08

2040 Words
Chapter 08 "Kaya huwag mo tangkain na tumakas kasi once na lumabas ka ng building na ito intruder ka na. Maga-alarm ang light house at lahat ng miyembro na nasa city na iyon ha-hunting-in ka." Tiningnan ko iyong light house na nakikita ko mula sa building na iyon. Nakita ko umilaw iyon once at natakot ako. Bakit hindi? Biglang nabalutan ng pula ang buong city as in. Narinig ko mga usapan ng mga nagbabantay sa akin sa labas na may nakapasok sa city. After ko mag-shower lumabas na ako ng room tapos katulad ng nakagawian ko na para magpalipas ng oras umuupo ako malapit sa glasswall at tinitingnan ang mga tao sa ibaba. Umaga na 'non at mukhang lahat busy. Nakikita ko na ang maraming sasakyan na naglalabas pasok sa gate pati na din mga tao na nasa city na kasalukuyang naglalakad patungo sa kani-kanilang pupuntahan. Napansin ko din sa lugar na iyon na tanging mga naka-black suit lang ang may mga sasakyan. May mga nakakabit sa tenga at bukod sa mga kotse tanging mga ambulansya at fire truck lang nakikita ko na tumatakbo sa kalsada. At rest bike na ang gamit or mga naglalakad. May mga nakikita din ako mga batang nagtatakbuhan sa gitna ng kalsada at naiiwan ng mga magulang kung saan. Nakakatuwa kasi may mga nakasuit ang bumababa sa sasakyan nila at binabalik ito sa parents nila na para bang kilala agad ng mga ito sino ang magulang ng bata. Wala din ako nakikita na nag-aaway at malinis ang paligid. Hinawakan ko ang glasswall. Gusto ko bumaba at makita ang buong lugar. Maya-maya naagaw ang pansin ko nang isang sasakyan na papasok sa gate. Napatayo ako dahil sigurado ako na sasakyan iyon ng padrino. Paano hindi? Hihigit sa siyam ang nakasunod na sasakyan dito at may simbolo ng dragon na nakapulupot sa cup na nakakabit sa hood ng kotse. Lahat sila bumaba at napako ang tingin ko sa huling tao na bumaba sa sasakyan at nakasuot ng malaking sumbrero na nagtatakip sa kalahati ng mukha nito. Nakita ko siya papasok sa kabilang building. Sana magkaroon ako ng chance makausap siya. Ayoko makulong dito habang buhay. Halos kalahating araw ako na naghintay at walang Gabriel na dumating para dalhin ako sa padrino. Muntikan na ako mawalan ng pag-asa hanggang sa bumukas ang pinto. Napatayo ako at nakita ko si Gabriel na tumawa. Sinabing halata na nabo-bored na ako doon. "Kanina pa kita hinihintay. Nakausap mo na ba ang boss niyo?" Ngumiti si Gabriel sinabi na nandoon nga siya para sunduin ako. Pinatatawag na ako ng boss nila. Muntikan na ako mapatalon dahil sa tuwa. Agad din naman napawi iyon after actual na makita ko si padrino. Masyado mabigat ang atmosphere. Natatakot ako at dahil doon nakalimutan ko lahat ng sasabihin ko. "Gabriel told me that you want to talk. I'm curious what is it," ani ng lalaki. Napalunok ako dahil sa lamig ng boses na iyon at lalim. Napaangat ang tingin ko sa lalaki na nakaupo sa pang-isahan na sofa at diretso na nakatingin sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim pero nakikita ko ng malinaw ang berdeng nga mata nito. Kumikinang iyon na parang mga gemstone. Napailing ako. Gumising ka Hilda hindi iyon ang reason bakit nandito ka. Huminga ako ng malalim at sinabing gusto ko umalis sa lugar na iyon. "Didn't you say that we should take you?" Nagpapasalamat na lang ako dahil nakakaintindi siya ng tagalog pero ang problema hindi ako marunong makaintindi ng english. Tiningnan ko si Gabriel na nasa likuran ko. Kinakabahan ko tinanong ano sinasabi ng boss niya since masyado ito mabilis magsalita. "Ikaw daw nagsabi na dalhin ka namin." Tiningnan ko iyong boss nila. Napalunok ako sinabi na gusto niya na umalis then agad sumagot ng no ang boss nila na kinalaki ng mata ko. Tumayo ito at humakbang palapit sa akin. Nakaupo ako sa sahig at nakatingala sa kaniya. "You... Can't." "We lost billion of deal because of you." Tinagalog ni Gabriel lahat ng sinabi ng boss nila at doon nalaman ko na kaya