Chapter 25

1241 Words
Jairus Gael's P. O. V. Hawak ko ang isang magazine, puno ito ng litrato pangkasal. Gusto kong si Seira mismo ang pumili ng gusto niyang masuot sa araw ng kasal ko. Kailangan ko ito gawin, this is the only way I thought of... Para manatili kaming magkaibigan. "Seira?" tawag ko at akmang bubuksan ang gate ng bahay nila. Bigla kong nakita si Tita Sonya na may hawak na isang walis tambo. Lumakad ito papalapit sa akin. "Tita, nasaan po si Seira?" tanong ko at tuluyan kong binuksan ang gate nila. Lumapit ako at kinuha ang kamay ni Tita Sonya para magmano. Rinig ko naman malalim nitong paghinga. "Umalis." Tumango ako at ngumiti, itinago ko sa likuran ko ang magazine na hawak ko. "Saan po pumunta?" "Hindi ko alam," walang gana niyang sagot. "Anong oras po kaya siya babalik?" Hindi niya ako sinagot, nawala ang ngiti sa aking labi nang talikuran niya ako. Akmang hahabulin ko si Tita Sonya pero mukhang galit siya. Napabuntong hininga lamang ako at kinuha ang cellphone ko na nasa aking bulsa. "Nag-away na naman ba silang mag-ina?" bulong ko at lumabas ng bahay nila. Nakatayo ako sa gilid ng kalsada at tinawagan si Seira. Napakunot naman ang noo ko nang marinig na out of reach ang kaniyang cellphone. Muli ko siyang tinawagan, paulit-ulit na out of reach siya. "Nasaan na ba 'yon?" bulong ko at pumasok ng bahay namin. Nakakalungkot na hindi na rin siya nagsasabi sa akin kung ano nang nangyayare sa kaniya, noon ay ako ang nilalapitan niya tuwing umiiyak siya dahil pinagalitan siya ni Tita Sonya. Ngayon wala man lang siyang sinabi kung nag-away na naman ba sila. Nag-vibrate bigla ang cellphone ko. May tumatawag, lumakas ang t***k ng puso ko sa pag-aakalang si Seira na ang tumatawag. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang pangalan ni Vinalyn dito. Sinagot ko ang tawag. "Babe!" pinilit kong siglahan ang boses ko. "Hindi ka ba uuwi rito, Babe? Balak ko mag-bake ng brownies for you," sabi niya mula sa kabilang linya. Ngumiti ako, ramdam ko talaga na mahal niya ako. Kahit noong una akala ko hindi niya ako sasagutin, malay ko bang magiging seryoso pala ang sa una'y binibiro ko lang. "Pwede bang afternoon na ako pumunta, Babe? Kakausapin ko sana si Raiko para maging best man," ani ko. "Akala ko nakausap mo na siya..." "Hindi pa, hinahanap ko si Seira kanina---" "Si Seira na naman?" bakas ang inis sa boses niya. Napalunok ako ng sarili kong laway, ilang beses na naming pinag-aawayan si Seira. Hindi ko na lang sinasabi kay Seira na nagseselos sa kaniya si Vinalyn, ayokong lumayo siya sa akin. "Babe, bride's maid na siya, please. Alam mo namang best friend ko 'yon, huwag na sana tayong mag-away dahil sa kaniya. Gusto ko maging maayos relasyon niyong dalawa," ani ko at napaupo sa sofa namin. "I know, it's acceptable na kaibigan mo siya. But the fact that you two are so clingy than us, the hell! Jairus, I feel so jealous! Akala mo ba hindi kita nakita noong graduation? Inakbayan mo pa siya sa picture niyo which is hindi naman kailangan!" sermon niya. Napahawak ako sa sentido ko. Heto na naman ang pagsesermon niya, sa totoo lang kapag usapang Seira, naiinis ako sa kaniya. "Vinalyn---" "What? Ipagtatanggol mo na naman ang babaeng 'yon. As usual. Ikakasal ka na but you're still with her--" "Because she's my best friend!" "And I am your fiance!" Napatigil ako. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad. Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Let's stop this, huwag na natin siyang pag-awayan. Madami na tayong ginagawa, maraming kailangan asikasuhin para sa kasal. Nakaka-stress lang--" "So, nakaka-stress ako? Did I heard it right, Jairus?" Niyukom ko ang kamao ko. Nakakainis nang makipag-away sa kaniya, parang kahit kailan hindi ako mananalo. Ang hirap magkaroon ng matalinong girlfriend. "Whatever." Pinatay ko ang call. Papakasalan ko na nga siya, hindi pa ba siya mapanatag sa lagay na 'yon? She always bring up the topic about my best friend. Why can't she understand how I love Seira as my best friend? I texted Raiko na pupunta ako sa bahay nila. Kinuha ko ang susi ng aking kotse saka lumabas ng bahay. ******************** Pagdating ko sa bahay nila Raiko. Ipinaghanda niya ako ng juice, naupo kami sa terrace ng kanilang bahay since nasa sala ang mga kapatid niya at nanonood ng cartoons. "T*ngina, walang lasa." Reklamo ko matapos tikman ang juice. "Nakiki-inom ka na nga lang, nagrereklamo ka pa. Ina nito." Inagaw niya sa akin ang baso na hawak ko. "Tikman mo kasi, halatang wala kang alam sa gawaing bahay!" ani ko. Tinikman niya ang juice na nasa baso ko. Napakunot ang noo niya at ninamnam ito, bigla siyang tumawa. "G*go, pre. Hindi ko ata nahalo!" aniya. Sabay kaming humagalpak ng tawa dahil sa mga kalokohan namin. Hinawakan ko ang balikat niya para tumigil siya sa pagtawa. "T*ngina, pinunta ko talaga dito... Kukuhanin kitang best man," ani ko. "Luh! Ba't ako?" "P*ta, parang hindi ka masaya!" "Siraulo ka, gusto mo bang magkalat ako sa araw ng kasal mo!" tumatawa niyang sambit. "Ayusin mo naman, pre. Dapat grateful ka. T*ngina nito." "G*go, pumayag ba si Vinalyn na ako best man. Alam no'n na isa rin akong tarantado." Sumandal siya sa kaniyang kinauupuan. "Oo, alam niya." "Sino naman bride's maid niyo?" "Si Seira." "Oh, akala ko ba nagseselos si Vinalyn do'n? Halata naman kapag nag-iinom tayo laging masama tingin no'n sa best friend mo. Kaya nga lagi namin sinasamahan ni Gil si Seira." Napayuko ako, iyon ang mga oras na wala man lang akong magawa. Kailangan ko samahan si Vinalyn dahil siya ang girlfriend ko. "Iyon nga, ang tagal ko nang kaibigan si Seira, ayoko mawala siya. Kaya kapag nag-aaway kami ni Vinalyn, hinahayaan ko na si Vinalyn." "Buti hindi ka na-fall kay Seira." Kinuha niya ang pitsel saka dahan-dahang inalog ito. "Kaya nga ako nag-girlfriend." Napatigil siya sa sinabi ko. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. "A-Ano, pre?" "Nag-girlfriend ako, kasi pakiramdam ko nahuhulog na ako kay Seira. Alam mo 'yon? Para mabaling sa iba atensyon ko," ani ko. Binitawan niya ang pitsel. Sumeryoso ang kaniyang mukha sabay titig sa mga mata ko. Tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Oh?" bulong ko. "Tarantado ka, bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?" "Malay ko ba, siraulo kayo. Baka ibuko niyo pa ako kay Seira." Tumawa ako at pinagpatuloy ang paghahalo sa juice. "Bakit mo papakasalan si Vinalyn? Hindi mo naman pala siya mahal." "Gusto ko si Vinalyn, maganda 'yon, matalino, mayaman, mabait naman pero mas mabait si Seira saka understanding---" "You're comparing them, pre." Nawala ang ngiti sa labi ko. Napayuko ako. Kinuha ko ang baso saka sinalinan ng juice, ininom ko iyon. Dapat pala hindi ko na sinabi. Ako lang naman ang nakakaalam. "Sino ba talagang mahal mo? Yung best friend mo, o yung fiance mo?" seryoso niyang tanong. "Pre... Ano ba namang tanong 'yan?" "Pre, ikaw mismo! Ano bang ginagawa mo para itanong ko sa 'yo 'to. Obviously, ginawa mong rebound si Vinalyn kahit hindi naman naging kayo ni Seira," aniya. "T*ngina, huwag ka nga magulo. Heto na ako, oh? Ikakasal na nga. Ayoko lang magsabi kay Seira na mahal ko siya, baka mamaya lumayo pa 'yon. Kaibigan lang tingin sa akin no'n." "Tarantado ka, dapat umamin ka na kay Seira." "Pre, hindi ko sasayangin yung sampung taon na pagsasama namin dahil lang mahal ko na siya." Napailing si Raiko. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD