Part 11 Kinabukas, napagpasyahan naming ienjoy ang resort nila Karldrick. Naligo sa dagat at naglaro sa mga iba't ibang pagkakaabalhan dito. Napakasaya. Hindi namin alintana ang pagod basta ang alam namin ay nag-eenjoy kami. "Flue!!" Napabalik ako sa aking katinuhan dahil sa pagsigaw nila ng aking pangalan. Napatingin ako sa harap at nanlaki ang aking mga mata ng patungo na pala sa akin ang bola ng volleyball. Nataranta ako dahil hindi ako handa. Palapit na ng palapit ito sa akin at sa tantsa ko ay matatamaan ang napakaganda kong mukha. Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagsalo ng mukha ko sa bola pero ilang saglit pa ay biglang may nagtulak sa akin kaya hindi ito tumama sa akin. Napahiga ako sa buhanginan dahil sa pagtulak sa akin. "Ok ka lang Flue?" Nag-aalalang tanong ng isang