"ABA, maaga ah," si Jenny iyon nang puntahan niya ang dalaga sa cabin nito na tamang nakita niyang palabas narin. "Syempre ba, ayoko yatang maiwan sa first date natin," sagot niyang inakbayan ang dalaga pero mabilis nitong tinabig ang braso niya. Tumawa lang ng mahina doon si Jason saka sa humahangang sinuyod ng tingin si Jenny mula ulo hanggang paa. As usual dahil malamig sa Baguio at naka hoodie jacket ito na kulay pula, hapit na pantalong maong at rubber shoes. "Oh, bakit ganyan kang makatingin?" halata man sa boses at tono ng pananalita ng dalaga ang matinding pagkailang dahil sa ginagawa niyang lantarang oberbasyon rito ay hindi parin siya nagpapigil. "Wala, ang ganda mo parin kasi, at sexy pa," ginawa niyang mapanukso at makahulugan ang huling adjective na ginamit niya kaya na sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books