Alexa's POV "Alexa." hindi ko alam kung saan nang gagaling ang tinig na iyon ngunit alam kong ako ang tinatawag nang kung sino man. "Alexa." Sa ikalawang pagkakataon ay narinig kong muli iyon, ngunit sa pagkakataon na ito ay medyo may kalinawan ang kaniyang boses at nakikilala ko kung kanino ito. "Alexa, We're here. Wake up." Naalimpungatan ako dahil sa mahinang pag tapik ni Kaizer sa aking braso. Yeah, probably it's his voice. I recognized it second time around. Kaya naman mabilis akong nag mulat nang aking mga mata. "Thank god, you're awake. 'kala ko ay tulog mantika ka." Kaagad kong sinamaan ng tingin si Kaizer. Bagong gising na bagong gising ay pang aasar kaagad ang alam. "Woah, woah, woah. Pfft. Chill. Haha." He said while laughing his ass off. Hindi ko na lamang siya pinansi