Nagmamadaling binuksan ni Eros ang pinto ng kwarto ni Niccolo pagkatapos nitong makarinig nang malakas na kalabog mula dito. Laking gulat na lamang niya nang makitang tahimik na nakaupo ang bata sa malapad nitong kama at tulalang nakatingin sa bintanang nasa paanan nito. "May problema ba, Niccolo? Anong nangyari?" tanong nito saka malalim na bumuntong-hininga. Agad naman itong nilingon ng bata saka tiningnan ng makahulugan ang kaniyang mga mata. Hindi siya nakagalaw nang masilayang lumuluha ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Makakabalik po ba ng ligtas ang ate at kuya ko? Hindi po ba sila mawawala tulad ng mama at papa namin ni ate?" inosenteng tanong nito na may kasamang hikbi. Hindi man ito nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ng bata ngunit kinilabutan naman siya sa paraa