Part 3
Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng aking alarm clock. Gusto ko mang mahiga muna at ipikit ang aking mga mata ay hindi pwede kasi ito ang unang araw ng pasukan. Agad akong tumayo sa aking kama at nagtungo sa aking banyo para maligo. Nagtatanggal ako ng aking morning glory habang naglalakad patungo kung saan magiging fresh ang aking beautiful body. Pagpasok ko pa lang dito ay agad ko ng tinanggal ang aking mga damit. Tumapat sa shower at dinama ang masarap na tubig habang dumadaloy ito sa aking katawan.
Sa natirang araw ng bakasyon, wala akong ginawa dito sa buhay kundi ang isipin ang unang halik na aking binigay sa aking pinakamamahal na Bestfriend. Parang hindi nga nawala ang tamis ng kanyang labi sa aking labi eh. Pakiramdam ko parang isang droga ang labi niya hinahanap hanap ko. Hindi rin nawala ang komunikasyon namin ng aking Bestfriend matapos ang mapangahas kong ginawa sa kanya. Pumasok nga sa aking isip eh baka nagustuhan niya rin ang halik ko pero minsan din naiisip ko na baka ganun siya kasi ayaw niyang masira ang aming pagkakaibigan. Kaya mamayang magkikita kami ni Karldrick, gagawa ako ng kwento tungkol dun. Sasabihin ko sa kanya na trip ko lang yun at walang ibig sabihin para hindi siya mailang sa akin.
Pagkatapos kong maligo, agad akong nagtungo sa aking cabinet para kunin ang aking mga damit. Nagbihis at siniguradong kaaya-aya akong tignan. Pagkatapos ng aking pagpapaganda, kinuha ko ang aking bag at tinignan ang loob kung kumpleto ba lahat ng aking gamit. Nang masigurado kong walang kulang, naglakad na akong papunta sa pinto at lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko galing sa kwarto, agad akong dumeretsyo sa kusina. Pagpasok ko ay nakita ko ang pinakamaganda kong ina na abala sa paghahanda ng aming agahan habang si papa ay nakaupo sa may mesa na parang Hari na nagkakape. Lumapit ako sa kanilang mesa at umupo sa may gilid ni papa na abala pa sa pagbabasa ng dyaryo.
" Ma, matagal pa ba yan?" Naiinip kong tanong kay mama. Hindi na kasi ako makapaghintay na masilayan muli ang munti kong prinsipe. Ang kanyang napakaamong mukha, sa mala sundalo niyang katawan at sa kanyang nakakahipnotismong mata. Napabuntong na lang ako sabay pikit ng aking mga mata kapag nakikita ko si Karldrick sa aking iipan. Wala ng iba pang laman itong puso at isip ko kundi ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko.
" Anak, nananaginip ka na naman ba?" Bigla akong napadilat dahil sa sinabi ng aking ama.
" Hindi ka pa ba nasayan diyan mahal? araw araw naman ganyan yang anak mo eh at sigurado akong ang bestfriend na naman niya ang iniimagine niyang nakahubad." Sabat naman ni mama habang nag-aayos sa mesa.
" Sobra ka naman ma, hindi ko siya iniimagine na naghuhubad no!" Tugon ko sa aking ina kahit minsan ay totoo naman ang kanyang sinasabi. Ano ba ang magagawa ko kung naiimagine ko siyang naghuhubad sa aking harapan? Siguro hindi naman ako nag-iisa sa mundo na ganun mag-imagine no! at tsaka wala namang masama dun ha.
" Masama yang anak, baka kung ano pa ang magiging bunga kapag patuloy mong iniimagine na naghuhubad siya sa harapan mo." Nabigla naman ako sa sinabi ni mama. May powers ba si mama na magbasa ng nasa isip?
" Eh,hindi ko naman talaga ginagawa yun ma eh, kahit biyakin niyo pa ang ulo ko para malaman niyo." Rason ko sa kanya. Napailing na lamang siya sa aking sinabi at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
" Ma!" Biglang sigaw ni kuya mula sa labas ng kusina. Napatingin kaming lahat sa kanya at nakita kong naglalakad siya papunta sa aming kinaroroonan.
