CHAPTER 62 ANGIE's POV: "Ang dami mo yatang biniling prutas, anak. Saan ba galing 'yan?" tanong ko kay Iza nang umuwi ito sa bahay na maraming bitbit. Wala na rin siyang dalang sampaguita na tila napaubos niyang naibenta ito sa mga tao. Nakangiti namang umupo ang bata sa aking tabi at masayang ibinigay sa akin ang sobra nitong pera na tila'y sukli ng prutas at ulam na binili nito. "Mama, binigyan po ako ng isang libo ng isang lalaki po. Yung mayaman na lalaki na nagmamaneho ng kotse. Inubos niya po ang sampaguita ko mama. Tapos sobra pa yung binigay niyang bayad," pagkikwento nito dahilan para malaman ko kung saan galing ang perang iniabot niya. Napahugot naman ako nang malalim na paghinga dahil sa narinig kong kwento mula sa bibig ng aking anak. Nagugustuhan ko ang pagiging madiska