanya ni PO1. Nagulat din ito sa sigaw niya. "May sumundot sa puwet ko," sagot niyang nakahawak sa puwet. Napatingin sa kanya si PO1 "Wala namang tao diyan sa likuran niyo Captain," sabi nito. Umikot siya ng tingin. Wala ngang ibang tao dahil si P01 ay nakaharap niya. Imposible ito ang susundot sa puwet niya. Napahiya pa tuloy siya pero naramdaman niya talagang may sumundot sa puwet niya kaya nga siya sumigaw. Hindi naman siguro siya gagawa ng kwento at walang dahilan para gumawa siya ng kwento. Hindi niya iyon mapagkakakitaan. Nang makaalis si P01 ay inayos niya agad ang mga lock ng bintana. Mahirap nang may makapasok uli. Kung nakapuslit ang babaeng ‘yon tiyak yang hindi na ngayon. Tiningnan niya rin ang mga gamit niya baka mamaya nanakawan na pala siya ay hindi nya pa alam pero intact naman lahat. Pinalitan niya rin ang susi ng buong bahay baka mamaya may duplicate na ang ibang tao. Mabuti na iyong sigurado siya sa kanyang kaligtasan. Sa panahon ngayon mas nakakatakot pagkatiwalaan ang mga babaeng kriminal.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD