[Crimson] Nagmamadali akong bumaba ng hagdan nang magising akong wala si Chase sa kwarto. Sinadya ko pang silipin siya sa kabilang silid ngunit wala naman akong nakita doon kung hindi mga lumang gamit. Tinanong ko na rin si Manang na kasalukuyang abala sa paglilinis ng sahig pero hindi niya daw ito napansin simula kanina. Napatingala ako sa nakasabit na vintage wall clock sa sala at nakitang alas otso pa lang naman ng umaga. Possible kayang pumunta na naman ito sa paborito niyang lugar upang magpahangin? Mabilis kong narating ang hardin kung kaya nagtungo agad ako sa palaging inuupuan ni Chase, ngunit nabigla ako dahil hindi siya ang nakita kong nakaupo doon kung hindi ang kaibigan nito. "Eros, nakita mo ba si Chase?" tanong ko nang napalingon siya sa akin. Wala ng rason para tumalikod