Chapter 11 ANGIE's POV: BUONG gabi ko pinag-isipan ang alok na trabaho ni Mr. Arthur. Talagang giginhawa ang buhay namin dito ni mama kapag tinanggap ko yung trabahong inaalok ng daddy ng ex-boyfriend ko. I know this work is the only way para hindi maputol ang komunikasyon namin ni Mr. Arthur. Kung kasama ko kasi siya araw-araw ay mapapadali kong makuha ang loob nito at tiyak na yung atensyon niya ay mapupunta sa akin. Pero alam ko na kapag naging malapit na kami sa isat-isa, maraming magbabago. Maraming makikialam at maraming magugulat. And that's really what I want. Ang yanigin ko ang buhay ng mga taong nanakit sa akin. Kung kaya naman matapos ang isang gabi na pag-iisip ko ay pinili ko nang magdesisyon. I decided na umalis sa milktea shop at piliin na maging assistant ni Mr. Arthur.