Chapter 11 "Why do I need to live with you in 6 months? May taning na ba ang buhay mo? Mamamatay ka na? Is this your death wish?" Nagkakatakang tanong pa ni Zabina kay Judas. Tila namangha si Judas sa narinig niya mula kay Zabina. Kalaunan ay natawa rin siya. "Seriously? 'Yon pa ang naisip mo sa sitwasyon na 'to? No, I'm not dying. I need you to live with me while we are in a relationship to convince my Mom. Don't worry, I won't do anything to you if it is against your will," paliwanag pa ni Zabina. "Ah, okay. Let's say, magtagumpay nga tayo na mapaniwala natin ang Mom mo at ibang tao na magkarelasyon tayo. What will happen after 6 months?" Tanong naman ni Zabina. "Saka na natin isipin 'yan. If you don't want to be with me by that time, pakakawalan kita. I just don't want their idea o