Chapter 24 SIR ARTHUR's POV: "TAPOS NA BA?" tanong ko sa babaeng inutusan ko na palitan ng damit si Miss Gie. Lumabas na ito mula sa kwarto habang dala ang damit na nasukahan ng dalaga. "Yes Sir, napalitan ko na po siya ng damit. At kasalukuyan na po siyang natutulog ngayon," saad nito bilang kasagutan sa naging tanong ko. "Thank you," bigkas ko kasabay nang pagpasok ko sa loob ng kwarto. Tulog na nga si Miss Gie buhat siguro nang pagkahilo niya dahil sa biyahe. Kaya hindi ko na ito nagawang istorbohin pa at hinayaan ko na lamang siya matulog. Sa totoo lang, pagkakataon ko na sana 'to na makita ang buong katawan ni Miss Gie na walang saplot. Pero hindi ko pinairal ang pagiging demonyo ng utak ko dahil alam kong mali ito. Kaya sa halip na ako ang magpalit ng damit sa kanya, minab