“Carlos!" sigaw ng matanda.
“Natutulog na si Lalaine. Wag kang masyado maingay sa pagpasok mo." paalala nito na wika. Walang tugon si Carlos. Dumiretso lang ito sa kwarto kung saan sinabi sa kanila na iyon ang pagsasaluhan nilang kwarto habang nakatuloy sila sa bahay nito.
Walang laman ang nasa isip ni Carlos. Gusto niya matulog. Wala sa isip niya ang nangyari kanina sa bar. Parang wala at lutang siya ngayon. Ngunit ng mapagbukas na niya ng pinto ang sarili. Muli na naman siya nagdilim ang paningin. Nakita niya ang Masarap na natutulog na si Lalaine. Ang sarap ng pagkakahiga nito sa kama habang nakatagilid. Nakaharap sa kanya. Parang ang sarap din ng panaginip nito, habang ang tahimik ng itsura ng mukha nito. Nakangiti. Iyon ang napansin ni Carlos na ikinasimangot niya.
Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito habang natutulog. Tumalim ang mga tingin nito kay Lalaine. Habang lumalakad ang paa palapit sa babaeng pakakasalan. “May gana ka pa talagang ngumiti? Matapos mo akong pikutin." sabi nito.
Nakakatawa si Carlos. Parang bata na nagsasalita, dumadaing sa taong tulog. Kinakausap niya si Lalaine. Pero, paano siya sasagutin. Tulog nga yung tao.
Uminit ang ulo niya. “Sumagot ka! Tang-*n*, wag kang matulog. Siraulo kang babae ka. Wag mo akong tulugan." malakas na ang boses niya. Ginigising pa rin si Lalaine. “Bumangon ka diyan." sabi niya, tinulak si Lalaine.
“Bumangon ka! Bangon." na ilakas ang tulak niya, na ikina-bagsak ni Lalaine sa sahig. Nasaktan si Lalaine. Nagulat.
Pinipilit ni Lalaine maimulat ang mata niya, habang hawak ang balakang niyang bumagsak sa sahig. Inaantok pa siya talaga. Mabigat ang talukap ng mata niya na pilit idinidilat. “Diyan ka sa sahig matulog." malakas na sabi pa rin ni Carlos. Hinagis niya ang unan. Tumama sa mukha ni Lalaine. Dun siya tuluyan na nagising at nakita ang bulto ni Carlos na pahiga na sa kama.
Kurap-kurap ang mata niya, napahikab. Nakatitig siya kay Carlos na nakatalikod. Napahinto siya, habang nakaupo. Muli bumukas ang bibig niya at humikab. Inaantok. Kung bakit ang masarap niyang tulog naistorbo. Pero nakahinga na siya ng makita at mapagmasdan si Carlos na maayos naman nakabalik ng bahay. Dahil sa inaantok pa siya. Wala siyang nagawa kundi ang humiga sa sahig at i-unan ang unan na ibinalibag sa kanya.
Yung kumot niya. Naisip niya, kaya lang ginamit ni Carlos. Nakakumot sa sarili nito. Napa-hilamos nalang siya sa mukha ng muli siya napahikab. Tinitingnan niya lang muna si Carlos ng silipin niya. Bago siya tuluyan ulit magbalik sa pagtulog at ipikit ang mata niya.
Malalim na ang naging tulog ni Lalaine. Pero, tingin niya ay maikli lang ang naging tulog niya. Nang marinig niya ang ilang sunod-sunod na katok sa pinto. Mabigat pa rin ang talukap ng mata niya na pilit siyang bumangon sa pagkakahiga. Inaantok. Nabitin na naman ang pag-idlip niya.
“Sino naman kaya!" buntong hininga na naupo muna saglit matapos maibangon ang katawan. Humikab. Sobrang lawak pagkakabuka ng bibig ni Lalaine. Nag-sunod-sunod pa ang katok sa pinto. Pero, siya lang ata nagising sa kanila ni Carlos. Masarap pa rin kasi ang tulog nito. sakali siya. Inaantok. Mabigat ang katawan. Pilit din ibinangon.
“Lalaine!" tawag mula sa labas Pinunasan niya yung luha na pumatak sa mata niya ng humikab siya.
“Lalaine!" namulat niya ng malaki ang mata. Pamilyar ang boses.
“Lalaine!" tumayo na si Lalaine. Kahit antok pa siya, nai-tukod niya sa semento at naikapit niya sa gilid ng papag ang kamay niya. Makatayo lang. Pakiramdam niya, sa sobrang bitin niya sa pagkakatulog. Bubuwal siya. Hindi naman nangyari.
Pipikit-pikit ang mata niya na nilakad ang papunta sa pinto. Binuksan niya yon. “Good morning po." seryoso ang mukha. Sumilip si Imy sa kwarto.
“Natutulog pa po si Carlos." pahayag niya.
“Carlos!" tawag ni Imy, ngunit tulog pa rin ang anak niya.
“Carlos, bumangon ka na riyan. Kumain muna tayo ng agahan." sabi ni Imy. “Maghilamos ka muna. Ako ang gigising kay Carlos." utos nito kay Lalaine. Iginaya niya palabas ng pinto.
Pumasok si Imy sa kwarto.
“Carlos, bangon. Gumising ka na riyan. Gising, bumangon ka." ilang beses pa nito ginigising si Carlos. Bago ito tuluyan magdilat ng mata.
“Ang aga pa!" sagot niya sa mommy niya.
“Anong maaga pa! Late na nga, bumangon ka riyan at kumain muna tayo ng agahan at magsi-gayak na kayo ni Lalaine. Aalis na tayo at tutungo sa City Hall." utos ni Imy, inalis ang kumot na nakakumot kay Carlos.
“Amoy alak ka! Uminom ka na naman?" sermon pa si Imy sa anak niya habang hinihila ito patayo. “Bilisan mo na, tanghali na."
“Oo na!" mabigat niyang tugon. Pilit tumayo. Nakaupo na siya sa kama. Humikab.
“Ikaw na bata ka! Kelan ka ba talaga magbabago." bulong ni Imy, inilihis ang kumot na nakapatong pa sa mga binti ni Carlos. “Sumunod ka na!" bilin ni Imy, lumabas na rin ito ng kwarto.
Alam naman ni Carlos ang nangyayari ngayon. Kaya tamad na tamad siyang humiga ulit. Pero, sumigaw si Imy, bangon siya. Mabigat sa kanya na tumayo at sumunod sa mga yapak ng mommy niya papunta sa mesa. Sa mga tao na naghihintay.
Ngayon araw ang kasal sa civil na tinutukoy ng matandang lalaki kagabi. Kaya, nag-pakalasing siya kagabi ng malaman. Masama ang loob. Pero, sumunod din si Carlos. Lumakad siya, nang makarating sa mesa pinaupo siya sa tabi ni Lalaine.
Kumain sila, inabot sa kanya ng matandang babae ang kanin at ulam naman ang siyang iniabot sa kanya ng dalagang babae. Nakangiti ito. “Kuya, kumain ka ng marami. Masarap magluto si Ina, kaya damihan mo kumain." sinimangutan lang ni Carlos ito.
“Ate Lalaine, ikaw din." bumaling kay Lalaine.
Kumuha ng pagkain si Carlos, kumain siya at napansin niya na tama ang sabi ng dalagang babae. Maliban don, ang lasa.
Napahinto siya sa pagnguya.
Pamilyar sa kanya ang lasa ng mga pagkain na yon. “Bakit? Hindi ba masarap, Kuya?" takang tanong ng dalagang babae nasa kabilang side lang ito.
Pamilyar sa kanya, masarap.
