Ellen: Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Nagpatuloy ito sa paglalakad papasok at lumabas naman ang doctor. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras kaya kaagad ko siyang sinalubong. "Stepen? Ikaw ba yan?" Yun ang nasabi ko kasabay non ang pag hawak ko sa balikat niya. Kumunot ang noo nito at sabay ding tumayo si Reid. "Ellen dito ka sakin." Hinila ako ni Reid. At tumingin kay Stepen. "Ano nga palang ginagawa mo dito?" iritable na ang boses nito. "Dinadalaw lang kita. Kamusta ka?" "Kita mo namang buhay pa ang masamang damo." Sabi nito. Mabilis na nagbago ang timpla ni Reid at uminit ang ulo nito. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko at hinila ko si Stepen papalabas. Laking gulat ng dalawa. "Hey? Do i know you young lady?" Unang sabi ni Stepen. "Sari." Unang bumigkas sa bibig ko