ILANG beses naring nagplano si Jason na tawagan o kahit i-text man lang si Jenny pero sa huli ay nawawalan parin siya ng lakas ng loob ituloy iyon. Alam naman kasi niyang kasalanan niya, aminado siya doon pero hindi niya maiwasan ang hindi mapikon lalo at parang ipinakikita sa kaniya ng dalaga na hindi ito apektado sa galit niya. Naka-duty siya noon sa baggage counter at sandali nalang ay magsisimula na ang last period nila kasama si Daniel. Kapag ganoong oras ay wala nang masyadong pumapasok sa library. Ang iba kasi sa mga estudyante ay nakauwi na at ang iba naman ay nasa kani-kanilang mga klase. Noon tumunog ang cellphone niya. Si Cathy iyon, ang babaeng kasalukuyan niyang idine-date. Tinatanong nito kung pwede ba niya itong isabay sa pag-uwi. Noon siya napailing. One week pa lang si