Bruise ILANG lagok ang ginawa ni Atesha bago muling iniabot sa mga waiter ang maliit na baso “One tequilla, please,” senyas ng dalaga. “Lasing na ho kayo, Ma'am. Hindi na po pwede,” tutol nito na ikiniit ng ulo ng dalaga. “I said, bigyan mo pa ’ko ng maiinom. Iyong matapang para makakalimutan ko na siya.” pagpupumilit ni Atesha na halatang lasing na. “Hindi na ho pwede, Ma'am. Pasensiya na po. Tatawagin ko na lang ho si Sir Rafa ng sa gayon ay—” Kaagad natilihan ang dalaga. “No!” she taunted. Pinigilan ang waiter sa pandampot ng telepono para tawagan ang lalaki. “You don't have to call him. Kaya nga ako naririto dahil gusto ko na siyang kalimutan. Tapos ikaw na hinayupak ka. Gagawa ng dahilan para makita muli ang mala-anghel niyang mukha. Kaya sundin mo ang sinasabi ko. Bigyan mo pa ’