Nakangiti ako sa harap ng salamin habang tinitignan ang akin repleksyon. Pansin ko ang pagbabago sa aking sarili sa hindi ko alam na dahilan. Naglakad na akong lumabas sa aking kwarto at nagtungo sa sala. Pagdating ko dito ay nakita ko ang pigura ng isang lalake na nakaharap sa malaking t.v. Lumapit ako dito at tinapik ang kanyang balikat. Napalingon naman siya sa akin na nakangiti. Ginantihan ko na rin siya ng isang matamis na ngiti. "Mga anak, kain muna kaya bago kayo pumasok." Napalingon kaming dalawa kay mama dahil sa kanyang anyaya. Tumayo na rin siya sa pagkakaupo at sabay kaming naglakad patungo sa kusina. "Kain ka lang Karldren..huwag kang mahiya." Nakangiting sambit ni mama kay Karldren. Tama ang inyong nabasa. Si Karldren itong kasama ko. Isang lingo na rin kasi ang nakakali