NAGISING siya at unti unti niyang dinilat ang mata niya, bahagyang pinikit niya ulit ang mata ng masilaw sa ilaw. "hmm.." parang natuyo ang lalamunan niya, binuksan niya ulit ang mata ng maka adjust na sa liwanag. nilibot niya ang paningin niya at mag isa siya sa kwarto. alam niyang nasa hospital room siya dahil sa amoy at may dextrose pa na nakakabit sakaniya. " ivy! " napatingin siya ng bumukas ang pinto at bumungad doon si vixxie, hindi na ito naka uniform, naka dress nalang ito na maluwag. " a-anong nangyari? bakit niyo ko dinala dito? " tanong niya at pilit na makaupo, inalalayan naman siya ni vixxie at tinaas ang kama para makasandal siya. " hinimatay ka, sabi ng doctor dapat daw pag may tangkaso mag pahinga tapos hindi ka pa kumakain ng maayos kaya yan ang nangyari sayo " sinu