CHAPTER 2 - STUCK WITH PAULO

1357 Words
PARUH SHAH Lagpas alas nuebe na ng gabi at humupa na ang tao. Paisa-isa na lang ang orders. Nag-last call na din ang buffet man sa buffet so ibig sabihin ay mag-start na itong magligpit. Iyon na rin ang start ng tic tac lahat ng natirang pagkain ay titimbangin tapos pipiliin lang ang pwede pa at yung mga hindi na pwede na iyong kainin. Halos unahan at kanya-kanya ng tabi ng pagkain. Maya-maya pa ay natulala ako bigla ng matanaw ko si Paulo na pumasok uli sa kitchen. Natuon ang mata ko sa kanya. Papalapit ito sa pwesto namin. Ang pogi talaga niya. Walang duda roon. Ewan ko ba kay Paulo lang talaga ako nagkakaganito. Yung biglang na lang ako mapapatigil sa lahat ng ginagawa ko. Mawawala sa konsentrasyon at mapapa-nganga. Ganun ang epekto niya sa akin kahit nagmumukha na akong tanga pero wala iyon sa akin. Kahit hindi niya ako pinagtutuunan ng pansin ay ayos lang. Siya pa din talaga. "Ay! Wala nang natira sa pagkain na galing sa buffet?" anito ng tuluyang makalapit. "Uy, Bakla pagkain daw." si Avril na siniko ako at tuluyang lumabas ng pwesto namin at dumiritso ng dishwashing. "Aray ko, Bakla ka!" Napangiwi ako. Napalakas ang siko ni Avril dahilan para bumalik ako sa katinuan. Binalingan ko si Paulo na nasa harap ko at ipinaskil ang sobrang tamis kong ngiti. "Ay, pagkain Bhe? Ano ba ang gusto mo? Meron ditong adobo at sweet and sour pork," sabi ko dito. Napansin ko na bigla na lamang sumimangot ang pogi nitong mukha. "Di bale na lang," sabi nito at tuluyang tumalikod. "Uy, Bhe! Ayaw mo?" Tawag ko sa kanya pero ni hindi man lang lumingon. "Bhe!" "Nangyare, Bakla?" tanong ni Avril ng makabalik. "Ewan ko bigla na lang nag-walk out," sagot ko. "Baka naman kasi kulang sa lambing." "Juskolord kulang na lang sambahin ko na siya pero wala pa din. Panget ba ako?" "Oo." walang kagatol-gatol na sagot ni Avril. "Aray! Diritsahan talaga?" "Sinagot ko lang naman tanong mo ah. May naisip ako." "Ano 'yun?" interesado kong tanong. "Gusto mo siya makasama di ba?" "Oo, naman. Hindi lang gusto. Pangarap ko," excited kong sagot. "Mamaya, ikaw na ang mag-imbentaryo sa stock room." Si Avril. "Ba't ako? Ayoko may mumo dun eh." "Akala ko ba gusto mo siyang makasama?" "Oo, pero bakit doon?" alanganin kong tanong. "Pwede sa cr na lang?" "Gaga! Sabunutan kita eh. Pansin mo, si Paulo ang kumukuha ng stocks ng dining sa gabi." "Oh, ano ngayon?" tanong ko kay Avril. Di ko kasi ma-gets ang gusto nitong mangyare. "Ang slow mo talaga. Ano pa? Eh di ikukulong kita dun kasama sya." Bulong niya sa akin. Bigla akong napaisip sa suggestion nito. Naging malikot ang utak at imagination ko sa pwedeng mangyare pag magkasama kami dun. Napangiti ako. Mukhang exciting ito. "Bakla, bet ko yan. Sige go ako. Kebs na sa mumo. Andun naman si bebe Paulo to protect me," kinikilig ko pang sabi. "Okay! Ako na bahala kung paano kayo makukulong dun mamaya," sabi ni Avril. "Thanks, Bakla," nasabi ko at tinuloy ko ang ginagawa ko. Na-excite ako sa posibleng mangyare mamaya. Kakapasok ko lang nang stock room. May kalakihan din ito. Halos lahat kasi ng dry stocks ng kitchen at maging ng dining ay doon nakalagay. Wala kasi kaming stockman kaya kanya-kanyang imbentaryo at gawa ng reports ng mga stocks. Ganun din sa dining. Ako lang ang mag-isa na nandito. Kahit iba ang pakiramdam ko ay pinilit kong labanan iyon. Ilang beses na din naman akong nakapasok dito pero hindi ako nagtatagal. Si Avril talaga ang gumagawa nitong imbentaryo. Sabi kasi ng mga ibang empleyado na pumapasok dito ay may nagpapakita daw na mumo. Dalawang bata daw ang nakikita dito tuwing gabi na naglalaro. Sabi iyon ng mga nakakita kuno. Minsan naman daw nalalaglag mag-isa yung mga stocks na nakapatong sa estante ng walang gumagalaw. Ang sabi naman ng iba pa pakiramdam nila ay may nakatingin sa kanila at may sumisitsit. Kaya takot ang karamihan na pumunta dito pag nautusan. Takbuhan naman pag napadaan dito. Pero sana walang magpakita habang andito ako. Panay lingon ako at nakikiramdaman habang nagbibilang at naglilista. Wala pa din si Paulo. Sabi kasi ni Avril mga ganitong oras daw umaakyat at pumapasok si Paulo ng stockroom para kumuha ng stock nila sa dining. Maya-maya pa ay napatingin ako sa pinto. Naramdaman kong may paparating at biglang pumasok. Si Avril. "Bakla, okay ka lang diyan?" tanong nito ng makapasok para kamustahin ako. "Bakla, kinakabahan ako. Ba't naman kasi dito? Pwede naman dun sa locker eh. Nakakatakot dito." "Shunga ka talaga noh? Alam mo namang bawal boys sa locker ng girls di ba? Tsaka isa pa perfect 'tong stockroom para may kilabot effect. Rawr!" anito at umaktong mananakmal ng katulad ng sa leon at tumawa pa. "Lion King? Para kang tanga. Wala tayo sa gubat, gaga!" saad ko sa halip na matawa. "Whatever! Oh, siya mag-ready ka na at anytime soon paakyat na si Paulo. Lalabas na ako. Ayusin mo ang bilang mo, ha? Sasabunutan kita pag mali-mali yan." "Oo, na!" napilitan kong sagot. Tuluyan na itong lumabas ng pinto. Nagtuloy ako sa pagbibilang. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumalik ulit si Avril. "Bakla, andiyan na siya. Get ready," anito at mabilis na lumabas. Inayos ko ang sarili ko at nagkunwaring busy at nagco-concentrate sa pagbibilang. Naramdaman ko ang isang bulto na pumasok ng pinto. Si Paulo! Kunwaring napatingin ako sa kanya. Nakita niya ako at nagsalubong ang mga tingin namin. "Hi, Bhe!" bati ko sa kanya. Pero as usual umiwas agad ito na parang walang narinig at nagtuloy sa area kung saan nakalagay ang mga stock ng dining. Sinundan ko pa ito ng tingin. Hindi ko alam kung anong plano ni Avril. Basta ang sabi niya ikukulong niya daw kaming dalawa. Wala akong ideya kung paano nito gagawin. May tiwala naman ako kay Bakla. Sana lang ay maging successful itong pinaplano niya. Hinintay ko na lamang na may mangyare. Nagpatuloy ako sa pagbibilang at pagsusulat sa inventory form ng biglang may malaking dagang tumakbo sa kinaroroonan ko. Sa takot ko ay napatakbo ako kay Paulo at napakapit sa braso nito. "May daga! May daga!" takot kong sabi. "Bitawan mo ang braso ko," seryoso nitong sabi. Ni hindi man lang naging concern sa akin dahil natakot ako. Sadya talagang wala itong pakialam. Parang gusto ko na talagang magtampo dito. Gusto ko na siyang komprontahin kong bakit ganun na lang ito makitungo sa akin. Parang diring-diri ito na hindi ko maintindihan. Kung galit ba ito at hindi niya ako pinapansin. Alam ko namang hindi ako kagandahan at mukha akong bakla pero kahit paano ay nasasaktan pa din ako. Tao din ako na marunong na makaramdam. Napilitan akong tanggalin ang mga kamay ko sa braso niya. Dumistansya ako sa kanya. Tuluyan na din kasing nawala 'yung daga. Sabay pa kaming napatangin ng kumalabog ang pinto. Sumara iyon bigla. Binalot ako ng kaba at takot dun. Mukhang nabulabog ko yata 'yung mga mumo doon dahil sa tili ko. "Hoy!" Sigaw ni Paulo. "May tao pa dito." Ilang saglit pa ay tuluyang namatay ang ilaw sa loob ng stockroom. Napatili uli ako sa sobrang takot. Wala akong makita kahit na ano. Puro lahat kadiliman. "s**t!" nasabi ni Paulo. "Tumahimik ka nga!" "Bhe, natatakot ako," nasabi ko at muling napakapit kay Paulo. "Ano ba? Bitawan mo nga ako," reklamo nito at pilit na tinatanggal ang mga kamay kong nakakapit sa braso niya. Pero sa halip ay mas lalo ko pang hinigpitan iyon. Ilang saglit pa ay naramdaman kong may kinakapa si Paulo sa bulsa nito. Dala pala nito ang cellphone nito kaya mabilis nitong in-open ang flashlight niyon. Kahit papaano ay nagkaroon kami ng liwanag. Tuluyan na din akong kumalas sa braso niya. Mabilis na lumayo si Paulo. "Uy, san ka pupunta? Wag mo akong iwan dito," sigaw ko sa kanya at mabilis na sumunod. Dumiritso ito sa may pinto at mabilis na chineck ang pinto. "Na-lock tayo," sabi nito. "Ano?" reaksyon ko na kunwari ay di ko alam. Mukhang ito na yata ang pinaplano ni Avril. "Paano yan?" "Hindi ko alam. T*ng-ina! Wala ding signal!" mura pa ni Paulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD