CHAPTER 1
ONE: "Lumang gintong orasan."
“BEFORE we start the class, I want to call Mr. Theodore Quint Angeles, Jr. to go and stand here in front,” anang Professor sa klase nina Quint sa subject na Pharmaceutics 33.
Si Quint ay bahagyang nagulat, pinagtinginan din siya ng kanyang mga kaklase. He’s currently a third year Pharmaceutics student.
“Uy, Quint, may kalokohan ka na naman yatang ginawa?” bulong sa kanya ng kanyang seatmate na lalaking kaklase din niya.
“Quint, mukhang masisingkuhan ka pa ah!” sunod pa ng isa.
“Good luck, boy!” ngingisi-ngisi namang tinapik siya ng isa.
Umiling siya sa mga ito. “Wala. Wala, ah!”
Totoo naman. Wala siyang naaalalang ginawa niya lately. Hindi siya nagpasaway o ano.
“Hala ka!” asar pa ng iilan.
Hindi tuloy niya maiwasang kabahan. Baka may nagawa siya pero hindi lang siya aware.
“Ba- bakit naman po, Prof.?” nag-aalangan pang tanong niya.
“Huwag ka nang maraming tanong. Just go in front as I say,” istriktang sinabi lang nito habang naka-cross arms at nakatayo ng tuwid habang direktang nakatingin sa kanya.
The usual terror and strict-looking female professor na nakakatakot at baka isang pagkakamali lang ay mag-aalanganin ang grades ng mga estudyante.
He shrugged and then slowly walked in front with bowed head.
The last time he remembered, nasaway siya sa klase dahil nahuli siyang natutulog. Paano ba naman kasi, napuyat siya kakaaral magdamag nang gabing ‘yon para sa long quiz nila sa isang napakahirap na major subject kaya hayun, nang pumasok kinabukasan ay sabog siya’t pagod tapos antok na antok. Hindi na niya nabantayan pa ang kanyang sarili habang nakaupo at nagkaklase ang prof. sa harapan. He was absent-minded, walang pumapasok na kung ano sa isipan niya nang mga sandaling ‘yon dahil lutang siya sa sobrang antok at ‘yon, naipikit niya ang kanyang mga mata.
Hinding-hindi nga niya makakalimutan nang muntik na siyang managinip no’n kung hindi lang talaga siya biglang ginising ng prof. na tinungo talaga ang kinaroroonan niya’t intensyong nilakasan ang boses. Halos mapatalon pa siya no’n sa gulat, and then later on, he realized na nag-uusok na pala ang ilong ng guro sa galit dahil natutulog lamang umano daw siya sa klase nito.
Ngayon, ano na naman kayang nagawa niya? As far as he could remember, hindi naman siya nakatulog.
The prof. sighed hard and having that particular face of being sad and disappointed when she turned to him. But what did he really do?
“I asked you to go in front because… I want to give you recognition and commend your success during our Summer’s Medical Investigatory Project.” And from that, her face changed and she smiled proudly. She happily turned to the whole class. “Mr. Angeles deserves a round of applause from all of us here, doesn’t he?”
Pare-pareho namang napangiti sa tuwa ang mga kaklase niya at sabay na humiyaw ng “Yes,” tapos ay pinalakpakan siya ng lahat, including the professor. Siya nama’y kasabay ng pagkakahinga ng maluwag na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil kinabahan talaga siya kanina ay napangiti na rin siya.
“I was one of the judges there and I saw that your output was really great. It stood out on its way among the rest. It was a unanimous decision from all five judges. Congratulations, Mr. Angeles.”
“Kinabahan naman ako,” tatawa-tawa pero natutuwa niyang sinabi. “Maraming salamat, Prof.”
After he was commended and applaud by the whole class, pinaupo na ulit siya at nag-umpisa na silang magklase. That was a first subject out of a total three major subjects at their afternoon class sessions. Ang buong akala ni Quint, magaan at sobrang okay ng buong araw sa kanya. Everything went fine until his aunt called him telling him na biglaan na namang sinugod sa hospital ang kanyang ama.
“Auntie, kamusta na po si dad?” aniya pagkarating palang sa hospital at namataan niya ang Auntie Roberta niya.
Auntie Roberta is his father’s younger sister.
She looked at him with sadness in the eyes, bagsak ang mga balikat, bigong-bigo ang mukha. Nalaman kaagad niya ang ibig sabihin nu’n kaya tumakbo na siya sa loob, only to confirm that he already lost his father. Wala siyang magawa, ang pinaghalong lungkot at sakit ay lumukob sa buong katawan niya na hindi na siya nakagalaw bagkus ay naglandas na lamang ang mga luha.
