Part 1
Flue's Pov:
Ang sarap talagang pagmasdan ang lalaking pinapangarap ko. Sa kanyang napakaamong mukha,mula sa napakaganda niyang mga mata hanggang sa napakapula niyang mga labi ay hindi ko pagsasawahang titigan ito.
Nakaupo ako ngayon habang nasa harap ko ang isang anghel na nagpapaligaya sa akin, nagbibigay kulay sa munti kong paraiso at nagbibigay ng buhay sa napakaganda kong katawan.
Napapangiti na lang ako habang nakikita ko ang kanyang napakaaliwalas na mukha habang nagbabasa ng libro.
Kailan kaya niya ako mapapansin nitong si Karldrick? Mahigit limang taon na rin kaming magkaibigan nito at kasabay nun ay ang pagtatago ng aking tunay na nararamdaman dito.
Hindi ba niya nararamdaman ang aking pagsinta na kapag kami ay magkasama?
Hindi ba nahahalata na palagi akong nakatitig sa kanya?
Hindi ba siya nagtataka kung bakit nandun ako palagi kahit saan man siya magpunta?
Napabuntong hininga na lang ako sa pinagsasabi ng aking isip. Sino ba naman ako para mapansin niya eh isang hamak na bakla lang naman ako na hindi niya alam? Sa dami ng nagkakagusto sa kanya sa aming paaralan ay mahirap ng mapansin pa niya ako.
"May problema ba Flue?" Biglang tanong niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya at umiling bilang sagot. Isinara niya ang librong kanyang binabasa at nakangiting tumingin sa akin.
"Nagugutom ka ba? May hotdog ako dito gusto mo?" Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanyang sinabi. Hinalungkat niya ang kanyang bag at may inilabas na baunan. Pagkabukas niya nito, nakita kong may tatlong jumbo hotdog sa loob.
Kinuha niya ang isa gamit ang kanyang kamay at dahang dahang inilapit ito sa aking bunganga. Ibinuka ko naman ang aking bibig para kaiinin ang hotdog na nasa kanyang kamay.
"Masarap ba? May cheese yan sa loob." Sabi pa niya sa akin.
"Ang sarap Karl...lalo na kapag galing sayo." Sagot ko sa kanya. Napangiti naman siya dahil sa aking sagot.
"Gusto mo pa?" Tanong niya ulit sa akin.
"Kahit ilan pang hotdog basta galing sayo." Sagot ko naman.
Nakita kong kinuha niya ang isa pang hotdog sa baunan. Nakapikit akong ibinuka ang aking bibig para hintayin ang hotdog na isusubo niya sa akin.
Ilang saglit pa, naramdaman kong nakapasok na ang hotdog sa bibig ko pero hindi ko inaasahan na ideretsyo niya hangang sa lalamunan ko.
Napadilat ako ng aking mga mata ng mabilaukan ako dahil sa hotdog na nasa bunganga ko.
"Buti naman at nagising ka na Mr. Florantino A. Montecillio Jr. " Nakataas pa talaga ang kilay ng kontrabida kong mudrabels!
"Mama naman eh! Panira ka sa panaginip ng dyosa mong anak! At pwede ba ma! Flue ang itawag mo sa akin hindi yang napakabahong pangalan!" Daing ko sa kanya. My G! Nakakabawas ng ganda at kasexyhan ang buo kong pangalan eh! Ewan ko ba sa mga parents ko kung bakit yun ang ipinangalan nila sa akin. Pwede namang Angel Locin o di kaya naman ay Anne Curtis kasi hindi naman nalalayo ang beauty ko sa kanila!
"May sinasabi ka princesa? Ano ang mabahong pangalan? Gusto mo bang kaltasan ko ang magiging allowance mo sa susunod na pasukan?" Lintaya ng napakagwapo kong ama. Nakalimutan ko Jr pala ako at ang ibig sabihin kapangalan ko lang si Father Dear!
"Ah...eh...I love you papa." Sabi ko na lang na sinabayan ko pa ng pagpapacute.
"Kumain ka na diyang bata ka! Di ba ngayon ang enrolment niyo bilang seniors?" Utos at tanong ni mama sa akin.
"Ngayon nga po ma...kaya kailangan maganda ako mamaya." Sagot ko sa kanya. Napapailing na lang siya sa aking sinasabi.
"Bakit kasi naging bakla ka pa eh maganda naman ang katawan mo..lalaking lalaki, gwapo ka naman at sa unang tingin wala ka namang bahid ng kabaklahan." Kitang kita ko ang pagkadismaya ni mama sa aking katauhan. Oo nga bakla ako pero kung titignan niyo ako mula ulo hanggang paa eh lalaking lalaki ako. Nung nakaraang taon nga may nagconfess ng feelings sa akin eh. Buti sana kung lalake pero ang masaklap ay girlalu pa! Hayst..ganito ang mahirap sa aming mga gwapong bakla eh. Akala ng iba kasing tuwid ako ng poste pero ang hindi nila alam, baluktot ang bituka at berde ang dugo ko.
"Mahal, bayaan mo na lang ang anak mo, diyan siya masaya eh..alangan naman na pigilan natin at tsaka ayaw mo yun?may princesa tayo sa bahay?" Kaya mahal na mahal ko ang father dear ko eh kasi kahit na ganito ako ay tanggap na tanggap niya ako hindi gaya sa iba na kapag nalaman na bakla ang anak eh kulang na lang ang patayin ito.
"Pero mahal, sayang ang napakagwapong mukha ng anak mo oh..dito lang naman sa loob ng bahay bading yan eh." Sagot naman ni mama.
Tama kayo sa narinig o nabasa niyo. Kapag nandito ako sa bahay, isa akong diwata ng karagatan pero kapag nasa labas isa akong maton. Ayaw ko kayang pagtawanan ako ng mga tao kapag kumekembot ako sa daan at tsaka baka kumpulan ako ng tukso ng mga kamag-aral ko no! Masira pa ang beauty ko!
"Wala tayong magagawa kung yun ang gusto ng anak mo. Suportahan na lang natin siya. May sarili na yang utak." Sagot naman ni papa kay mama.
Pagkatapos ng bangayan nila, nagpatuloy na lang kaming kumain para makapaghanda na rin ako sa pag-eenrol ko ngayon.
"Ma...nakita niyo ba ang mga medyas ko? Wala kasi akong mahanap eh." Napatingin kaming lahat sa sumigaw. Si kuya lang pala at..walangya! Kaaga aga nagpapainit si kuya!
"Aba pakialam namin sa mga medyas mo! Baka nagtampo na sila kasi hindi mo nilalabhan!" Sagot naman ni mama. "Halika kain ka muna." Pagtawag pa niya dito. Pakamot kamot naman siyang naglalakad patungo dito. Hindi maikakailang gwapo itong kuya kong ito. Maganda ang katawan kasi palaging tumatakbo yan sa madaling araw at may ginawang barber pa yan na nasa labas kaya siguro maraming mga babae na pumapayag na iuwi nito sa bahay.
"Hoy Flue! Pinagnanasaan mo na naman ako no!" Napabalik ako sa reyalidad ng bahagya akong suntokin ni kuya sa braso.
"Pa oh! Si kuya nanununtok!" Sumbong ko kay papa. Kahit na mahina yun ang sakit kaya!
"Paano naman kasi...kulang na lang na hubaran niya ako ng short sa kakatitig." Sabat naman ni kuya.
"Hoy! Ang kapal mong bakulaw ka! Buti sana kung kasing hot at kasing gwapo mo ang bestfriend ko!" Sagot ko sa kanya. Akala mo naman kung sinong gwapo eh kung tutuusin mas gwapo pa sana ako eh. Malaki lang katawan kaysa sa akin.
"Yung bestfriend mong walang alam kundi ang magbasa ng libro?" Sabi pa ni kuya sa akin.
"Eh buti nga siya libro ang inaatupag eh ikaw? Yang pagpapalaki lang ng toot toot mo lang ang alam mo!" Sagot ko sa kanya.
"Bakit mo alam? Siguro sinisilipan mo ako no!?"
"Aba ang kapal talaga ng feslak mo ah! Bakit naman kita sisilipan eh kapatid kita!" Sagot ko naman sa kanya. Ganito kami araw araw ni kuya magbangayan pero love na love ko siya kasi siya yata ang tagapagtanggol ko kapag may nang-aapi sa akin noong elementary kami. Pero ngayon college na siya sa susunod na pasukan kaya nalulungkot din ako.
"Alam niyo!? Kayong dalawa? Kumain na kayo kung gusto niyo pang mabuhay!" Banta ni mama sa aming dalawa kaya napayuko na lang kami at kumain.
..
"Bilisan mo Flue! Dadami na ang pila sa enrolment eh!" Pagtawag ni kuya sa akin habang ako ay nagpapaganda pa sa harap ng salamin.
Nakasuot lang ako ng puting tshirt na may tatak na "God's Not Dead" na inorder ko pa sa online at tinernuhan ko ng blue jeans at convers. Lalaking lalaki ano? Wala eh, takot akong lumantad sa buong mundo basta ang alam ko, tanggap ako ng pamilya ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, lumabas na ako ng aking kwarto at dali daling lumabas ng bahay. Paglabas ko, nakita ko agad si kuya na nakatayo sa may gilid ng motor niya.
"Ang tagal ha! Akala mo naman may babaeng pupormahan." Reklamo ni kuya sa akin. Naglakad na lang ako papunta sa kanya. Sumakay kaming dalawa sa motor niya at umarangkada na ang ganda ko.
"Susunduin ba kita mamaya?" Tanong ni kuya sa akin.
"Text na lang kita kuya kung magpapasundo ako." Sagot ko sa kanya. Pagkasabi ko sa kanyan yun, agad din siyang umalis. Magpapaenrol din kasi siya sa Glennford University eh. Ang pinakamagandang unibersidad dito sa amin.