bumalik sila agad ay dahil sa akin. Sa pagsunod ng mga tauhan ng mga Truson kinailangan nila umalis agad doon kasama pa ang mga pulis tapos ilang grupo. "If you want to leave here, pay for what we lost in my deal and I will call Truson to pick you up here." Napamura ako after marinig iyon. Sinabi ko na wala ako pambayad. Masyado walang puso ang tao na ito na nasa harapan ko. Sinabi ko na papatayin ako ng mga Truson. "I don't give favors and help other people for free." "But if you want your freedom so bad. I can kill you now and give your peace for good." Nakarinig ako ng tawanan sa kabilang sulok ng room. Naiiyak ako. Paano nila nagagawang ituring na laro ang buhay ng mga tao. "Ano gusto mo gawin ko or any na kapalit. Wala akong pera." Sinabi nito na may gusto siya na gawin ko at hindi ako pwede tumanggi. "Wala naman ako choice hindi ba? Papatayin niyo ako." Naaninag ko pagtaas nito ng labi at sinabi nito na may pababantayan siyang tao sa akin. Nakasasalalay sa performance ko ang buhay ko dahil anytime kaya din ako patayin ng tao na iyon. "But—" Tinutukan ako nito ng baril sa ulo. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko after maramdaman ang matigas na bagay na iyon sa ulo ko. — "Please, I will do everything basta huwag mo lang ako patayin, ipakulong or ibalik sa matanda na 'yon. Kahit anong trabaho tatanggapin ko," ani ni Hilda na halos halikan na ang sahig sa pagmamakaawa. Takot na takot ang babae. "Tatanggapin ko kahit anong kondisyon. Babayaran din kita." "Good, because I have a work for you and if you say no. I have no choice but to kill you in an instant. I lost a billion one deal and we almost got caught because of you," ani ng lalaki dahilan para manigas sa kinauupuan si Hilda. "I have an adopted son who near from your age. I want you to watch over him and report everything he does to me, " ani ni Mr. Nicastro hawak ang kopita at diretso na nakatingin sa babae na nakaupo sa sahig at nakatitig sa kaniya. Hindi alam ni Hilda kung anong klaseng tao ang nasa harapan niya at kung anong klaseng panibagong gulo ang papasukin niya pero wala na balak pa si Hilda bumalik. Yumuko ang babae. Ayaw niya na bumalik sa pilipinas dahil sigurado papatayin siya ng ama niya once na malaman nito na tumakas siya sa matandang italiano na nais nito ipakasal sa kaniya. Sigurado din na papatayin siya ng lalaking tinatawag na Mr. Nicastro na nasa harapan niya kung tangkain niya tumakas or hindi siya sumunod sa gusto mangyari nito. Sunod-sunod na bumulong si Hilda ng malas. Nakarinig ng pagkasa ng baril si Hilda at sa pagkataranta naitaas niya ang dalawang kamay. Bigla kasi siya tinutukan ng baril ng dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid ni Mr. Nicastro after niya hindi sumagot. "Tatanggapin ko na! Ayoko pa mamatay! Parang awa niyo na. Babantayan ko na anak ni Mr. Nicastro. Payag na ako maging spy!" Sinabi iyon ni Hilda kahit hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon at anong klaseng tao ang anak ni Mr. Nicastro. Itinaas ng lalaki ang isang kamay at pinababa ang mga baril. "May tanong ako," ani ni Hilda habang pilit na tumatayo. Nanginginig kasi ang tuhod niya hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa halos dalawang oras niya pagkakaluhod. "What is it?" tanong ng lalaki at itinaas ang isang kilay. Masyado seryoso ang atmosphere at biglang bumigat ang hangin sa paligid. "Englishero din ba ang anak mo? Pogi din ba siya katulad mo? Single? A-apply ako maging girlfriend—" Hindi pa tapos magsalita ang babae ay pinakaladkad na ito ng lalaki palabas sa office niya. "Wait! Hindi pa ako tapos magtanong— Mr.Nicastro!" Noong magsara ang pinto isa sa mga lalaking nakaupo kanina pa sa sofa ang nagtanong. "There's so many woman in our side who have experienced. Why she is?" malamig na tanong ng lalaking nakaupo sa sofa at nakasuot ng cap. "Because there is something about that girl that I know my son will be interested in," ani ng lalaki na ngayon ay hawak ang ilalim ng labi at tiningnan ang mga kasama niya sa room. "If she's fail, we can easily rid her," dagdag pa ng lalaki. Iyon ang malinaw na sinabi ni Arthur Cage Nicastro. Isang italian Mafia boss at kasalukuyang head boss ng triad. Isang malaki maimpluwensyang organisasyon na binuo ng mga Nicastro na hindi sakop ng gobyerno. Sa impluwensya ng nga Nicastro at laki ng grupo sumakop sila ng isang city sa italy at ginawa niya iyong teritoryo. Lumabas sa madilim na bahagi si Arthur after ibaba ang kopita at nakapamulsahang humarap sa veranda ng 16- storey building . Mula doon kitang-kita niya ang buong city. May iba't ibang kulay ang mga ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan, mansion at mga maliliit na buiding. Malakas ang pakiramdam ni Arthur na this time magagawa nila na makapagtanim ng spy sa side ng anak niya but in some reason— something from that woman makes Arthur restless. "How could I see the color of that woman's lips and eyes," malamig na sambit ni Arthur habang nagdidilim ang mukhang nakatingin sa buong city. Nababalutan ng iba't ibang mga kulay ang buong city ngunit sa mga mata ni Arthur— tanging mga pulang ilaw lang ang nakikita niya ng malinaw and everything his eyes can reach is fade of gray. "I'm not familiar those color." Nawala ang kakayahan niya makakita ng kulay simula nang mag-train siya under ng ama niya. Bukod sa gray at pula ay wala na siya nakikitang ibang kulay. Akala niya imahinasyon lang niya 'nong gabi na iyon na makita ang kulay ng labi at mga mata ng babae na iyon. Hindi niya gaano pinagtuunan ng pansin sa pag-aakalang dahil lang iyon sa pagod at dala ng alak. Ibinalik si Hilda sa kwarto nito at pagkasara ng pinto kinalampag iyon ni Hilda. "Atleast sabihin niyo sa akin anong klase tao anak ni Mr Nicastro at pangalan niya!" Nagpapadyak si Hilda at tumalikod. Paano kung bata pala iyon or super matanda na din. Napatigil ang babae after may ma-realize. "Pero mukhang hindi pa naman gaano katanda si Mr Nicastro. Base sa boses niya mukhang nasa 40s pa lang ito at sinabi niya na almost ka age ko lang iyong anak niya." Nagpabalik-balik ang babae sa paglalakad dahil ngayon iniisip niya ang about sa mission. Bumukas ang pinto at pumasok si Gabriel. Huminto sa paglalakad si Hilda at nagmamakaawa ito lumapit kay Gabriel. "May sinabi pa ba ang boss niyo about sa mission?" "Break a leg." Nanlaki ang mata ni Hilda at umupo sa sahig. Sinabi na ayaw niya. Niyakap ang mga tuhod sinabi na gagawin niya ang mission. "Paano ko magagawa iyon kung wala na ako legs!" Napangiwi si Gabriel at napakamot sa pisngi. "Ibig niya sabihin goodluck parang ganon. Hindi puputulin hita mo." Napatayo naman si Hilda na parang walang nangyari after marinig iyon. "Anyway, pinapunta niya ako dito para sabihin ang lahat about sa anak niya," ani ni Gabriel at pinakita ang hawak na documents. "Nandito lahat pati mga pictures." Medyo worried si Hilda habang nakatingin doon. Hindi siya marunong magbasa. "Wag ka mag-alala kaya nga nandito ako hindi ba?" Sinabi ni Gabriel na babasahin niya lahat ng nasa dokumento at sasabihin ang lahat ng about kay Aron Nicastro. "Aron?" "Adopted child siya ng padrino na ngayon ay nasa labas ng city. Hindi lang si padrino ang binibigyan niya ng sakit ng ulo ganoon na din ang government," ani ni Gabriel. Tinanong ni Hilda kung ano specific na gagawin niya. "Kailangan mo mapalapit kay sir Aron. Alamin lahat ng galaw niya at i-report iyon sa padrino dahil nag-aalala si padrino na balang araw makagawa si Aron ng gulo na talagang mahihirapan siya malusutan isa na doon ang magkaroon siya ng connection sa iba pang malalaki at delikadong grupo." Napahawak si Hilda sa baba niya at napaisip. "Hate ni Aron ang dad niya kaya niya ginagawa iyon para mag-rebelde?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD