CHAPTER 31 ANGIE's POV: HUBUT-HUBAD ang aking katawan nang magising ako kung kaya naman napabalikwas ako ng bangon at hinahanap ko agad ang mga damit na aking suot kagabi. Kahit na medyo masakit ang ulo ko ay isinantabi ko muna ito para lang makapagbihis. Hindi ako sanay sa pag-iinom ng alak kaya inaasahan ko na talagang sasakit ang sintido ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita ko ang aking sarili na walang saplot. Patuloy kong iniisip ang nangyari sa akin kagabi. Ang alam ko ay nakipag-inuman ako kay Mr. Matthew hanggang sa dumating si Sir Arthur. Kinuha niya ako kay Mr. Matthew at kaming dalawa na itong magkasamang nag-iinuman. Hindi ko na nga maalala kung ilang bote ang naubos ko. Maging ang mga ginawa't sinabi ko ay hindi ko na rin alam. "Ikaw talaga Angie. Tatanga-tanga