Chapter 4

1864 Words
Part 4 Matapos ang dalawang subject na pagpapakilala ay agad kaming lumabas ni Karldrick sa aming silid. Hilang hila ko siya patungo sa aming school canteen. Bakit ako nagmamadali? Hindi dahil sa nagugutom ang mga alaga ko kundi tinatakasan ko ang isang tao na mala demonyo raw sa ugali. "Bakit ba nagmamadali ka Flue!? Masakit ba tiyan mo?" Daing ni Karldrick sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Kung alam lang niya kung gaano ako natakot sa mga sinabi niya kanina tungkol sa kambal niya. "Bro,hintayin niyo ako!" Sigaw ng isang boses. Napatigil ako sa panghihila kay Karldrick at sabay kaming napalingon sa sumigaw. Nang makita ko kung sino ang sumigaw, bigla akong nataranta kaya dali dali akong tumakbo habang hawak hawak ko ang braso ni Karldrick. Hindi pwede to..ayaw kong makasama ang lalaking yun! Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin kapag nagkataon. "Teka lang,hintayin natin si Dren." Pagpapatigil niya sa akin. "Hindi! Ayaw ko! Di ba sabi mo demonyo yung kambal mo kaya ngayong mas maaga pa ay lalayo na tayo sa kanya." Sagot ko sa kanya. "Hindi yun, kung kilala niya ang tao eh hindi niya gagalawin. Kambal niya ako kaya hindi niya ako sasaktan at tsaka kaibigan kita kaya hindi ka niya aanuhin." Sagot niya sa akin. "Di ba sabi mo kanina eh layuan ko siya? Kaya yun ang ginagawa ko ngayon." Napatawa na lang siya sa aking sinabi. Minsan talaga hindi ko ring maintindihan tong mahal ko eh. "Ano ka ba. Sinabi ko lang yun para hindi ako mawalan ng kaibigan. Baka kapag nakilala mo ang kambal ko eh maging close kayo." Napatigil ako sa kanyang sinabi at humarap ako sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Hindi niya kayang mawala ako sa kanya? Ibig sabihin mahal din niya ako? Ibig sabihin pwede na kaming maging magboyfriend tapos titira sa isang bubong tapos pagsasawaan ko ang yummy niyang katawan tapos mabubuntis ako tapos magpapakasal kami tapos maipagsisigawan ko na sa buong mundo na may FOREVER!? "Bakit mo naman naisip yun?" Mahina ang aking boses ng tinanong ko siya. "Syempre,alam ko naman na boring ako kasama, puro libro ang dala ko,walang kabuhay buhay ang ugali ko kaya natatakot ako na baka pareho kayo ng gusto ng kambal ko eh kaya bigla akong natakot na baka iwan mo na lang ako sa ere." Napangiti naman ako sa kanyang mga sinabi. Kung alam mo lang Karldrick, hindi ako makakatayo sa kama kapag alam kong hindi kita makikita dito sa ating paaralan, hindi ako mag-aaksaya ng pagod at pera kung hindi ko nasisilayan ang iyong maamong mukha, hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko marinig ang mala anghel mong tinig at hindi ako mabubuhay kong wala ka sa aking tabi. "Ang bilis niyo namang maglakad!" Napabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang daing ng isang boses ng lalake. Kahit na parang boses ang narinig ko, alam kong ibang tao ang nagsalita dahil sa kanyang sinabi. Napalunok na lang ako sa aking kinatatayuan at dahan dahan na sumilip sa likod ng magandang katawan ni Karldrick. "Pasensya na Bro kasi takot na takot sayo tong kaibigan ko." Sagot naman ni Karldrick sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti ng malademonyo. "Bakit siya matatakot sa akin Bro? Sa gwapo natin to eh matatakot siya?" Mga tanong niya sa kanyang kambal. Aaminin ko namang gwapo siya kasi kamukhang kamukha siya ng lalaki minamahal ko ng lihim pero ang pinagkaiba lang ay may suot itong itim na hikaw sa kanang taenga, bakat na bakat ang kanyang katawan dahil sa suot niyang fitted ng uniform at wala siyang salamin sa mata. Sa isang maikling salita, mas astigin ang aura ng lalaking demonyo. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa kaibigan mo Drick?" Nakangisi niyang sabi sa kambal niya habang nakatitig siya sa aking mga mata. Parang hindi ko gusto ang ganyang tingin niya, parang may binabalak siyang hindi maganda sa akin. "Ay oo nga pala, Dren si Flue..bestfriend ko at Flue c Karldren o Dren..ang kambal ko." Pagpapakilala ni Karldrick sa akin at sa kanyang kambal. "Nice name,kinagagalak kitang makilala." Sabi niya sa akin sabay lahad sa kanyang kamay. Tinignan ko ang kanyang kamay at sinuri. Mahirap na baka marumi pero mukhang hindi naman. Binaling ko ang aking tingin mula sa kanyang kamay papunta sa kanyang mukha. Hindi nawala ang nakakainis niyang pagngisi. Para hindi ako masabihan na supladong Dyosa, dahan dahan kong kinuha ang kanyang kamay para makipagshake hand. Paglapat ng aming mga palad, bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang may dumaloy na kuryente sa aking kamay papunta sa buo kong katawan na nagdahilan para hindi ko ito mabitiwan. Ewan ko kung bakit ganito pero hindi ko gusto itong pakiramdam na ito. Talaga yatang isang demonyo itong lalaking to kasi naglalabas siya ng kuryente sa katawan! Kaya simula ngayon, sisikapin kong layuhan itong demonyong Lucifer na to! "Saan ba tayo pupunta?" Bigla akong napabalik sa aking katinuhadm ng muli siyang magsalita. Nakakainis tong Bakulaw na to! Kung makapagtanong eh parang ang close close na namin. Hindi porket kambal siya ng loveydabs ko eh aasta na siyang ganyan! Gusto niya yatang makasama ang mga alipores niya sa impyerno! "Hindi ko alam kay Flue kung saan niya dapat ako dadalhin." Sagot naman ni Karldrick sa kanya.  "Baka naman gusto ka niyang masolo ka tapos haha..." Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla ko siyang masuntok sa mukha. Nakita kong hinawakan niya ang parteng nasuntok ko. Bagay lang sa kanya yan! Balak pa niya yatang ibuking ako sa husband ko eh kaya yan! Buti nga sa kanya! "What the! Suntok ba yun o kagat ng lamok? Ang hina ha! Parang babae." Daing niya sa aking ginawa. Nasingkit naman ako ng mga mata dahil sa kanyang sinabi. Akala ko malakas na yun pero bakit ganun ang reaksyon niya? Ganun ba ako kahina? "Bakit mo naman ginawa yun Flue?" Nagtatakang tanong sa akin ni Karldrick. Hindi ko alam ang isasagot ko. Baka kapag sinabi ko ang dahilan eh pagtawanan lamang niya ako. "Ah...eh...may lamok! Oo may lamok kasi sa mukha niya kanina kaya nagawa ko yun." Pagdadahilan ko kay Karldrick. "Suntok na ba ngayon ang ginagamit para makapatay ng lamok?" Nakangising sabat naman ng Tukmol! "Hindi mo ba alam na mababagsik na ang mga lamok ngayon!? Lumalaban na sila! Napanood niyo ba yung commercial na may ninja,aswang at marami pang uri ng lamok ngayon!?" Hindi ko alam kung saang lupalop ng earth ko kinuha ang mga sinabi ko. Basta na lang lumabas sa bibig ko. "Wow...ang sweet pala ng kaibigan mo Drick...sa tingin ko mahal ko na siya." Sabi niya kay Karldrick. Bigla naman akong nabingi sa huling sinabi niya. "Sa tingin ko mahal ko na siya." "Sa tingin ko mahal ko na siya." Hindi ko alam ang aking nararamdaman pero ramdam ko na parang naapektuhan ako sa kanyang sinabi kasi biglang uminit ang aking katawan ng dahil dun. "Baliw ka na ba Dren? Lalaki tong si Flue." Sabat naman ni Karldrick sa kanya. "Sigurado ka Bro? Bakit parang kinikilig siya oh!" Sagot niya sabay turo sa aking mukha. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda sa aking tiyan. Parang may kung ano ang nagliliparan, nagtatakbuhan at parang may sumasabog sa aking tiyan. "Ka...Karldrick...sandali lang ha, gagamit lang ako ng c.r." Nauutal kong paalam sa kanya. Dahil pakiramdam ko ay hindi ako tatagal sa harap ng kapre, dali dali akong magtungo sa pinakamalapit na cr. Para akong may hinahabol na kriminal sa bilis ng paglalakad. Ewan ko ba pero kakaiba ang nararamdaman ko sa anak ni Satanas. Parang may kung ano na mahika siyang ginamit para maramdaman ko ito. Pagpasok ko dito sa loob ng cr, nagtungo ako sa bakanteng pinto at umupo sa bowl. Malinis naman ang cr dito sa GLHS kaya ayos lang kahit matulog pa ako dito. Habang nakaupo ako, biglang pumasok sa maganda kong utak ang unang pagkikita namin. Hindi ko naman akalain na hindi pala siya si Karldrick noon eh. Hindi ko naman kasalanan kung hinalikan ko siya kasi pwede naman sana niya akong pigilan noon eh pero ano ang ginawa niya? Nagparaya siya. Hindi ko namamalayan, hawak hawak ko na pala ang aking mga labi. Hindi ako makapaniwala na ang first kiss ko na dapat para kay Karldrick ay napunta lang sa isang ekstrangherong Demonyo. Pero aaminin ko, masarap ang labi niya pero..hindi dapat yun! Napahawak ako sa aking ulo dahil sa mga iniisip ko. Bahala na nga ang Dyosa ng mga Bakla sa aking kapalaran! Pero sana naman si Karldrick pa rin ang ibigay niya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa Bowl at inayos ang aking sarili. Inabot ko ang lock ng pinto at binuksan ito. Sa pagbukas ko, hindi ako makalabas dahil sa isang lalaking nakaharang dito. Dahan dahan akong napaatras hanggang sa makaupo ulit ako sa bowl. "Ang tagal mong mag-emot diyan ha Bakla!" Sabi niya sa akin habang nakangisi. Napalunok na lamang ako ng aking laway ng unti unti siyang pumasok sa loob at nagsimula na akong kabahan ng muli niyang isara at i lock ang pinto. Napatayo muli ako at hinarap siya. Dahil sa mas malaki siya, bahagya kong inangat ang aking ulo para makita ang kanyang mukha. "Anong kai..." Hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng bigla niya akong halikan. Gusto ko sana siyang itulak ngunit hinawakan niya ang aking likod na nagdahilan para magdikit ang aming katawan. Ilang saglit pa, nakakarinig ako ng mga kalalakihan na nagtatawanan. Dun ko lang napagtanto na ginawa niya ito para walang makarinig at makaalam na may tao dito sa loob. Nang makaalis na ang mga kalalakihan, humiwalay na rin ang labi niya sa aking labi. Gusto ko mang murahin ang lalaking nasa harapan ko ngunit bigla akong napipi. Hindi ko alam kung bakit ako napahawak sa aking mga labi. Dinama ang ito na para bang dumikit ang labi ng lalaking nasa harapan ko. "Masarap ba ang halik ko?" Nanindig ang aking balahibo dahil sa kanyanp tanong. Hindi ko namang maiwasan ang hindi mapatango dahil sa totoo lang ay nasarapan talaga ako. "Bakla nga ang gago! Putik! Sa halos hindi mabilang na naikama ko, ni kahit isa ay wala akong hinalikan tapos kukunin lang ng isang baklang nagkukunwaring lalake para makalapit sa gusto niyang lalake! Pambihirang buhay to oh!" Sigaw niya sa akin. Hindi ko namang magawang sumagot dahil...dahil amoy na amoy ko ang kanyang napakabangong hininga. Parang isang mint candy na dumaloy sa aking ilong papunta sa aking katawan. Amoy na amoy ko rin ang kanyang pabango na hindi masakit sa ilong. Napapikit na lang ako at sinamantalang amoyin ang kanyang katawan. "Putangna! Bakit ka nakapikit? Gusto mo pa ng halik!?" Sabi niya sa akin. Imbes na sagutin ko siya na ayaw ko na, iba ang lumabas sa aking magandang bibig. "Ang bango mo." Naramdaman ko na lang na itinulak niya ako at napaupo na naman sa bowl. Yung totoo? Ito ba ang trono ko? Tatlong beses na akong umupo dito eh. "Pagbabayaran mo ang aking dangal! Pagbabayaran mo ang kinuha mong kayamanan ko! Pagbabayaran mo ang panggugulo mo sa buhay ko!" Banta niya sa akin. Napakapit ako sa aking dibdib dahil hindi ko mapigilan ang pagtibok nito ng malakas. "Tandaan mo ito! Lintik lang ang walang ganti!!" .....................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD