Napakapit ako sa pinto dahil wala akong makita sa sobrang dilim. Mabuti na lang kabisado ko ang bawat parte dito kaya hindi ako natisod. Nang makahakbang na ako sa loob ay bigla na lang nagbukas ang ilaw pero nakatuon sa kin. Kelan pa nagka spotlight dito? At anong nangyayari? "Guys? Asan kayo? Mylene?" Tawag ko sa kanila ngunit wala akong nakuhang sagot. Napakislot ako nang bigla na lang akong nakarinig ng tugtog at ang pagbukas ng isa pang spot light at doon ko lang na-realize nang mapagsino ang kumakanta habang marahang lumalakad patungo sa kinatatayuan ko bitbit niya ang bungkos ng bulaklak sa kaliwang kamay habang ang kabila ay hawak hawak ang microphone. There was a time when I was never really sure If I was ever gonna find that perfect girl Kept thanking the day when you came