ISANG LINGGO na ang lumipas ng umuwi sila ni krelton galing sa la union, sulit ang isang linggo na date nila sa la union, walang istorbo at lumiban muna ito sa pag ta trabaho. ngayon patungo siya sa school nila para kunin ang bagong i.d, limang araw nalang at pasukan na ulit nila sa school, nararamdaman niya na ang stress sa mga bagong assignments at projects. pinark niya ang kotse niya sa loob ng school at bumaba. dumeretso siya sa computer lab, dahil doon daw i re release ang mga i.d pagkapasok niya nakita nman niya si sir. cholo ang computer professor dito sa school, ito ang head kaya kilala talaga niya ito. " sir, ivy serenity rivera po, BSFD 401 " inabot naman nito ang id niya at may pinirmahan lang siya. na miss niya ang fashion design laboratory kaya dadaanan niya muna. sumakay