Kristina | Flashback After our wedding took place in Vegas, hinatid ako ni Caleb sa Boston at saka siya umuwi ng New York. We are only 20 years old and here we are, married as anyone could be. We even have rings. Dali-dali kaming nagtingin ng singsing noong araw na iyon at pagsapit ng hapon ay pumunta kami sa chapel. For sure narinig mo na iyong nakaabre-siete sa’yo si Elvis habang naglalakad. Pero iyong kasal namin ni Caleb, drive thru. Epic nga eh, dahil legal din 'yon. May narinig pa nga akong nagtanong kung iyong kasal daw sa Vegas lang valid. Gusto ko nang maihi sa pagtawa. Anong klaseng utak kaya mayroon ang taong iyon? Eh kung by State lang ang validity ng kasal ay madami-daming kasalan ang magaganap sa amin! Fifty states in total.