CHAPTER 26 ANGIE's POV: HINDI naging madali para sa akin ang pagsisimula ko ng trabaho rito sa Siargao. Sa panibagong umaga na sumapit ay marami na kaagad akong inasikaso na mga dokumento. Akala ko ay assistant lang ako ni Sir Arthur, pero instant secretary na rin pala ang role ko sa buhay niya. Kaya medyo nakakapagod ang ganitong set-up. Kahit saan at kahit sino ang nakakaharap naming tao. Mga maliliit na investor muna ang inunang kausapin ni Sir Arthur kaya napapadali ang pag-uusap nila. At lahat ng mga 'yon ay natuwa sa mga offer na inalok ng boss ko. Halos lahat kasi nang ito ay makakabuti rin para sa business nila lalo pa't baguhan pa lamang sila sa pagnenegosyo. After a tiring day, nilibre naman ako ni Sir Arthur. Kumain kami sa isang classy na restaurant. Kaya talagang sinulit k