━━━ * SEAH POV * Mahimbing akong natutulog ng maramdaman kong may parang nakadantay sakin at parang nakayakap, Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Akiro na nakayakap sakin, naramdaman ko ang pag hinga nya sa leeg ko nang isiniksik pa nya ang mukha nya.. Tinapik ko yung kamay nya na naka yakap sa bewang ko. "Akiro, gising na." "Hmmmmp" Humarap ako sa kanya at nag mulat sya ng mata. "Good Morning." Bati ko sa kanya, binati nya din ako pabalik at akmang hahalikan ako ng ihinarang ko ang kamay ko sa labi nya kaya yung kamay ko ang nahalikan nya. "Bangon na dali, malalate tayo." Padabong syang tumayo kaya tumayo ako agad at niyakap sya kahit nakatalikod sya. "Napaka talaga nito!" Humarap sya sakin at hinila nya pa ako pa palapit sa kanya at hinalikan ako sa noo. "Ok enough