Part 2
Pagkatapos naming makapag-enrol ni Karldrick, dumeretsyo muna kami dito sa canteen. Nakakagutom kaya ang pumila lalo na kapag sobrang init ng panahon. Nakaupo ako ngayon dito malapit sa bintana habang nakatingin sa labas. Kitang kita ko ang mga taong dumadaan na halatang malaki ang nakupit sa mga magulang. Napapangiti na lang ako kasi pati ako ay medyo malaki rin ang kupit ko. Ang laking halaga kasi ng binigay nila mama para sa pagpapaenrol ko eh kaya eto, may pambili na ako ng mga gamit ko.
"Para kang baliw diyang, Par ngumingiti mag-isa." Napabaling ako ng tingin sa nagsalita. Mas lalo pa akong napangiti ng makita ko ang maamo niyang mukha. Inilapag niya ang binili niyang pagkain sa mesa at umupo sa aking harapan.
"Ang tagal mo kasi Par eh! Kaya eto, ingingiti ko na lang ang gutom ko." Sagot ko sa kanya. Napailing na lang siya sa aking sinabi. Kinuha niya ang burger sa kanyang tray at inalis ang balot nito. Dahan dahan niyang inilapit ang burger sa bunganga niya at parang gusto kong sunggaban ang kanya nakabukang bibig. Pinapanood ko lang siya ngumunguya at sa aking paningin ay ang sexy.
"Hoy! Kain na! Pinapanood mo na naman ako." Napabalik ako sa aking katinuhan ng sitain niya ako. Hindi ko kasi maiwasan ang mapatitig sa kanya eh. Ewan ko ba kung bakit pero napapangiti na lang ako kapag nakikita ko siyang ganyan. Para kasi siyang gwapong prinsipe kung kumain eh.
Napabuntong hininga na lamang ako sabay kuha ng burger na binili niya at kinain ito. Pagkatapos naming kumain, agad kaming umalis dito at nagtungo sa parking lot dahil nandun ang kanyang motor. Magkasama kaming naglalakad at kitang kita ko ang mga kababaihan na tumatabi sa daan at parang may kung ano sa kanilang tiyan na nangkikiliti sa kanila.
"Ang gwapo talaga nila girl!"
"Oo nga! Akin si Flue at sayo si Karldrick!"
Narinig kong usapan ng dalawang babae ng mapadaan kami sa kanilang kinatatayuhan. Gusto ko sanang sigawan sila at sabihing.."Walang sa inyo mga bruha kayo! Akin lang ang papa Karldrick ko!" pero syempre nagpigil ako. Baka kung ano pa ang isipin nila kung sabihin ko sa kanila yun.
Ilang minuto rin na paglalakad, nakarating din kami dito sa parking lot. Sinabihan ako ni Karl na hintayin ko na lamang siya sa may guard house kaya nagkahiwalay kami ng landas.
Habang nakatayo ako dito na parang guwardya, iniiisip ko pa rin kung itutuloy ko ba ang balak ko..ang balak kong umamin sa kanya na bakla ako, ang balak kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Ano kaya ang mangyayari kapag ginawa ko yun? Uhmm..
"Karldrick...bakla ako at mahal na mahal kita."
"Talaga Flue? Totoo ba yang sinasabi mo kasi mahal din kita Flue..mahal na mahal!"
Napapangiti na lamang ako sa aking naiisip pero paano kung ganito?
"Karldrick, bakla ako at mahal na mahal kita."
"Ano!? seryoso ka ba Flue!?Sa mahigit tatlong taon nating pagsasama bilang bestfriend linuko mo lang ako tapos bakla ka pa!? Siguro sa tuwing magkasama tayo eh gusto mo akong halayin no!?"
"Hindi ganun Karldrick...kasi, kasi...hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin. Paggising ko kinaumagaan eh naramdaman ko na lang na mahal kita."
"Kalokohan! Ang mga gaya niyong mga bakla dapat sa inyo niluluto sa kumukulong mantika para mawalan ng salot ang mundo!"
Hala..grabe naman itong imagination ko! Ang hard ko lang sa mga gaya kong mga Dyosa kapag ganun..pero paano kung ganun nga ang magiging reaksyon ni Karldrick?
Hindi..hindi! Kilala ko si Karldrick..hindi siya mapanghusgang tao. Mabait siya at alam kong maiintindihan niya ako.
"Hoy Flue!!kanina pa kita tinatawag diyan hindi ka naman namamansin! Tara na!" Napabalik ako sa aking katinuan ng marinig ko ang sigaw ni Karldrick. Nakaupo siya sa kanyang Mio, hayst..napakasexy talaga ng baby ko.
"Ano ba Flue!? Ang init kaya. Pangiti ngiti ka pa diyan eh." Pagkasambit niya ang mga katagang yun ay agad agad akong pumunta sa kanyang kinalalagyan. Sumakay ako sa kanyang motor at humawak sa likod para hindi ako mahulog.
"Kumapit kang mabuti kasi nagmamadali ako." Ani niya sa akin at bigla niyang pinatakbo ang motor niya ng mabilis.
"Hoy! Magdahan dahan ka naman. Baka kung ano pa mangyari sa atin kapag ganyan." Sigaw ko sa kanya para marinig niya. Kulang na lang humiwalay ang aking magandang soul sa bilis niyang pagpapatakbo eh.
"Pasensya na, natatae kasi ako eh kaya binibilasan ko." Sigaw din niyang sagot sa akin.
"Humawak ka na lang sa katawan ko para hindi ka mahulog!" Dagdag pa niya. Dahil nga pinanganak din akong malandi, agad kong pinulupot ang aking mga kamay sa kanyang katawan. Hindi ko maiwasang maamoy ang kanyang likod. Napakabango! Parang isang mamahaling perfume ang gamit niya. Napapikit na lang ako at hindi nag-aksaya ng oras para maamoy at mahawakan ang katawan ng taong nagpapabaliw sa akin.
Wala pa yatang twenty minutes eh nakarating na kami dito sa kanilang tahanan. Sa gate pa lang ng kanilang bahay, makikita mo na kung gaano kayaman ang pamilya ni Karldrick. Napakalaki ng bahay! Mula sa labas, kitang kita mo ang maayos na pagkakadesign ng kabuohan na parang medeteranian style na american..ewan basta ang ganda!
Pagbukas ng gate nila ay agad kaming pumasok dito. Inilibot ko ang aking mga mata at kitang kita ko ang kanilang napakalwak na garden. May iba't ibang mga naggagandhang halaman at ang pinakagusto ko ay ang fountain na nasa harap mismo.
Nang makarating kami sa harap ng pintuhan ng bahay nila, iniwan na lang namin ang kanyang motor at pumasok. Kung napanganga ako sa labas kanina, mas napanganga pa ako sa loob! Bwisit na bahay ito! Parang isang palasyo lang naman! Hindi pala parang, palasyo talaga!mula sa mga naglalakihang mga painting sa mga dingding, sa mga nakasabit na chandelier na wari mo ay mga diamond na kumikinang at sa mga high-teck na kagamitan. Bwisit! Parang gusto kong mamasukan bilang katulong dito!
" Punta ka na lang muna sa may pool sa likod, magbabawas lang ako at magpapalit ng damit." Sabi ni Karldrick sa akin habang hindi makapakali sa kanyang kinatatayuhan. Nang sinagot ko siya ng tango, agad siyang kumaripas ng takbo paakyat sa second floor. Inilibot ko ang aking paningin kung saan ako dadaan papunta sa sinasabi niyang pool hanggang sa makita ko ang isang maid na kung titignan mo ay parang isang secretary sa isang opisina.
Tinanong ko siya kung nasaan ang kanilang pool at saan ako dadaan. Sinabi naman niya kaagad ang direksyon papunta sa sinasabing pool ni Karldrick.
Pagkasabi ng maid ng direksyon, agad na akong naglakad sa kanyang tinuro. pagdating ko dito, agad kong nakita ang malaking pool na hugis bilog. Malinaw ang tubig nito na parang nang-aanyayang maligo ako. Gustuhin ko man maligo, wala naman akong dalang damit. Alangan naman na manghiram ako kay Karldrick pero pwede naman siguro.
Naglakad lakad ako sa may pool habang tinitignan ang tubig. Sa tantya ko ay nasa seven feet ang lalim nito. Habang nagpaikot-ikot ako sa may pool, hindi ko maalis sa aking isipan ang aking plano. Wala namang mawawala sa akin kung aamin ako 'di ba? Kung meron man, baka yung relasyon namin ni Karldrick bilang mag bestfriend. Kahit papaano, makakaapekto pa rin ito sa aming pagkakaibigan. Maaring iwasan niya ako o 'di kaya naman ay layuhan na niya ako,pero kailangan ko nang sabihin ito. Ewan ko ba sa aking sarili kong bakit atat akong sabihin sa kanya. Siguro pakiramdam ko ay pareho kami ng nararamdaman kaya may tapang akong sabihin sa kanya.
Ilang saglit pa, nabigla na lang ako ng makita ko si Karldrick na nakatayo sa bukana ng pinto habang nakatitig sa akin. Ngayon ko lang siya nakita na hindi nakasalamin at ang gwapo gwapo talaga ng lalaking to. Hindi ko alam kong bakit papalapit ang aking mga paa sa kanyang kinatatayuhan. Para bang may sariling isip ang aking katawan. Nagpaanod na lang ako sa gusto ng aking katawan at ilang saglit pa ay kaharap ko na siya.
" Karldrick..pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko sa kanya. Heto na ang pagkakataon ko! Kahit anong mangyari ay sasabihin ko na sa kanya.
" Si.." Hindi ko siya pinatapos magsalita at agad ko syang hinila papunta sa malapit sa pool.
"Ano ba!?" Pinatigil ko siya sa pagsasalita gamit ang aking hintuturo at itinakit ito sa kanyang bibig.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at bigla ko siyang hinalikan. Isang halik na matagal ko nang inaasam, isang halik na mula sa umpisa ay pinangarap ko na. Nalasahan ko ang kanyang bibig. Lasang kape pero hindi siya mapait kundi matamis. Nagtataka nga ako kung bakit lasang kape ang bunganga niya eh hindi naman kami uminon nito.
Nang humiwalay ako sa halik, kitang kita ko ang pagkagulat ng kanyang mukha,ng kanyang mata. Para siyang nakakita ng isang multo dahil sa ginawa ko.
" Ano bang.." Pinutol ko ulit ang kanyang sasabihin sa pamamagitan ng isa pang halik.Nang maramdaman ko ng napatigil ko na siya, agad ko siyang hinarap.
" Karldrick,simula nang makita kita ay nagbago ang paningin ko sa mundo. Simula ng makilala kita, sumigla ang buhay ko. Nang maging kaibigan kita, hndi ko maipaliwanag ang galak ng aking puso habang nagsasama tayo, para akong isang nakatakas sa mental dahil nawawala ang isip ko. Alam mo ba kung bakit Karldrick? Kasi mahal kita,mahal kita hindi dahil kaibigan kita, mahal kita hindi dahil kapatid ang turing ko sayo, mahal kita Karldrick dahil ikaw ang nagpapasaya ng aking puso, nagbibigay kulay ng aking mundo at nagbibigay sigla sa buhay ko. " Madamdamin kong pahayag sa kanya. Kitang kita ko ang kanyang mukha na parang hindi makapaniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang bestfriend mo eh matagal ng may gusto sayo? Sino ba ang maniniwala na ang isang lalaki ay magtatapat ng pagsinta sa isa pang lalaki? Di ba hindi nakakapaniwala?
" Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo!?" Galit niyang sambit sa akin. Nakaramdam na ako ng takot dahil sa kanyang sinabi. Unti unti akong umatras papalayo sa kanya. Galit na galit ang kanyang mukha. Parang ngayon ko lang nakita ang aking bestfreind na ganyan. Dahil sa takot, hindi ko na napigalan at tumakbo ako para makalayo sa kanya.
