Chapter 43 - Mission First Move

1519 Words

[Crimson] Gustuhin ko mang bitawan si Chase ngunit nanatili akong nakayakap nang mahigpit sa kaniya. Naisip ko kung nababasa din ba nito ang laman ng isipan ko kapag tulog siya o baka pagkakataon na para titigan ko ito hanggang matunaw siya sa sobrang lambing ng mga tingin ko. I want to appreciate his efforts. Gusto kong magpasalamat ng paulit-ulit hanggang siya na mismo ang magsawa sa boses ko. Nais kong iparamdam dito na hindi ako nagsisising nakilala ko ang isang tulad niya at hindi ko kinamumuhian ang madilim na mundo namin ngayon dahil naging daan iyon upang magkrus ang aming landas. Hinawi ko na lamang ang mga hibla ng buhok ni Chase saka masaya itong hinalikan sa noo. Bagay na bagay talaga ang mahahaba niyang pilikmata sa matangos nitong ilong. Hindi siya nakakasawang tingnan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD