[Crimson] Hindi ko pa rin mapigilang huwag mapahawak sa aking labi sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa oval. Dahil sa isang simpleng tanong, nagawa kong halikan sa labi si Chase sa ilalim ng sikat ng araw. Doon ay napatunayan ko ang mga katangiang mayro'n siya. Malamig ang balat nito, but I felt a warmth sensation while kissing him. Ilang beses rin akong napabuntong-hininga habang tinititigan ang guwapo nitong mukha na nakatingin lamang sa akin sa kabila ng training na ginagawa namin. Tuturuan sana niya akong humawak ng baril ngunit hindi namin naituloy dahil sa biglaang tawag na natanggap nito mula headquarters. Pinipilit pa rin siya ng chief nilang tanggapin ang misyong pinapagawa nito. But he rejected them for the second time kung kaya naging abala nalang kami sa iba't ibang m