CHAPTER 38 ANGIE's POV: DITO na nga ako nagpalipas ng gabi sa mansion nila Arthur. Hindi ko siya kasama sa kwarto dahil mas pinili nitong matulog sa sarili niyang silid. Baka raw kasi hindi niya mapigilan ang init ng katawan kapag nagkatabi kami sa iisang kama. Talagang kinokontrol nito at pinipigilan ang kalibugan, huwag lang niya ako magalaw. Grabeng pagtitiis nga ang ginagawa ng lalaki para sa akin. Kaya wala na akong dahilan pa para pag-isipan ng masama si Arthur. He's good and gentleman pala. Sa laki at lambot ng kamang hinihigaan ko ngayon ay malaya akong naggulong-gulong hanggang sa makatulog. Nagising ako na sobrang good mood dahil napasarap ang aking tulog buhat ng malamig na aircon. Pag-gising ko ay agad kong hinanap si Arthur, pero sabi ng katulong ay maagang umalis daw