02

1108 Words
Chapter 02 Nanuyo ang lalamunan ni Hilda after makita ang matandang Truson na gusto ng matandang Alegre na ipakasal siya. Maliit ito na lalaki at kalbo. Malaki din ang tiyan nito at may kaitiman. Sa isip ni Hilda hindi siya kagandahan at masama manlait pero masasabi niyang kahit mga pulubi sa kalsada ay hindi magkakainteres sa matanda. "I thought you have a one pretty daughter," ani ng matandang italiano. Dinilian pa nito ang labi after nga ipakilala si Hilda na agad minake over mula ulo hanggang paa. "If you are satisfied Mr. Truson. you can take her to Italy then we will go next month for the wedding after my second daughter recover." Ipinalabas ng mag-asawang Alegre na hindi maganda kondisyon ng second daughter nila which is si Alica at sakitin din ito. May pinakita din ang matandang Alegre na fake medical document like imposible na mabigyan ng anak ni Alica ang matandang Truson. Ang pangalawang anak kasi ng matandang Alegre ang gusto kuhanin ng matanda dahil sa taglay nito na ganda. Aminado naman si Hilda na mas maganda si Alica sa kaniya pero for god's sake— panget na nga siya mapupunta pa siya sa panget. Nanuyo ang lalamunan ni Hilda after malaman na bukas na bukas din ay aayusin ang documents niya at makasama agad sa matandang Truson papunta sa italy. Noong makaalis ang matanda agad na lumuhod si Hilda at nagmakaawa sa ama na huwag gawin iyon sa kaniya. "Bitawan mo nga ako! Ngayon ka lang magkakaroon ng silbi sa pamilya na ito! Hilda!" ani ng matandang Alegre at hinila ang paa niya para mapadapa si Hilda. "Tanggapin mo na lang Hilda ang kapalaran mo. Sa paraan na ito makakabayad ka ng utang na loob sa pagpayag namin na manatili ka dito." Naiyukom ni Hilda ang kamao at matapang na tumayo. Tiningnan niya ang pangalawang asawa ng ama niya. "Kung buhay ang ina ko wala kang magiging posisyon sa mansion na ito. Nanalaytay sa katawan ko ang dugo ng taong tunay na may ari ng mansion na ito at may ari ng kompanya!" "Lahat ng bagay na meron sa mansion na ito at perang mga winawaldas niyo ay galing sa ina ko na dapat ay sa akin—" Isang sampal ang nagpatahimik kay Hilda at dumugo ang gilid ng labi ng babae after 'non. Hinablot ng ginang ang panga ng dalaga at nagdidilim ang mukha na tinitigan ang mukha ni Hilda. "Wala na ang ina mo. Walang para sa iyo. Tandaan mo ang dahilan bakit ka nandito at buhay," madiin at bulong ng babae. Tiningnan ni Hilda ang ama na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin at patuloy sa paghithit ng sigarilyo. "Tama na 'yan Rosalinda. Hindi ka pwede mag-iwan ng marka sa batang 'yan dahil bukas na bukas ay darating si Mr Truson. Ayoko magduda siya," ani ng matanda dahilan para bitawan ng babae si Hilda na ngayon ay napasalampak na lang sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod. Sa pagkakataon na iyon hindi na magawa ni Hilda ang makaramdam ng sobrang galit at dahil sa wala siya magawa ay naiyak na lang siya. Lahat iyon nangyayari dahil maaga nawala ang ina niya. "Dalhin niyo na sa taas ang babae na 'yan. Huwag niyo palalabasin hangg't hindi ko sinasabi," utos ng ginang sa mga katulong na agad hinablot si Hilda at kinaladkad pataas ng hagdan. Isinara ng mga katulong ang pinto ng room ni Hilda. Napaupo na lang sa sahig ang babae habang hawak ang isang kwintas na nasa leeg niya. Pagmamay-ari iyon ng ina niya na binigay sa kaniya ng dati niyang nanny na siyang nag-aalaga sa kaniya. Tuwing naiisipan niya sumuko ay hinahawakan niya lang ang kwintas na iyon. "Sa loob ng 22 years walang araw na hindi ako umasa na magbabago din tingin sa akin ni Mr Alegre. Ituturing niya din ako na anak kaya kahit minsan gusto ko na sumuko at umalis sa mansion na ito hindi ko ginawa." Tumingala si Hilda para maiwasang tumulo ulit ang mga luha niya at magpadala sa emosyon. "Anong gagawin ko mom?" Hilda Alegre, kaisa-isang anak ni Reynaldo Alegre— anak sa unang asawa at biological daughter ng pinakamayaman sa probinsya ng Bicol. Namatay ang ina ni Hilda dahil sa panganganak na naging dahilan para mawala sa sarili ang ama ni Hilda at iabandona siya. Nalaman ni Hilda sa dati niyang nanny na mahal na mahal ni Reynaldo ang unang asawa nito at halos mabaliw ito sa pagkawala nito. Sa part na iyon naiintindihan ni Hilda bakit ganoon na lang ang galit ng ama niya sa kaniya. Ilang taon siya nagtiis at sinubukan intindihin ang ama dahil sa palaging sinasabi ng matanda na siya ang may kasalanan naniwala si Hilda na dapat niya nga iyon pagbayaran pero lumipas ang mga panahon paunti-unti na-realize ni Hilda na mali ang ibinibintang sa kaniya ng ama. Nawalan siya ng ina at hindi niya hiniling sa mga ito na buhayin siya. Paano nga niya ba iyon naging kasalanan. Nakumpirma lang din niya na tuluyan ng inabandona siya ng ama niya 'nong mas pinili ng matandang Alegre na ibigay siya sa matandang Italiano pambayad sa utang nito. Sarili niyang dugo at laman. Naiiyak na pinunasan ni Hilda ang pisngi at pilit na tumayo. "Nagsasayang na lang ako ng oras at panahon dito." Lumapit si Hilda sa kama at humiga doon. Sa pagkakaalam niya malaki ang italy. Naisip niya na doon na lang tumakas dahil kung nasa pilipinas siya mas malaki ang chance na mahanap siya agad ng matandang Alegre. Napahawak ng mahigpit si Hilda sa bedsheet at tiningnan ang lampshade na nasa ibabaw lang ng lamesa na nasa gilid ng kama. "Hindi ko hahayaan na magtagumpay sina Mr Alegre sa gusto nila mangyari." Kinabukasan, Walang imik si Hilda na sumakay na ng kotse kasama ang matandang italiano. Mukha lang kalmado si Hilda sa panlabas ngunit kasalukuyan ngayon malakas ang t***k ng puso ni Hilda dahil sa kaba. Maraming mga bodyguard kasama ang matandang italiano at lahat mga ito may baril. Takot na takot ngayon si Hilda ngunit pilit niyang tinago iyon at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakita niya sa labas ng mansion ang step mother niya na may paiyak pa habang yakap ang matandang Alegre ma naga-act na nalulungkot. Bahagya napalitan ng galit ang takot na nararamdaman ni Hilda sa dibdib niya. Napaisip na lang si Hilda kung anong pinagkaiba ng buhay na makasal sa italianong kalbo at mag-stay sa mansion na iyon na hindi nalalayo sa pagiging impiyerno. Napahawak si Hilda sa mga tuhod at napayuko. Gusto na lang niya buksan ang pinto ng sasakyan at tumalon para matapos na lahat ng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD