Gustuhin mang bumangon ni Crimson mula sa kama ngunit hindi nito magawa. Nangangatog ang mga tuhod niya na para bang naubos ang lahat ng lakas nito pagkatapos ng mga ginawa nila ni Chase sa light house. Napangiti na lamang siya sa kaniyang sarili at malakas na hinampas ng palad ang kaniyang noo. 'Yan ang napapala ng kalandian mo, Crimson!' natatawa niyang sambit saka napailing. 'Pero mabuti na din dahil hindi ka mamatay na single at virgin.' Wala tuloy siyang magawa kung hindi manatili na lamang sa loob ng kwarto at hintaying makabawi ng lakas ang kaniyang katawan. Ipipikit na sana nito ang kaniyang mga mata para makatulog ulit nang bigla namang bumukas ang pinto. Sumikdo ang puso niya nang makita si Chase na bitbit ang isang food tray, ngumiti pa ang nobyo sa kaniya bago maingat na n