CHAPTER 66 SIR MATTHEW's POV: HALOS PUTING KULAY ang nasa paligid ko nang imulat ko ang aking mata. Nasilayan ko rin ang dextrose dahilan para mapagtanto kong nasa hospital ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang nangyari sa akin. At hindi ko rin alam kung paano ako nakarating dito. Nanghihina pa ang katawan ko. Masakit din ang ulo ko dahil sa pagkahilo. Pero pinilit kong tumawag ng doctor para sa gano'n ay merong makapansin na gising na ako. Hindi nagtagal ay meron na ngang pumasok na nurse dahilan para siya na ang tumawag sa Doctor. Pagtataka naman ang siyang nangibabaw sa kanila nang pumasok sila sa room at nakita nilang gising na ako. "It's a miracle that you're awake now, Mr. Matthew. Ang buong akala namin ay matatagalan ang pag-gising mo," hindi makapaniwalang sambit ng Doc