His deceased father was over fifty years old and he had been suffering since a long time ago from a kidney disease and failure. 2018 and he lost him, tuluyan na nga talaga itong bumigay pagkatapos ng mahaba-habang laban na sinuong nila through the years.
Auntie Roberta comforted him by hugging his shoulders and crying with him too.
“Magkasama na silang dalawa ngayon… masaya na siguro silang nagkita ulit,” napakalungkot na aniya, pertaining to his father and his mother na parehong iniwan na siya.
He lost his mom when he was only fifteen due to a car crash. Simula no’n, hindi na ulit nag-asawa pa ang kanyang ama at ibinuhos na lamang ang buong oras at atensyon sa pagiging ama sa kanya at sa mga negosyo nitong bumubuhay sa kanila.
“Quint hijo, ibinilin sa akin ‘to ng daddy mo bago siya tuluyang nawala. Ibigay ko raw sayo.”
Nagtataka siyang tinanggap ang inabot nitong susi. May logo ng St. Damian Philippine University, which is the exact school where Quint’s currently attending to; his father’s alma mater.
“Ano ‘to, Auntie?”
“Wala siyang sinabi sa akin, hijo. Basta ang sabi lang niya, ibigay ko raw sayo.”
He stared and wondered on the key and its purpose. Bakit ibinibigay sa kanya ng ama niya ang susi sa dating locker nito sa St. Damian?
He waited until his father had been buried to eternal peace, at nang muling makabalik sa eskwelahan ay napagdesisyunan niyang punuin na ang curiosity sa utak niya. Surely, his father wouldn’t give this significant key of his locker to Quint without a reason or a purpose, kaya aalamin niya.
The old locker could be found on the University’s library. His father was once an asset and a pride of SDPU because of his academic achievements. Magaling kasi talaga ang ama niya noon sa eskuwela, laging pinapadala sa mga contests mapa-local o minsa’y internasyunal man. Theodore Sr. was also the Magna c*m Laude of his batch sa kursong Business Management taong 1991, kaya isa ang pangalan nito sa mga pangalang may parangal sa school’s library. Ang locker nito kasama ng iba pang huwarang mga estudyante ay habang buhay nang nakapangalan sa mga ito at pagmamay-ari na ng mga ito. All those excellent students are given privilege to store their precious stuffs on those exclusive lockers.
Pagkabukas palang ni Quint ng locker ay may nahulog na kaagad na isang nakatuping stationery. Pinulot niya iyon at binuklat, and he was surprised to see it’s his father’s letter to him…
Quint anak,
First of all, I just want to say sorry for hiding the truth from you all these years. The truth was your mother wasn’t, actually, the love of my life. Bago siya ay may nakilala pa ako, anak. Isang babaeng minahal ko ng buong-buo at walang kapantay. But tragedy and unexpected turn of events happened, hindi kami nagkatuluyan ng taong ‘yon. I met your mom and I married her, though she always knew she wasn’t my great love. Sorry for hiding this to you, sorry for not telling you noong mga panahong magkasama pa tayong mag-ama. Please don’t get mad and don’t get me wrong, I love your mother. It’s just that I wasn’t able to give her my hundred percent, but I have always been thankful that she brought you to this world and you are our source of joy.
Binigay ko sayo ang susi nitong locker ko at sinulat ko sayo ‘to dahil gusto ko sanang hingin ang tulong mo, anak. I wasn’t able to save and protect my great love on those golden years kaya sana mabalikan mo man lang siya at maiparating mo sa kanya na mahal na mahal ko siya at ihingi mo na rin ako ng tawad sa kasalanang hindi ko siya naprotektahan.
Maiintindihan mo itong ipinakikiusap ko sayo ngayon, anak, oras na kinuha mo yung gintong orasan na narito din sa loob ng locker ko kasama ng iba ko pang mga gamit. Turn the gold clock’s hands into exactly 12:00 and you’ll see what I’m talking about.
-Daddy Sr.
Sa kabila ng nabasa at napag-alamang may ibang babae pa pala sa buhay ng ama niya na higit sa kanyang ina ay hindi niya nagawang magalit o kahit sumama man lang ang loob. After all, naging mabait at naging mabuting ama naman sa kanya ang daddy niya at hindi nagkulang.
Still curious, Quint looked for the golden clock, at tulad sa nakasaad sa liham. Para mas maintindihan niya ang hinihinging pabor sa kanya ng ama ay unti-unti nga niyang inilibot ang mga kamay ng lumang gintong orasan sa eksaktong alas dose…
Moments passed and Quint woke up from a nap. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa library na nakatulog pala. Nakapatong pa ang kanyang ulo sa kanyang braso na nakahilay sa mesa. Without moving, he moved his eyes around first, and there, his gaze was caught by the most beautiful girl he has ever seen.
Nanatili muna siya sa ganoon at hindi muna gumalaw, tinitigan muna ang babaeng nakaupo sa kanyang harapan na abala sa kung anong sinusulat. Every little detail of her face is beautiful; from her perfectly curved eyebrows, natural thick lashes, innocent deep-seated eyes, well-shaped nose, pinkish lips, fair skin, and those enthralling medium-length hair with white mini ribbon clip on the side of her ear. Napangiti siyang bigla habang tinititigan lamang at pinanunuod ito. Napakaganda nito.
Mayamaya pa’y tila naramdaman at napansin siya nitong parang timang siyang tinititigan ito kaya bigla itong gumalaw at tila nailang. Siya nama’y madaling tumuwid at umayos sa pagkakaupo habang magiliw pa ring nakangiti sa dalaga.
“Ah, sorry, sorry. Tuloy mo lang pagsusulat mo,” aniya rito.
The amazingly beautiful girl seems to be a studious student too. Bakit kaya ngayon lang niya nakita ito dito?
Sinubukan nga nitong bumalik na sa pagsusulat, at dahil hindi mapigilan ni Quint and sarili’y napapatitig na lamang siya ulit dito habang ngiting-ngiti. Nang muli itong tumingin sa kanya ay nahuli siya nito kaya umiwas kaagad siya’t dumungaw sa kabilang banda. Nagkunwari itong walang tao sa harap nito kaya nagpatuloy ito. Sa muling pag-angat ng mga mata nito sa kanya ay nahuli na naman siya tapos sabay silang napaiwas ng tingin sa isa’t isa.
Marahang natawa na lamang si Quint. Oras na siguro para tuldukan ang ilangan sa pagitan nilang dalawa.
“Uhm, assignment?” he asked casually with all his sincere friendliness.
Tiningnan siya nito saka tumango ito.
“Anong kurso at year mo na ba?” he continued.
“Third year. AB Philosophy.”
Hindi na alam ni Quint ang susunod na sasabihin o itatanong. Mukhang napakamahiyain ng mayuming binibini sa kanyang harapan at para bang ito yung tipo ng babaeng isang tanong isang sagot.
Umiwas na ulit ito at nagbasa na lamang ng libro nito.
Inilibot niya ang paningin sa library at parang may napansin siyang kakaiba, hindi lamang niya matanto exactly kung ano. Hinanap din niya ang orasan na usually ay nasa wall lang sa may bandang counter pero wala siyang nakita roon.
Kinuha ba nila ‘yon? Mahinang pabulong na tanong tuloy niya sa hangin. Napaka-useful pa naman ng orasan na ‘yon para hindi siya nale-late sa mga klase niya tuwing may short vacant time siya na nagagawi siya rito sa library.
“Ha?” tanong naman ng dalaga sa kanya.
Ngumiti siya rito saka umiling. “Wala.”
Nagbalik ito sa pagbabasa. He couldn’t help but fill his eyes with her pure beauty. Isa rin sa hindi nakaligtas sa kanyang pansin ay hindi ito nakauniporme, isang makaluma ngunit maganda at magarang bughaw na bestida ang suot nito. Her beauty seems to be classic and vintage but is not fading through time. Ba’t kaya gano’n? Ba’t pakiramdam niya matagal na niya itong kakilala gayong ito pa nga lang ang unang beses na nasilayan niya ito dito sa St. Damian...
He rested his back on the chair he’s sitting and continued glancing at her moments to moments. Nang muli niyang inilibot ang mga mata sa library ay napansin na rin niya ang isang kalendaryo na nakasabit sa isang banda. Ang una niyang tiningnan ay ang month and number of days. Anong petsa na nga ulit ngayon? Sa pagkakatanda niya’y Lunes kahapon, July 16, kaya malamang ay Martes ngayon July 17 at tama nga siya. It’s July 17, 2018— biglang nakunot ang noo niya at halos pangilabutan siya sa nakitang taon na nakasaad sa taon ng kalendaryo. July 1990.
