Prologue

1368 Words
Sumasakit ang ulo ko, dahil ito sa hang-over. Napasarap ang inuman namin sa Bar kagabi kasama ang barkada ko. Ngayon ay late na ako sa trabaho. Nakapikit lang ako buong byahe dahil gusto ko pa talagang matulog, pero hindi pwede, dahil ako ang CEO ng company. "Sir Jairus, nandito na po tayo." Napadilat ako nang magsalita ang driver ko. Tumingin ako sa paligid, nakita ko naman ang mga employee na nakapila sa entrance. Heto na naman sila para bumati ng sabay-sabay, araw-araw na lang. Binuksan ng secretary ko ang pinto ng kotse. Yumuko siya habang papalabas ako, nagsipag-yukuan din ang mga empleyado na nakapila sa entrance ng building. "Good morning, Mr. Jairus Gael Alvarez--" "Ano bang sabi ko? Ayoko nang nakapila pa kayo tuwing papasok ako. Hindi ba kayo nagsasawa kakabati sa akin?" irita kong sabi. Pakiramdam ko mas lalong sasakit ang ulo ko. "Sir, pinag-uutos po ito ng Papa ninyo. Nasa office na siya at naghihintay sa inyo," ani ng Secretary kong si Philip. Lumakad ako sa mga napila na employees, tinuro ko sila habang naglalakad ako. "Kayo, ah! Bukas kapag may nag-greet na naman sisipain ko na," ani ko. "Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sambit. Nakita ko naman ang paborito kong employee na si Kairo, may hawak siyang kape na kakakuha niya lang sa vending machine dito sa ground floor. Nakasuot siya ng salamin, masarap siyang bwisitin dahil pikon siya pero wala naman siyang magagawa dahil boss na ako. Lumapit ako sa kaniya, bago pa man niya mahipan ang kape ay kinuha ko iyon sa kamay niya. Nagulat naman si Philip sa ginawa ko. "Mukhang masarap 'to, ah?" ani ko kay Kairo. "Opo, Sir. Para po talaga sa inyo 'yan," aniya at ngumiti kahit halata sa mukha niya ang pagka-inis. "Natapos mo na ba yung proposal?" tanong ko. "Hindi pa po." "Bilisan mo, tapusin mo ngayong araw. Kapag wala akong naipakita kay Papa malalagot na naman ako," ani ko sa kaniya. "Ise-send ko na lang ang soft copy sa email ninyo," aniya at tumayo ng tuwid. "Very good!" Tinapik ko ang balikat niya sabay higop ng kape. Sinadya kong patunugin ang paghigop ko dito para asarin siya. Tumatawa akong naglakad papunta sa elevator. "Sir, ang schedule mo ngayong araw ay reviewing of business proposal 'till 11 am. After lunch, may meeting po kayo with Mr. Roxas at Roxas building, exactly 1 pm dapat po nandoon na kayo. 3 pm naman ay checking ng sales--" "Ang dami naman," reklamo ko habang umiinom ng kape. "Sir---" "Oo na, alam ko na. Kalma. Iisa lang ako," ani ko at tumawa. Tila ba nawala ang sakit ng ulo ko sa kape na hawak ko. Nakangiti akong pumasok ng office ko pero nawala ang ngiti ko nang makita si Papa na pinapakialamanan ang mga papel sa lamesa ko. "JAIRUS, YOU'RE LATE!" sigaw ni Papa. "Pa... It's better to be late than absent--" "Huwag mong gawing biro ang trabaho mo, Jairus. Kailan ka ba magseseryoso? Bakit may mga drawing itong mga papel mo? This is a business and not a kindergarten school!" sigaw ni Dad. Itinaas niya ang isang papel. Mayroong drawing doon ng lalake, natatandaan ko na, kahapon ko iyon dinrawing habang may kausap akong employee. Nagdi-discuss siya habang ako ay ginuguhit ang pangit niyang mukha. "Ah, wala lang 'yan, Pa." "Stop making fun of everything, Jairus. You're a CEO. Act like one. Hindi yung papasok ka ng late, halos araw-araw kang late!" bulyaw niya. Inubos ko ang kape ko. Inabot ko kay Philip ang basyo na cup saka lumakad papalapit kay Papa. "Nakukuha mo pang magkape, sa dami ng gagawin mo?" aniya. Napakamot ako sa batok ko. "Pa, chill ka lang. Ako nang bahala dito---" "Paano ako magtitiwala sa 'yo? Tignan mo 'tong ginagawa mo. Your papers aren't organized! They are mess!" reklamo niya at hinagis ang mga papel ko na nasa folder. Tinignan ko si Philip, dapat pala araw-araw inaayos niya 'to bago kami umuwi. Si Papa naman, palagi na lang nangengealam. Para saan pa na ako ang CEO kung wala siyang tiwala na kaya ko i-handle ang company. "I will fix this," ani ko at pinulot ang mga papel na hinagis ni Dad. "Isa pang late na pagpasok mo, Jairus. Hindi kita papauwiin, dito ka matutulog at magtatrabaho ka lang!" ani Papa. "I just want to have fun, hindi naman hadlang 'yon kahit na CEO ako--" "Buti sana kung hindi ka nagpapabaya, kahit na alam mong nag-iisa ka naming anak. Can you please have a consideration? Our ancestors build this company, you inherit all of this. Ikaw, ang nag-iisa kong anak, I want you to treasure everything." Tinitigan niya ako sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Okay, I will." Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago tuluyang maglakad palabas ng office ko. Lumapit sa akin si Philip para pulutin ang mga papeles. "Are you okay, Sir?" "Ako pa ba? Okay na okay ako, sa gwapo kong 'to, syempre naman!" ani ko. "Hihingi na lang ako ng bagong hard copy ng mga 'to, Sir." Tumayo siya at kinuha lahat ng mga papel. Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng silid. Naupo ako sa aking swivel chair, binuksan ko ang mini cabinet ng aking lamesa para kumuha ng sigarilyo, pero nakita ko ang isang bracelet doon. Kinuha ko ito, tandang-tanda ko kung kanino galing ang bracelet na ito. Sa babaeng bigla na lang nawala na parang bula, hindi ko na rin alam kung nasaan na siya. She's the best person I ever met and sa 10 years na nagkasama kami, hindi ko akalain na aalis siya na wala man lang paalam. "Seira, my the one that got away." ******************* Lumabas ako ng Roxas building, kakatapos lang ng meeting. Narito ako sa tapat ng building at hinihintay si Philip na na-traffic. Akmang kukuha ako ng sigarilyo sa bulsa ko pero nakakita ako ng vendor, nagtitinda ito ng cotton candy. Isang masayang alaala ang bumalik sa akin. Ito ang paborito naming kainin ni Seria noong mga bata pa lang kami. Bigla ko na naman siyang na-miss. Napagdesisyonan kong bumili rin noon. Habang papalapit ako sa vendor, nakarinig ako ng hikbi ng isang bata. "Mama..." Napahinto ako sa paglalakad, napatingin ako sa puno na nasa gilid ko, mayroong batang lalake na nakaupo doon habang nakatingin sa vendor. "Mama ko..." Napakunot ang noo ko, mukhang nawawala siya. "Pst! Bata!" tawag ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako. Nilapitan ko siya, yumuko ako para magpantay kami. "Nasaan ang Mama mo? Akalain mo ba namang iiwan ka niya dito? Ang daming masasamang tao rito. Anong pangalan ng Mama mo?" tanong ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tumawag ng pulis. Mahanap man lang nila ang Mama nito. "Ano nga pangalan ng Mama mo?" tanong ko. Hindi pa rin siya sumagot. Napansin kong nakatingin pa rin siya sa cotton candy. Napabuntong hining ako at nilahad ang palad ko. "Tara, ibibili kita no'n. Gusto mo ba 'yon?" Tumango siya at agad na tinanggap ang kamay ko. "Putcha, akalain mo nga naman magiging baby sitter ako," bulong ko at naglabas ng wallet. Bumili ako ng dalawang supot ng cotton candy. Tuwang-tuwa naman ang bata nang i-abot ko ito sa kaniya. Mawawala ang batang 'to. Tumatanggap sa hindi niya kakilala, parang hindi tinuruan ng magulang. Kanino kayang anak 'to? "Salamat po, kuya." "Bata, anong pangalan mo?" tanong ko habang kumakain siya. "Wayne Yves po." Napangiti ako sa ka-cute-an ng batang ito. Although hindi ako mahilig sa bata pero sa paningin ko, sobrang cute niya. "Wayne Yves, ganda ng name mo. Pero sa susunod huwag ka sasama sa ibang tao, ha?" ani ko. Tumango siya. "Sabihin mo na sa akin ang pangalan ng Mama mo, para mahanap na natin siya," ani ko. "WAYNE!" Napatigil ako, biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko makakalimutan ang boses na iyon. Limang taon kong hindi narinig, pero tandang-tanda ko pa rin. Napalingon ako sa likuran ko. Isang magandang babae ang tumatakbo habang may dalang mga plastic na puno ng iba't ibang produkto. Pawis na pawis itong tumakbo papalapit sa amin. Ngunit napatigil siya nang magtama ang mga mata namin. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Sa loob ng limang taon, ngayon ko na lang ulit siya nakita. "Seira..." ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD