Bigla ay natahimik si Brianna nang marinig niya ang mga sinabi ni Mr. Nikolaev. Ang matuklasan nga na anak siya nito ay hindi niya pa masyadong maproseso sa kanyang isipan, tapos heto ito ngayon at sinasabi na siya ay isa sa mga tagapagmana nito? Lumaki siyang salat sa maraming bagay. Mas sanay pa siya sa hirap kaysa sa kaginhawaan. Kung ano man ang sinasabi ni Mr. Nikolaev na mamanahin niya ay hindi na mahalaga pa sa kanya. Marahan siyang umiling at agad na inabot ang isang silyang pinakamalapit sa kanya. Naupo siya roon dahil sadyang nanghihina pa ang kanyang mga tuhod dahil sa lahat ng kanyang natuklasan. Nakaupo na siya nang muling magsalita. Her eyes darted to Mr. Nikolaev as she spoke again. "H-Hindi ko ho kailangan ng kahit ano man. H-Hindi ko---" She stopped, unable to think wh