NAKARAMDAM siya ng gutom at napag desisyunan na bumaba, 11 na ng gabi siguro naman wala na sa sala si krelton. ayaw niya munang makita ito dahil galit siya dito. masakit para sakaniya ang mga sinabi nito, sino ba namang hindi masasaktan lalo na kung galing yon sa espesyal na tao sayo. i like him.. i do... dahan dahan ang pagpihit niya sa doorknob at sumilip pa siya sa katapat na kwarto nito, doon kasi ang kwarto ni krelton, nakahinga siya ng maluwag ng madilim na sa labas at sigurado siya na nasa loob na ito ng kwarto. mabilis pero maingat siyang bumaba, dumeretso siya sa kusina at kumuha ng cereals at gatas. tahimik siyang kumain at tanging lamp lang ang bukas sa kusina, hindi na siya nag abala pang buksan ang lahat ng ilaw. nang matapos siya kumain hinugasan niya ang kaniyang pinag