Habang naglalakad ako, nagcocompose ako ng mensahe na ipapadala ko sa aking pinakamamahal na bestfriend/dream guy/ ko.
"Par, nasaan ka na!? Ang dami ng mga bebot na nakapalid sa akin dito oh! Bilisan mo! Nandito ako sa science park." Pinadala kong mensahe sa kanya.
"Malapi na ako Par! Ilang minuto na lang..pagbigyan mo na sila para makapaggirlfriend ka na." Napangiwi ako sa kanyang sagot. Girlfriend? Eww lang ha! Pwede ikaw na lang ha bestfriend!?
Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad.
"Hi Flue."
"Baby Flue...nood tayo ng sine mamaya pagkatapos ng enrolment."
"Flue...may place ako, pwede ka ba?"
Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga froglets sa akin. Kung alam lang nilang mas maganda ako sa kanila eh baka tumigil na sila. Nginitian ko na lang sila ng pilit para hindi nila sabihing suplada ako.
Paano kaya kung ipagsigawan kong dyosa ako?
Matatanggap kaya nila ako?
Hindi mangyayari yun..kasi ang tao ay mapanghusga. Kahit kunting pagkakamali lang nga eh napupuna nila at pag-uusapan ng bongga! Paano pa kaya kung malaman nila na isa akong bakla? Eh di pinagpyestahan na nila ako!
Hindi ko namamalayan, nandito na pala ako sa Science Park. Inilibot ko ang aking paningin sa lugar at hindi na ako nagulat na makita ang mga malalanding mga estudyante ng Glennford Laboratory High School.
Nang makakita ako ng mauupuan,agad akong naglakad para pumunta dun. Pagkaupong pagkaupo ko, inilabas ko ang aking phone at naglaro na lang muna ng pwedeng malaro.
"Par,tara na para maaga tayo makauwi." Sambit ng isang lalake sa akin habang nasa kalagitnaan ako ng paglalaro. Itinigil ko ang aking ginagawa at dahang dahang inangat ang aking ulo. Pag-angat ko, tumambad sa aking paningin ang mukha ng pinapangarap kong makasama habang buhay. Ang kanyang mapupulang labi, ang matangos niyang ilong at ang kanyang mapang-akit na mata na kahit nakasalamin ay walang epekto ito sa kanyang kagwapohan.
Ang paligid ay puno ng paru-parong nagliliparan, ang mga bulaklak na unti unting bumubuka at ang liwanag ng kanyang mukha ay nagsisilbing araw sa aking paningin.
"Flue! Ano na?" Napabalik ako sa realidad ng tapikin ako ng akin bestfriend.
"Eto naman oh! Istorbo ka naman eh." Kumwaring daing ko para hindi niya mapansin na natulala ako sa kanyang kagwapohan.
"Tara na kasi, hindi ko pa tapos basahin yung book 5 ng mortal instrument." Ani niya sa akin. Ganyan yan, puro libro ang alam hawakan. Minsan nga hiniling ko na lang na maging libro na lang ako eh para kahit papaano hahawakan niya ako.
"Tara na nga! Ang bagal kumilos eh!" Nagulat ako ng hilain niya ako. Ramdam ko ang init sa aking mukha habang tinitignan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay. Para akong napapaso dahil sa hawak niya. Para akong malulusaw dahil sa kilig at para akong...para akong lumilipad sa alapaap habang magkahawak kami ng kamay.
"Magpapalakaladkad ka na lang ba? Bilisan mo." Pagmamadali niya sa akin.
..
Habang nakapila kami ngayon dito sa registrar, kitang kita ko ang kanyang likod na parang ang sarap haplosin. Napabuntong hininga na lang ako sa aking iniisip. Bawat kilos,salita hanggang sa kanyang buhok sa hinlalaki ay napakasexy sa aking mga mata. Ganito ako kabaliw dito sa bestfriend ko na kahit siguro pawis niya ay iipunin ko tapos gagawin kong pabango ay kaya kong gawin.
"Karl.." Pagtawag ko sa kanyang palayaw. Lumingon naman siya sa akin at tininanong kung bakit.
"Yung hinihiram kong libro sayo?" Ani ko sa kanya. May hinihiram kasi akong book sa kanya pero ang sabi niya nun ay hiniram daw ng kapatid niya.
"Ah oo pala...daan ka mamaya sa bahay kasi dumating na ang kapatid ko. Siguro naman dala niya yun." Sagot niya sa akin.
"Si...sige." Nauutal kong sagot sa kanya.
"Yan! Para may kasama ako mamaya sa bahay. Ayaw ko kasing makasama yung kapatid ko eh." Di ko na lang pinansin ang kanyang sinabi dahil biglang pumasok sa isip ko na pagkakataon ko na ito.
Na pagkakataon ko na ito na dapat ko nang sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko!
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag malaman niya ito?
Tatanggapin pa rin niya ba ako?
Hindi kaya siya lalayo sa akin?
Paano kung pareho pala kami ng nararamdaman? Ako na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa kapag nangyari itong iniisip ko.
..................................