" Oh,bakit?" Nagtatakang tanong ni mama sa kanya.
" Nakita ko yung brief kong kulay dilaw sa cabinet ni Flue!!" Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Paano napunta yung brief niya sa cabinet ko?
" Pumasok ka sa kwarto ko na hindi ka nagpapaalam!?" Naiinis kong tanong sa kanya.
" Bakit? may nililihim ka no? Siguro kaya nawawala ang mga brief ko kasi kinukuha mo!" Sagot naman niya.
" Aanhin ko naman yung mga brief mo eh may panty naman ako!?" Sagot ko sa kanya.
" Eh anong ginagawa ng brief ko sa cabinet mo!?" Nakataas pa ang isa niyang kilay habang nagtatanong siya sa akin.
" Aba eh anong malay ko diyang sa mga brief mo." Sagot ko na lang sa kanya.
" Tumahimik nga kayong dalawa, akala mo namang dalawang bundok ang pagitan niyo kung magsigawan kayo ah. At ikaw naman Cedrick,sayo ba yung kulay dilaw na na may design na teddy bear? akala ko kay Flue yun eh." Gusto ko sang tumawa dahil sa sinabi ni mama. Kulay dilaw na may design na teddy bear? Ang brief ni kuya Cedrick!? dahil sa hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napuno ng halakhak ko ang kusina.
" Ma naman eh, kailangan ba talagang sabihin yun!?" Naiinis na sambit ni kuya Cedrick kay mama.
" Kumain na nga lang kayo! Baka malate pa kayo sa unang araw ng klase niyo." Utos sa amin ni mama ng matapos siyang makapag-ayos ng aming kakainin.
" Anong ginawa mo sa kwarto ko kuya?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Imposiblee naman na naghahanap siya ng brief niya sa kabinet ko?
" Ah,wala. Humiram lang ako ng medyas mo. Wala kasi akong mahanap sa kwarto ko eh." Sagot niya sa akin. Hindi na ako nagtaka sa kanyang sagot. Palagi nga siyang humihiram sa akin eh pero hindi na bumabalik. Ako yata taga bili ng medyas ng mokong na to eh! Bakit kasi ang mga lalaki napakakalat pagdating sa mga medyas? Hindi ba nila alam kung gaano kahalaga ang medyas sa mga estudyanteng kagaya namin?
Napailing na lang ako sa aking knauupuan at nagpatuloy na lang sa pagkain. Pagkatapos naming kumain, agad kaming lumabas ng bahay at hinintay ko si kuya para kunin ang sasakyan naming motor. Meron naman kaming 4 wheels no pero ginagamit ni papa at mama para pumasok sa kanyang trabaho. Si mama na nagtatrabaho sa isang bangko at si papa naman ay sa isang sikat na kompanya ng tela.
" Tara na, ihahatid pa kita." Napatingin ako kay kuya na nakasakay na sa motor. Agad naman akong naglakad at umangkas dito. Pagkaangkas ko pa lang ay pinaharurot na niya ang motor na para bang nahihiwalay ang aking kaluluwa dahil sa bilis.
Wala pa yatang dalawangpong minuto ng makarating kami dito sa gate ng GLS. Bumaba nalang ako sa motor at bago magpaalam, tumingin muna ako sa salamin. Nanggigigil ako sa inis kay kuya kasi naman sayang lang yung pag-aayos ko ng buhok ko kanina sa bahay. Nagulo lang dahil sa mabilis niyang pagpapatakbo!
" Ano? Text mo na lang ako kung magpapasundo ka ha,pero sana huwag na lang." Sabi ng mapakabait kong kuya. Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Pagkaalis niya, nagsimula na akong maglakad.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Karldrick na naglalakad patungo sa aming gusali. Hindi man lang niya ako tinext na maaga din siyang papasok para sabay na kami. Hindi kaya nagsisimula na siyang umiwas sa akin? No! Hindi pwede yun kasi sayang naman tong beauty ko kung iiwasan niya lang ako. Hindi ko kawalan yun, kawalan niya pag nangyari yun.
" Par!!" Sigaw ko sa kanya. NApalingon naman siya sa akin na nakangiti at dali dali akong tumakbo papunta sa kanyang kinatatayuhan. Parang isang eksena lang sa isang movie na kung saan tumatakbo ang babae sa kanyang prinsipe habang ang mga ibon ay nag-aawitan at ang mga paru-paro na nagsasayawan. Isama mo pa ang iba't ibang hayop na nakatingin sa akin habang papalapit ako sa aking prinsipe.
" Par,akala ko malelate ka kasi unang araw pa lang ngayon." Bungad niya sa akin. Ano ka ba Karldrick, hindi ako pwedeng malate kasi baka makatalisod ka ng bato tapos madapa ka taops may tutulong sayong babae tapos maiinlove siya sayo tapos maiinlove ka rin sa kanya tapos magiging kayo tapos magpapakasal kayo tapos magkakaroon kayo ng anak tapos..wait..tapos na! Wala na akong maiisip eh.
" Hindi ako pwedeng malate,Par. Kasi balita ko maraming mga naggagandahang bebot ngayon na nag-enrol eh." Sagot ko sa kanya. Kahit na gusto kong masuka dahil sa aking pinagsasabi eh linulunok ko na lang para hindi siya makahata.
" ah,kaya naman pala. Sige na nga tara na sa silid natin." Nakangiti niyang anyaya sa akin. Parang nanghina ang aking mga tuhod dahil sa ngiti niya. Para akong isang ice cream na natutunaw dahil sa init ng mga titig niya! Hsys..i love you talaga Karldrick!
" Par!!tara na! Tulala ka na naman diyan eh." Napabalik ako sa aking katinuhan ng sumigaw siya. Nakita ko naman na medyo nakalayo na siya sa akin kaya patakbo akong pumunta sa kanya para masabayan ko siya.
Pagpasok namin dito sa aming silid, agad kaming umupo dito sa harap. Dito kasi ang gusto niyang pwesto eh sa harap mismo! Kahit gusto kong sa likod ako, hindi ko naman pwedeng hiwalayan ang mahal ko no. Magpapatayan na lang tayo kapag nagkahiwalay kami!
" Par,yung nangyari noon sa bahay niyo.." Di ko maituloy ang sasabihin ko ng tumingin siya sa akin na nakangiti. Napalunok ako ng aking laway dahil sa kanyang kinikilos.
" Huwag mo nang isipin yun ok lang sa akin." Bilang nagtatalon ang aking puso dahil sa naging sagot niya. Ibig sabihin, gusto niya yung nangyari? Ok lang sa kanya na hinalikan ko siya? Hindi kaya may nararamdaman din siya sa akin? Wah! saan pwedeng magpacatering!? Magpapapyesta ako!!
" Yun mga libro palang hinihiram mo, eh hiniram ulit ng kapatid ko. Noong kasi nakita niyang hawak hawak ko noong ibibigay ko na sana sayo pero umalis ka na lang bigla eh." Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi kasi abala ako sa kakatitig sa kanya.
" Flue!!Bakit ba parati ka na lang natutulala? Sakit na ba yan ngayon?" Pagbabalik niya sa aking katinuhan na sinabayan pa niya ng pagtapik.
Hindi mo lang alam kung gaano na kalala ang sakit ko Karldrick,ang sakit ko na nagdulot ng pagkapatay ko sayo. Sana naman ay gamutin mo ako, gamitin mo yang pagmamahal mo para magising muli ang diwa ko. Isang halik mo lang ang aking kailangan Kardrick,isang halik mo lang.
" Ano ba yang ginagawa mo Flue! bakit ka nakanguso?"
" Ah..eh..may na..nakita kasi akong babae kanina Par! Ang ganda! Parang gusto ko siyang halikan kanina eh." Nauutal kong sagot sa kanya. Putragis naman oh!!nakakahiya!!Ano na lang ang iisipin niya? Baka isipin niya na gusto ko ulit matikman ang labi niya. My G! Handa ako kahit ngayon na!
