[Crimson] "Don't touch her!" Mabilis akong napalingon nang marinig ang galit na tinig niya. Para bang sa isang iglap ay naglaho ang matinding pagod at takot na nararamdaman ko nang makita ko ang mukha ni Chase. Nakatayo siya sa tabi ko at mahigpit na nakahawak sa aking braso. Pakiramdam ko nangungusap ang mga mata nito na para bang sinasabing ligtas na ako at huwag na akong mangamba. Hindi na ako tumingin sa mga mata ng aunt niya nang maramdaman ko ang labis na pagkamuhi nito sa pamamagitan ng makapal na usok na bumabalot sa aming tatlo. "Looks like your prince charming tried his best to find you, Princess. Sobrang sweet naman," sabi nito gamit ang sakrastikong tinig. Binalewala niya ang presensya ni Chase at sinubukan pa ring hawakan ako ngunit mabilis naman itong kinabig ng pamangki