CHAPTER 53 ANGIE's POV: "KAILAN MO GUSTONG I-SCHEDULE ANG KASAL NATIN, HONEY?" tanong sa akin ni Arthur habang nasa kama kami. Nakabalik na ako sa kanyang kwarto at pinili kong pakalmahin ang aking sarili para hindi mahalata ni Arthur ang pag-iyak ko kanina. Mananatiling lihim ang ginawa ni Mark sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit awa ang siyang naramdaman ko nang pakiusapan niya ako na huwag magsumbong sa pamamagitan ng kanyang mata. I want to take revenge. Ito naman talaga ang purpose ko kaya ko nilapitan si Arthur. Gusto kong maghiganti at iparanas sa anak niya yung sakit na ginawa nito. Pero sa mga nangyayari ngayon, parang hirap na akong gawin ang paghihiganti. Tila nagbabago ang pananaw ko sa buhay. Ayoko nang makasakit ng tao. Alam ko kasi na doble ang mararanasan na sakit