Kalauna’y natatawa na nailing na lang siya sa kanyang sarili. 1990?
Ano ba naman ‘tong SDPU, kahit calendar hindi na yata magawang mai-update man lang!
No’ng bumalik ang kanyang mga mata sa magandang babaeng kaharap ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya at tila kanina pa siya pinanunuod tapos ay saglit na sinulyapan ang kalendaryong tinitingnan din niya kanina at muling bumalik ang tingin sa kanya.
He simply smiled at her, at dinukot mula sa bulsa ng kanyang khaki ang smartphone. Asking for the girl’s number wouldn’t be a bad idea, right?
He pressed the power button only to find out na hindi nag-o-on ang kanyang cellphone. He tried to long press pero ayaw talaga. Inis na napailing na lang siya sa kanyang sarili. Hays, ngayon pa talaga na-lowbat at hindi man lang ako nakapag-charge ng kahit 10 percent man lang para sana maihingi ko cellphone number niya! Kapagka minamalas ka nga naman, Quint, oh!
Sa muling pag-angat ng tingin niya sa dalaga ay nakita niyang mariing nakatingin ito sa hawak niyang cellphone na tila nagtatanong o nagtataka ang itsura. Napangiti na lang ulit siya. Siguro gusto din niyang makuha ang cellphone number ko! Hindi niya maiwasang kiligin sa loob-loob niya!
Bago pa man tuluyang magpadala sa kilig ay naalala ni Quint na may pasok pa siya sa ibang subjects niya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang suot ng dalaga na vintage model pa ng isang Seiko wristwatch.
“Anong oras na nga pala, Miss?” he asked her.
She took a glance on her wristwatch and looked at him again. “10:37 AM.”
“Ah, sige salamat ha? Una na muna ako sayo,” paalam na niya rito.
Tumango naman ito. “Sige.”
Dala-dala ang kanyang libro ay lumabas na siya ng library at nuon siya tuluyang nalulan sa kanyang mga nakikita dito sa labas. Everything’s old and gray! The buildings aren’t yet much innovated, the students passing the corridor aren’t wearing the uniform that the school requires. Ang suot ng mga kababaihan ay mga bestida at ang mga lalaki nama’y polo. One thing’s for sure— this is not 2018! 2018 is already a modern day world, pero ito— itong kinatatayuan niya ngayon, itong mga nakikita niya ngayon, lahat ng ‘to ay luma at malayong-malayo mula sa modernong mundo na nakalakihan niya!
Anong lugar ‘to? O mas tama bang sabihing… anong panahon ‘to?
Biglang sumagi sa alaala niya ang nakitang kalendaryo sa may tabi kanina… 1990. Hindi kaya...
Minabuti niyang madaling bumalik sa loob ng library at muling pinuntahan ang dalagang naroon pa rin sa kinauupuan nito.
Bahagyang nabigla pa ito nang muli siyang makita. “Ikaw pala? Bumalik ka-“
“Anong taon na ngayon?” seryoso at direktang tanong niya rito.
Tinitigan lamang siya nito sa kanyang naging tanong at sa kaseryosohan ng mukha niya habang nagtatanong.
“Anong eksaktong petsa na tayo ngayong araw?” dugtong pa niya.
Kunot-noo at tila nagtatakang tumugon ito. “Ika-dise siete ng Hulyo, taong 1990. Bakit?”
Hindi na siya nakasagot at tuluyang nawindang na lamang. Anong nangyayari at bakit bigla na lang siyang napadpad dito sa taong ‘ni hindi pa siya ipinapanganak ng ina niya?!
-----
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.
(AN: Warning– malaman-laman ko lang na may namimirata ng story ko na 'to, no matter how I want to keep this story up, talagang titigilan ko pag-a-update nito! Kaya kung sinong may planong mag-screenshot at mamirata nito into softcopies, I AM WARNING YOU– DON'T!
Hindi nakakontrata ang story na 'to at wala rin akong balak na i-kontrata 'to para pagkakitaan kaya hindi 'to malo-lock, meaning it's TOTALLY FOR FREE so sana lang respetuhin ninyo ako bilang author at ang mga gawa ko! Masakit lang kasi sa akin at talagang nakakainsulto na malaman-laman kong pinipirita at pinagkakakitaan ng iba ang pinaghirapan at pinagpuyatan kong mga akda!)
PS: Wala ako masyadong commitment ngayong buwan at sa susunod kaya everyday ang updates ko nito. Every 1:00 in the afternoon so you can surely keep updated. Thanks and God bless.