Humugot ng malalim na buntong-hininga si Crimson bago lumabas ng silid suot ang kulay pulang bistidang pinahanda ni Chase para dito. Sa halip na makaramdam ng hiya, matinding excitement ang naramdaman ng puso nito nang makitang napangiti ng makahulugan ang binata habang tinititigan siya. Pakiramdam ni Crimson ay isang salo-salo ang pupuntahan nila dahil sa paghahandang ibinilin ni Chase. Hindi niya tuloy maiwasang huwag ma-conscious kung naging sapat ba ang ginawa niyang paghahanda para sa gabing ito. Inilahad ni Chase ang kaniyang kamay sa harapan ng dalaga na masaya naman nitong tinanggap. Saglit pa itong lumingon at ngumiti na lamang kina Eros bilang pasasalamat sa tulong na ginawa ng mga ito para sa kanilang mga plano. "Hold on tight, Crimson." Dinig nitong sambit ni Chase habang