Mariin na naikuyom ni Alejandro ang kanyang kamay sa kopita ng alak na hawak-hawak niya matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Carlo. Kasalukuyan silang nasa may verandah sa ikalawang palapag ng kanyang bahay. It was already past six in the evening. Halos kani-kanila lang nang dumating ang empleyado nila at hinanap siya upang makausap. May importante raw 'di umano itong sasabihin sa kanya kaya naman napilitan siyang harapin ito. Hindi niya pa sana nais na lumabas at tumanggap ng bisita o kung ano pa man. Nasa loob siya ng silid na inookupa ni Brianna at kung hindi lang sinabi ni Carlo na importante ang sasabihin nito ay nunca niyang iiwan ang dalaga sa loob ng silid. May nangyari na sa kanilang dalawa ni Brianna. He was able to take her and what happened between the two of them was wo