Nalalasahan niya, habang mabagal na nginuya yung nasa bibig niya. Masarap. Pamilyar talaga ito sa kanyang panlasa.
Naalala niya nung bata siya. Ganun na ganun ang lasa ng pagkain na hinahanda sa kanya ng kanyang Yaya. Masarap! Favorite niya lahat ng mga niluluto nito. Madalas din siya magrequest ng mga pagkain dito. At walang kahit isa ang hindi masarap sa mga nailuto nito sa kanya.
Humugot ng malalim si Carlos. Sumubo siya ulit. Habang gumalaw ang mata n'ya at mapadako yon sa matandang babae na nakatingin sa kanya. Napahinto rin ito sa pagbibigay ng makakain sa mag-asawa na magulang ni Carlos.
Titig na titig si Carlos sa matandang babae. Nakilala niya ito. Minumukhaan. Nang makilala na niya. Napabuga siya. Pero, bumalik nalang sya sa kinakain niya. Inalis na n'ya ang tingin sa matandang babae.
Nag focus nalang siya sa kinakain kahit natandaan na niya ngayon at nakilala. Na ang matandang babae pala ay ang dati niyang Yaya. At ang lalaki, ngayon naalala na niya. Ito ang lalaking madalas niya kulit-kulitin sa tuwing may nais siyang puntahan, madalas niya ring kalaruin.
Masarap ang pagkain. Kaya marami siyang nakain. Tumayo na siya, tinawag siya ng kanyang Mommy. “Saan ka pupunta?"
“Sabi mo gumayak di ba? Maliligo." ingos na sagot ni Carlos.
“Okay, good." sabi naman ng mommy niya.
Mabigat ang paa na umalis don. Lumakad siya at tumungo sa kwarto. Kumuha siya ng towel. Lumabas at saka nagtungo ng banyo. Naligo.
“Lalaine, kumain ka lang. Kamusta naman pala kayo dito?"
“Ayos lang po." kahit ang totoo hindi siya ayos simula ng dumating sila kahapon.
Nung umalis si Carlos. Hindi rin naman mapanatag ang kalooban niya. Nag-aalala siya dito. At, syempre. Nasaktan din siya na hindi niya maikwento at masabi habang nasa hapag pa rin sila kumakain. Habang nagtatanong at dumadaldal si Imy.
Wala din kibo ang mag-asawa. Tulad ng pakiusap ni Lalaine dito kagabi after nila kumain ng hapunan. Nag-usap sila saglit. Napagkwentuhan ang tunay na lagay at kalagayan niya ngayon sa nalalapit nilang kasal. Wala pa rin alam si Lalaine. Today, mangyayari na ang kasal kasalanan na pilit na iginigiit sa utak niya ni Carlos.
Sinabi rin niya sa mag-asawa na mahal niya si Carlos. Pero, hindi sa ganitong paraan niya gusto bumagsak ang pagmamahal niya na itinatago. Hindi niya gusto maangkin ang lalaking minamahal niya na hindi rin naman siya kayang mahalin. Kaya lang. Dahil sa mga utos at kagustuhan ng magulang ni Carlos. Hindi siya makaatras at makatanggi lalo na ngayon na malaki ang utang niya sa mga ito.
Maunawaan naman ng dalawang matanda ang sitwasyon ni Lalaine. Naunawaan nila kung bakit ganun si Carlos sa babaeng pakakasalan. Nalaman nila na isang kasunduan at pagpipilit na maikasal sila. Kasunduan sa pagitan ni Lalaine at nang mga magulang ni Carlos na kung maaari sana. Siya nalang ang maipakasal sa anak nila kesa ang mapunta ito sa babaeng mas makapag papabagsak at mas hahayaan lang sa ganung trabaho ang anak nila.
Hindi raw matututo ang anak nila kung hindi matino at maayos na babae ang mapakasalan nito. Sa isang banda tama din naman ang mga ito. Ngayon pa lang sa ugali na meron si Carlos. Totoo ang sinabi nila. Lahat ng mga nabitiwan nilang winika about Carlos. Totoo lahat.
