CHAPTER 29 MR. ARTHUR's POV: LASING na nang maabutan ko si Miss Gie sa isang bar, kung saan itinuro ito sa akin ng babae na siyang napagtanungan ko. Kaya pala hindi siya sumasagot sa tawag ko dahil wala ito sa kanyang kwarto. Dadalhan ko pa naman siya ng makakain dahil nga't gabi na at naisip ko na baka hindi pa ito kumakain. Pero nang buksan ko ang kanyang silid ay wala siya roon. Nagawa ko tuloy na magtanong-tanong baka sakaling alam nila kung saan pumunta ang babaeng kasama ko. Buti na lang talaga at merong nakakita sa kanya na pumasok daw ito sa bar kasama si Matthew. Nang marinig ko ang naging sagot ng babaeng nakausap ko ay agad akong kumilos papunta sa lugar na iyon. Doon ko nga nasilayan ang babae na katabi si Matthew. Pinagmasdan ko muna ang mga galawan at kilos ni Miss Gie