" Teka! Hindi pa ako tapos magsalita!" Pagpigil niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Ayaw kong marinig ang sasabihin niya kasi alam kong masasaktan lang ako. Sa kanyang tono ay halata ko na ang galit sa kanya. Inihanda ko naman ang sarili ko sa ganito pero hindi ko pa rin pala kaya na marinig ang sasabihin niya.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay, dali dali kong tinungo ang pinto palabas ng bahay nila. Madali ko naman itong nahanap at agad ko ito binukasan. Tumakbo akong pumunta sa kanilang gate at pinabukasan ito sa guwardya nila. Nang makalabas na ako ng tluyuyan sa kanilang bahay, kinuha ko ang aking cellphone at pinadalhan ko ng mensahe si kuya para sunduhin ako. Sinabi ko ang lugar kung nasaan ako. Pagkatapos kong maisend ang mensahe, naglakad lakad na lang ako hanggang sa makakita ako ng waiting shed at doon naisipang umupo habang hinihintay ko ang aking kuya.
Habang nakaupo, hindi ko maiwasan ang mapaisip. Ano na kaya ang nasa isip ngayon ni Karldrick? Halata ko sa kanya kanina na galit na galit siya dahil sa aking ginawa. Paano na lang kapag dumating ang pasukan? Kakausapin pa ba niya ako? Lalapitan at kakamustahin? Siguro ay hindi. Napahawak na lang ako sa aking ulo. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ngayon ko pa talaga naisipang umamin ng nararamdaman ko? Pwede naman kapag nagtapos na kami bilang seniors eh pero bakit ngayon pa? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh. Nagmamadali ba ako? Bakit hindi ko napigilan ang sarili ko?
Hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha. Napapaluha ako dahil naiisip ko ang masamang epekto ng ginawa ko na baka layuhan ako ni Karldrick, hindi kausapin, o ang mas malala pa ay itakwil na niya ako bilang bestfriend!
Makalipas ang mahigit kalahating oras, nakita ko na si kuya na nakaangkas sa kanyang motor. Tumayo ako sa pagkakaupo at nilapitan ko siya.
" Oh?bakit ganyang ang mukha mo? umiyak ka ba?" Sabi sa akin ni kuya.
Hindi ko na lang siya sinagot at sumakay ako sa kanyang motor. Ayaw kong sabihin kay kuya kong ano ang nangyari ngayon kasi alam kong pagtatawanan lamang niya ako. Naramdaman kong napabuntong hininga si kuya bago niya patakbuhin ang kanyang motor. Tahimik lang kami nagbyahe pauwi.
Nang makarating kami dito sa bahay, agad akong nagtungo sa aking kwarto at humiga sa aking kama. Kung mangyari man ang nasa isip ko na lumayo sa akin si Karldrick, baka hindi ko kayanin, baka mas gugustuhin ko pang magpakamatay!
habang abala ako sa panunod ng mga butiki sa kisame, narinig kong tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bulsa at inopen. Nagulat ako ng makita ko ang pangalan sa mensahe. Galing ito kay Karldrick! Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko ba o hindi kasi baka minumura niya ako sa kanyang mensahe. Wala na akong nagawa at binuksan ko na lang ang mensahe. Nagulat ako sa aking nabasa. Hindi ako maakapaniwala.
" Par! Bakit ka umalis na lang bigla na hindi nagpapaalam? Hindi ko pa naiibigay sayo tong hinihiram mong libro eh!" Parang wala lang nagyari kanina kung makatext siya sa akin. Hindi kaya ok lang sa kanya na hinalikan ko siya? Hindi kaya nagulat lang siya kanina kaya napagtaasan niya ako ng boses kanina? Hindi kaya..Hindi kaya narealize na niya na mahal din niya ako?
Wahhhh..Bigla akong napangiti dahil sa mga naisip ko. Yung mga lungkot na naiisip ko kanina ay biglang naglaho at napalitan ito ng saya dahil sa isang mensahe galing sa lalaking minamahal ko!
Sa pasukan, babawiin ko na lang ang aking mga sinabi sa kanya para hindi siya mailang sa akin. Sasabihin ko sa kanya na trip ko lang yung ginawa kong panghahalik sa kanya para mawala ito sa isip niya at kapag nangyari yun, babalik kami sa normal. Pasensya naman kung magulo akong tao pero ganito ako eh..at alam kong kagaya niyo ako kapag inlove kayo. Hindi niyo alam ang ginagawa at sinasabi niyo at marerealize niyo na lang kung nangyari na.