Hindi ko namamalayan, pumasok na pala ang aming guro. Sinabi niiyang siya ang magiging adviser namin at mga rules at grading system. Pagkatapos niyang ipaliwanag ang lahat ng yun, inutusan niya kaming maglabas ng 1/4 na index card at sinabi niya kung ano ang isusulat namin. Gaya ng dati, pangalan, address at cellphone number ang sinabi niyang ilagay namin dito. Pagkatapos naming magsulat, agad naming ipinasa sa kanya at isa isang tinignan ito.
" Alam kong magkakakilla na kayong lahat pero ako ay hindi pa. Kaya kapag tinawag ko ang pangalan niyo ay tatayo kayo at magpapakilala." Sabi niya sa amin. Sa Tanan ng buhay namin na ginagawa ito, sanay na kami.
" So First.." Hindi natuloy ng aming guro ang pagtawag ng aming pangalan ng may magsalita sa may pinton. Nagulat ako sa aking nakikita. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Karldrick ang nakikita ng aking mga mata sa may pinto. Tumingin ako sa aking tabi pero.. nandito naman siya na nakaupo. Baka imagination ko lang ito. Ganito naman kapag mahal mo ang isang tao eh..akala mo lahat ng taong nakikita mo ay mukha ng mahal mo. Kaya ang ginawa ko, ipinikit ko muna ang aking mga mata at agad ding dumilat. Pagdilat ko, ganun pa rin ang nakikita ko kaya muli akong pumikit at agad ding dumilat pero ganun pa rin kaya pumikit ako muli at dumilat. Siguro naman gising na ako sa imagination ko.
" Goodmorning guys i'm Karldren Villamayor..twin brother of Karldrick Villamayo. Im from...." Hindi ko na pinansin ang kanyang mga sinasabi dahil gulat na gulat ako sa aking nalaman. May twin brother pala ang bestfriend ko? Akala ko bunso o nakakatandang kapatid niya lang yung sinasabi niyang kapatid niya. Hindi ko naman akalain na kambal niya pala.
" Find your seat Mr. Karldren Villamayor." Utos niya dito. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kasi nakatitig siya sa akin ng masama. Para bang may nagawa akong kababalaghan sa kanya. Kulang na lang eh puntahan niya ako at sakalin sa mga titig niyang nakakamatay. Napalunok ako ng aking laway ng lumapit siya sa akin. Nang tumigil siya sa aking gilid, bigla akong kinalabutan sa kanyang binulong.
" I like your kiss ha. Napakatamis." Dahan dahan kong iginalaw ang aking ulo para makaharap ako sa kanya. Nagsisisi ako sa pagharap ko dahil kitang kita ko ang kanyang ngisi na hindi ko nagugustuhan. nayos niya ang kanyang tayo at naglakad patungo sa likod. Hindi na lang ako nag-aksaya pa ng minuto para tignan siya dahil nalilito ako.
Ano ang ibig sabihin ng kanyang bulong? Siya ba ang lalaking nahalikan ko noon sa bahay nila Karldrick?
Siya ba ang pinagbigyan ko ng aking first kiss?
" Huwag kang lalapit sa kambal kong yun..tarantado yun."
Mas lalo akong kinalabutan sa sinabi ni Karldrick sa akin.
" Kaya nga pinabalik yun dito kasi maraming kalokohan sa America noon." Dagdag pa niya.
" Pinapalalahanan na kita Flue, huwag na huwag mo siyang lalapitan kahit isang tingin lang ay huwag mong gagawin kong gusto mo pang mabuhay." Pagtatapos ni Karldrick.
Ito na ba? Ito na ba ang simula ng katapusan ng aking mundo?
Pakiusap po ilayo niyo ako sa taong yun..hindi pa kami kasal ni Kardrick eh..
Wala pa kaming mga anak!!
Please G. Ilayo niyo ako sa demonyo!!