ANG sumunod na pananalakay ni Jason sa katawan niya ay naging dahilan ng tuluyan na ngang pagkawala ni Jenny sa kaniyang huwisyo. Kasama naring tila tinangay ng agos ng tubig palayo ang alalahanin na kanina ay gumugulo sa isipan niya. Hindi niya alam kung kailan matatapos ang ganito, kung hanggang kailan magiging mainit sa kaniya ang binata. Pero sa kabila ng lahat ng ito, alam niyang gusto niya ang lahat ng nangyayari dahil kahit sandali, nakakalimot siya. "Sweetheart," si Jason habang patuloy ito sa ginagawang pag-angkin sa kaniya sa patayong posisyon. Hindi siya nagsalita, sa halip ay sandali lang niyang sinalubong ang maiitim na mata ng binata saka pagkatapos ay muli niyang itinaas ang kaniyang ulo kasabay ng pagpikit muli ng kaniyang mga mata. Gusto niyang lasapin ng husto ang gi