Seira Anthonette's P.O.V
Dala ko ang mga libro para sa accounting, ibabalik ko na sa locker. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdanan ay nakita ko si Jairus na kumakaripas ng takbo papalapit sa akin.
"Oh? Sinong humahabol sa 'yo?" tanong ko.
"T*ngina! Nakuha ko papel mo, nagkapalit tayo ng yellow pad kagabi! Nagalit tuloy prof. ko! Sino daw ba yung Seira Anthonette."
Hawak niya ang pad paper, nakita ko na sulat ko nga iyon. Scratch paper ko sa balancing kagabi, sabay kasi kami gumawa ng assignments.
"Paano 'yan? Sinabi mo na may gawa ka nasa akin lang," ani ko at tumalikod.
Naglakad ako papasok ng classroom namin. Pumunta ako sa bag kong nakapatong sa upuan ko. Hinanap ko ang yellow pad na naroon.
"Kailan ba kayo aamin na magshota kayo?" tanong ni Danielle na kaklase ko.
Nakaupo siya sa lamesa dahil lunch break, kasama niya ang barkada niya at nagdadaldalan.
"Hindi nga kami magshota!" ani ko at kinuha ang yellow pad sa bag ko.
Lumapit ako kay Jairus at inabot iyon.
"Magkaibigan kami ni Seira, huwag niyo na kami asarin," ani Jairus.
Naglakad na kami pababa ng hagdanan. As usual, sabay na naman kaming pupunta sa cafeteria. May group of friends naman kami pero sadyang kami lang talaga ang pinaka-close dahil mag-best friend kami since elementary.
"Nag-message sila Sammy sa group chat. Nasa cafeteria na raw sila. Nag-send pa ng picture na kumakain. Mga tarantado hindi tayo hinintay!" ani Jairus.
Natawa naman ako sa kaniya. Ewan ko, pero yung mga simpleng reaksyon niya talaga nakakapagpangiti sa akin.
"Katabi lang kasi ng cafeteria yung building ng engineering," ani ko.
Dahil yung mga kaibigan namin noong highschool ay nag-aaral na ngayon ng engineering. Tatlo silang mga nag-engineer, iba-iba lang din ng profession. Si Sammy ay Civil engineering, si Gil naman ay Mechanical engineering, at si Raiko naman ay Computer engineering.
"Mauna ka na sa cafeteria, dadalhin ko muna 'to sa locker," ani ko at huminto sa paglalakad.
"Samahan na kita," aniya.
Tumango ako at dumiretso sa hall na puno ng lockers, nang mailagay ko na sa locker ko ang mga libro ay nagtungo na kami sa cafeteria. Nakita namin kaagad sina Sammy, akala namin ay kumakain na sila pero nang-asar lang pala sa group chat dahil hindi pa talaga nila ginagalaw ang pagkain nila.
"Jairus, Seira. Binilhan na namin kayo ng lunch, iisa lang naman ang putahe, bayaran niyo 'ko!" ani Sammy.
Nakangiti akong umupo sa bakanteng upuan katabi ni Gil. Naupo naman sa harapan ko si Jairus. Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng dalawang twenty para ibigay kay Sammy.
"Pare, nakatingin sa 'yo yung crush mo," ani Raiko kay Jairus at siniko niya ito.
Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakatingin si Raiko at Jairus. Nakita ko si Vinalyn kasama ang dalawang babae, kumakain sila at nakangiti siya kay Jairus. Bahagyang umusog si Vinalyn na tila ba pinapakitang wala siyang katabi.
"Mga repa-pips! Sabayan ko muna mag-lunch yung chikababes ko," ani Jairus.
Kinuha niya agad ang plato niya at tubig saka tumayo. Hindi man lang kami naka-agree sa sinabi niya, agad niya kaming iniwan. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Bebs, sa tingin mo ba sasagutin pa ni Vinalyn si Jairus?" tanong ni Sammy.
"Ewan ko lang," ani ko.
"Feeling ko, oo. May mga babae kasing pakipot pero si Vinalyn talagang pinu-push niya pa si Jairus, tignan mo ngayon, hindi naman pinilit ni Jairus na sabay silang kumain," ani Gil.
Napayuko ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Lumingon ako ng isang mabilis kala Jairus. Nakita kong tumatawa sila Vinalyn at nagkukwento naman si Jairus, kahit naman sinong babae magkakagusto kay Jairus dahil masaya siyang kasama.
"Ikaw, bebs? Wala ka bang balak magpaligaw?" tanong ni Sammy.
"Dadaan muna sa amin lahat ng manliligaw kay Seira, 'di ba, Gil?" ani Raiko.
"Oo naman, papalakarin muna namin sa apoy, kapag hindi kinaya, hindi siya para sa 'yo."
Tumawa kami ni Sammy sa sinabi ni Gil. Nag-fist to fist naman sina Raiko at Gil.
"Hoy, natatandaan ko pa rin yung ginawa niyo sa boyfriend ko noon bago ko sagutin," ani Sammy.
Napapalakpak ako at tumawa dahil hinding-hindi ko makakalimutan 'yon. Para pumasa sa tropa, naisip ni Jairus na mamalimos yung nanliligaw kay Sammy, kapag hindi siya naka 300 within an hour, hindi siya pasado. Sa sobrang desperate ni Luke, lahat ng tao nilapitan niya para mamalimos.
"Atleast one year na kayo and still counting," ani Raiko.
"Oo nga, kayo lang ni Jairus may lovelife," ani Gil.
"Sayang lang, magkaiba pa kami ng school ni Luke. Scholar kasi siya sa university na pinapasukan niya, sayang daw kung lilipat mawawala yung scholarship," ani Sammy.
"Kaya nga, okay lang 'yan. Isama mo na lang palagi sa inuman. Papagamit ko pa yung kwarto namin," ani Raiko at tumawa.
Muli akong sumulyap kay Jairus. Nakita kong pinaghihimay niya pa ng manok si Vinalyn, masyado namang pabebe 'yon. May kamay naman siya, ito namang si Jairus, masyadong bine-baby si Vinalyn.
"Tapos ka na agad kumain?" tanong ni Gil sa akin.
"H-Ha? Oo, ang bagal niyo kasi puro kayo daldal!" ani ko.
"Nung nalasing ka nga, ang daldal mo. Kumakanta ka ng mali lyrics. Lasingin mo nga ulit si Seira, Sammy. Tapos bigyan mo ng mic. Videohan natin, tiyak matutuwa pa si Jairus no'n," ani Raiko.
"Siraulo ka talaga!" daing ko at hinampas sa balikat si Raiko.
"Kailan ba kasi tayo iinom? Isakto niyo naman na hindi busy yung asawa ko," ani Sammy.
"E'di kung kailan na lang pwede yung baby mo," ani Gil.
"Game!"
"Sabihan natin si Jairus," ani ko.
"Kahit kailan naman sasama 'yon. Basta sabihin mo lang, tara inom. Automatic gagayak 'yon," ani Raiko.
Napakamot naman ako sa batok ko at uminom ng tubig.
********************
Sabay kaming umuwi ni Jairus. Habang nasa trycicle kami ay bigla niya na naman akong inakbayan.
"Punta ka sa bahay mamayang gabi?" tanong niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko, alam ko na agad ang ibig niyang sabihin.
"Wala ba parents mo? Si Mama naman laging wala sa gabi dahil night shift siya, alas sais pa uwi no'n," ani ko.
"Aalis sila Mommy ng 10 pm. May flight daw sa Davao, business matter daw, sinabi sa akin kaninang umaga. Ako lang ulit mag-isa sa bahay mamaya," ani Jairus.
Napatitig ako sa kaniya. Ngumiti ako at tumango. Maso-solo ko ulit siya mamaya.
"Manong, sa puting gate na malaki." Huminto ang trycicle sa tapat ng bahay nina Jairus.
Naglabas ako ng trenta pesos, ganoon din si Jairus. Binigay na namin ang bayad. Kumaway ako kay Jairus bago pumasok sa gate ng bahay namin. Nakangiti sa akin si Jairus na pumasok sa bahay nila.
Pagkasara ko ng gate ay napansin kong nakaawang ang pinto ng bahay namin. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Kuya na nakaupo sa sala, habang si Mama naman ay nakatayo sa likod ng sofa.
"Ayan! Mag-aanak-anak ka tapos hindi mo pala kaya?!" sigaw ni Mama.
"Ma, babayaran ko naman po. Sa katapusan pa kasi yung sahod ko," ani Kuya habang nakayuko.
Kitang-kita ko ang pagluha ni Kuya.
"Benjie, ilang beses kitang pinagbigyan. Ilang beses akong tumulong pero ilang beses din pumupunta dito yung lintek na babaeng binuntis mo! Magte-trenta anyos ka na inuuna mo pa rin yung pag-iinom kaysa sa mag-ina mo!" sigaw ni Mama.
"Ma... Ngayon lang ulit, may sakit yung bunso ko, Ma..." pagmamakaawa ni Kuya.
"Peste! Akala mo ba nagtatae ako ng pera? Napakamahal ng tuition ng kapatid mo, 'di ba, Seira? Ano ba kasing sinabi ko sa 'yo. Sumama ka na lang sa pinsan mo sa America at nang maging scholar ka din doon, hindi ka nakinig. Ngayon nagpapakakuba ako kakatrabaho, hindi ako natutulog buong gabi. Inom ako ng inom ng kape para sa pagca-call center ko!"
Napayuko ako. Nadamay na naman ako, palagi na lang ganito si Mama kapag galit siya. Kaming magkapatid kailangan damay.
"Umalis ka na, gagayak na ako para magtrabaho. Wala na akong maibibigay sa 'yo, Benjie."
Tumalikod si Mama. Walang nagawa si Kuya kundi tumayo at lumakad papalabas ng bahay. Bakas sa mukha niya ang pagkalugmok. Bago siya lumabas ng gate ay nilabas ko ang wallet ko.
"Kuya, baka makatulong sa 'yo," ani ko at naglabas ng tatlong-daang piso.
"Seira, huwag na. Baon mo 'yan," ani Kuya at ngumiti.
"Okay lang, gusto ko pong makatulong kahit konti," ani ko.
Nang hawakan ni Kuya ang pera sa kamay ko ay bigla siyang lumuha. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Salamat, Seira... Pasensya ka na kay Kuya..." bulong niya.
Tinapik ko ang likod niya.
"Okay lang, Kuya. Sana gumaling na yung pamangkin ko," ani ko.
Tumango siya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
"Mauuna na ako," aniya.
Tumango ako at kumaway sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako, sobrang hirap ng pinagdadaanan ni Kuya ngayon, halata sa mukha niya.
Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Nagbihis ako ng pambahay. Nakita ko namang mayroong message ang pinsan kong si Dorothy.
Tinawagan ko ito thru Video Call. Nahiga ako sa kama ko at kinuha ang earphones ko. Nang sagutin niya ang tawag ay nakita ko siyang nakaharap sa kaniyang laptop, ang ganda ng set-up ng kaniyang kwarto, pangmayaman.
"Dorothy," ani ko.
"Oh? Kamusta?"
"Busy ka ba?"
"Hindi naman. May ine-edit lang. Kamusta ang pinas? Mukhang may problema ka?" tanong niya.
"Na-offend lang ako sa sinabi ni Mama."
"Anyare girl?"
"Si Kuya pumunta dito nangheheram ng pera, nagalit si Mama tapos nadamay pati tuition ko sa university."
"About sa scholarship ba dito na naman sa Amerika?"
Tumango ako. Rinig ko naman ang malalim na paghinga ni Dorothy.
"As a mother, hindi naman dapat magreklamo si Tita Sonya. Pinag-aaral ka niya, anak ka niya. Ang akin lang, sayang din opportunity mo dito sa America. Sana magkaklase pa tayo, pareho tayong accounting. Tapos maganda university dito, full scholarship pa ako dahil mataas grades ko, need mo lang i-maintain grades mo."
"Mas matalino ka naman sa akin."
"Gaga ka ba? 95 average mo noong grade 12 ka, kung ipinasa mo 'yon dito sa America, automatic pasok ka sa full scholarship."
"Ayoko..." bulong ko.
"Ayaw mo iwanan si Jairus," aniya at umiling-iling.
"Alam mo namang mahal ko 'yon," ani ko at umayos ng higa sa kama.
"Kaya nga, kapag naman nakapagtapos ka na ng pag-aaral, maibabawi mo na si Tita Sonya."
"Oo," ani ko.
"Mag-America ka na. Malaki sahod ng accountancy dito. May company na nga si Mama na naka-reserve para sa akin, pagka-graduate ko sure na may work na ako, kasi kakilala din ni Dad yung CEO," ani Dorothy.
Napabuntong hininga ako. Ayoko malayo kay Jairus, malaki nga sahod, malungkot naman ako.
"Dito na lang ako hahanap ng trabaho," ani ko.
"Bahala ka, malaki sahod dito, Seira."
Napaupo ako sa kama ko. Tumulala ako sa pader, hindi ko alam anong pipiliin ko, yung magandang career at kinabukasan, o yung kasama ko si Jairus na masaya ako kahit na mayroon siyang Vinalyn.
******************