Kaya lahat ipinaunawa sa kanya bago siya nakapagdesisyon to marry Carlos. Hindi iyon dahil sa naramdaman niya para dito. Iyon ay dahil sa matinding kahilingan na sabi ng mga magulang ni Carlos, especially his mom.
Mabigat siya napabuntong hininga habang masikip din ang dibdib na tumayo na siya upang gumayak tulad ng sinabi ng Mommy ni Carlos. “Gumayak ka na rin." sabi nito. Kahit walang idea. Tumayo siya at tumungo ng kwarto. Sinabi ng mommy ni Carlos ang kanyang isuot.
Napagkwentuhan pa nila bago siya tumayo a ang mga naging biyahe ng mga ito bago makarating ng Cebu. Nalaman ni Lalaine na may inayos pala ang mga ito bago ito mga sumunod sa kanila. Family vacation pala. Pero ang hindi niya alam ay papunta sila City Hall upang sa kanilang kasalan.
Hindi iyon binanggit nila Imy, kahit ang pagdating nila ng mas maaga ay hindi nito mga sinabi. Ang pag-aayos ng kasal nila sa City Hall. Ang matandang lalaki ang nag-ayos. Nakahanda na lahat. Hindi lang nito ipinaalam kay Lalaine tulad din ng pakiusap ni Imy. Kaya lang nadulas siya kay Carlos na ikinagalit nito. Kaya umalis.
“Ate, dun ka na maligo sa kabilang banyo. Sasamahan kita." wikang suwestyon ng dalagang babae. Ngumiti lang siya. Lumakad na rin papunta sa kwarto. Kumuha siya ng mga gamit niya, naupo muna s'ya. Napag-isip.
Ilang minuto rin siyang ganun. Naisip ang wika ng matandang lalaki. “Pagpasenyahan mo na." ganun din ang sinabi ng matandang babae. Kahit magulang ni Carlos.
Hanggang kelan nga ba siya magpapasensya?
Kahit labis na nasasaktan ang puso niya?
Kahit nadudurog na yon. Magpapasensya pa rin ba siya?
Kahit konti nalang mauubos na ang lahat ng pagpasensya niya.
Masakit din syempre. Pero, hindi niya magawa ang magreklamo. Masabi kaya niya kay Carlos na mahal niya ito? Pero, ayaw niya. Iniingatan nga niya na masabing Mahal niya ito. Pero, hindi iyon ang dahilan kung bakit pakakasal siya dito. Ang gusto niya, magbago lang ang pakikitungo nito. Kahit di na siya mahalin nito.
Pero, ayos nga lang ba sa kanya yon?
Ayos lang ba talaga na wag siyang mahalin ni Carlos?
Ayos nga lang ba sa kanya na kahit di siya matutunan mahalin. Okay lang. Matutunan lang siyang mapansin? Hindi ba parang same lang yon?
Ang kagustuhan niyang makita siya ni Carlos. Bilang babae at mapansin siya bilang babae. Iisa lang? Napabuga si Lalaine, napahawak sa gilid ng kama. Madiin n'yang nakapitan yon. Bago siya tumayo sa pagkakaupo.
Isa-isa na n'ya kinuha ang mga gamit niya. Inilagay n'ya iyon sa braso niya. Habang hawak at naglalakad palabas ng pintuan. Lumingon siya sa likod. Nakita nya na bukas ang maleta ni Carlos. Napatitig siya don. Bago bumaling sa pinto at lumabas.
“Tara na, Ate Lalaine. sumunod ka lang sa akin. Dun tayo." turo ng dalagang babae habang napalinga-linga siya sa paligid ng bahay. Maayos at maganda naman ang pagkakagawa.
Maayos at malinis. Walang mababakas na kalat sa paligid. Naglalakad siya habang nagmamasid.