Alexa's POV "Okay, that's for today. Any question?" Nakangiti kong sambit. Natigilan naman sila habang nakatitig sa akin dahilan para matigilan rin ako. At sa hindi inaasahan ay nagsimula silang mag bulong-bulungan. Dahilan para maglakbay ang aking isipan. It's been a week. Isang linggo na magmula ng kuhanin ni Kaizer ang bulaklak na binigay ni Zaiden. And until now, naiinis pa din ako sa kan'ya. Hindi naman siya tanga para hindi maramdaman na gusto ko din si Zaiden. And possibly it's our time. Ewan ko ba kay Kaizer, kahit kailan ay hindi ko nahulaan ang mga ginagawa niya at hindi ko maintindihan. "Miss Alexa?" Nabalik ako sa wisyo ng may tumawag sa aking pangalan, kasalukuyan akong nagpi-present sa mgs board members ng corporation. And unluckily, Vix is not here because he has a