CHARM's POV
Nagising ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata at agad tinignan kung sinong nag-text. Si Arcie. Nakita ko ang oras at mag-aalas sais pa lang. Humikab ako at nag-inat-inat bago binuksan ang message n'ya. Ano naman kayang tinext ng bruhang baklita na 'yun?
Arcie:
Bes! Huhuhu! :'( Alam mo ba, Bes? Huhuhu :'( Ikakasal na pala si Harvey mylabs! Huhuhu :'( Nagpunta lang akong Korea, pagbalik ko ikakasal na s'ya? Bes ang sakit! Tawagan mo ko pagkagising mo! Magpapakamatay ako pag di ka tumawag, Bes! Huhuhu :'( </3
Imbes na mag-alala ako at maiyak dahil sa text n'ya ay natawa pa ako! Si Attorney Harvey? Malamang sa gwapo 'nun ay hindi talaga malabong ikasal 'yun ng maaga! Tapos ang bait pa at mahusay rin na abogado. Nakilala ko s'ya dahil kay Arcie. May kaya sina Arcie kaya karamihan sa mga kaibigan n'ya ay mga susyal at may sinasabi talaga sa lipunan.
Binalik ko ang phone sa bedside table at nag-inat. Umikot ang paningin ko sa buong kwarto at namataan ko si Atty. Xavier na tulog na tulog sa couch. Nakadapa s'ya at nakatagilid ang ulo sa unan habang ang isang paa n'ya ay halos sumayad na sa sahig. Napailing ako.
Gusto ko man s'yang alukin na samahan na lang akong matulog dito sa kama n'ya ay tinatamaan naman ako ng hiya. At isa pa, lalaki parin s'ya at 'malikot' s'ya matulog! Mariing napapikit ako nang maalala ang kamay n'yang minsang napahawak sa dibdib ko nang minsang magkatabi kaming matulog. Ipinilig ko ang ulo ko. Ang aga aga, Charm! Tigilan mo ang pag-iisip ng mga ganyang bagay!
"Xavier, anak?"
Napatigil ako nang marinig ang boses ng Mommy n'ya. Agad akong napabangon at nanliit ang mga mata sa pintuan. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagpapanic dahil nakita kong hindi iyon naka-lock!
Shit! Bakit hindi marunong mag-lock ng pinto ang lalaking 'to?!
"Zave, baby?" tawag ulit ng Mommy n'ya.
Padarag na bumaba ako mula sa kama at halos liparin ko na ang distansya mula sa kama hanggang sa couch kung saan s'ya nakahiga. Agad na dinaluhan ko s'ya at tinapik sa pisngi.
"Attorney! Gising!" mariing bulong ko sa'kanya habang tinatapik ang pisngi n'ya. Natutulala pa ako sa mukha n'ya pero tuloy parin ang tapik ko. Nakita kong gumalaw galaw ang mga mata n'ya.
"Hmmm..." ungol n'ya pero hindi parin nagdilat ng mga mata. Niyugyog ko na ang balikat n'ya.
"Attorney, gising! Ang Mommy mo, papunta na dito!" muling bulong ko. Agad naman s'yang nagmulat ng mga mata at kunot noong napatitig sa akin.
"Charm? Why?" namamaos ang boses na tanong n'ya.
"Cassandra, ang aga aga pa. Don't wake them up!"
Sabay kaming napatingin sa pinto nang marinig namin ang boses ng Daddy n'ya. Nagkatinginan kami at agad na s'yang bumangon at kinuha ang unan na nasa couch at hinigit ang kamay ko palapit sa kama.
Agad na inayos n'ya ang unan at nilingon ako.
"Lay down..." utos n'ya.
"Ha?" takang tanong ko. Bakit pa ako hihiga, e, nand'yan na ang Mommy't Daddy n'ya. Hindi s'ya sumagot at agad ng hinapit ang beywang ko at saglit lang ay umangat na ako sa mga bisig n'ya.
"Ano ba-"
"Sleep." utos n'ya matapos akong ibaba sa kama. Agad n'ya akong tinabihan at inayos ang aming kumot bago tumagilid at niyakap ako.
Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang maramdaman ang hita n'yang dumantay sa beywang ko habang ang mukha n'ya ay isiniksik n'ya sa leeg ko.
"Attorney-"
"Ssshhhh... Tell them I'm still sleeping. Ikaw na lang ang kumausap kina Mommy para di na sila magtagal dito..." bulong n'ya.
Halos kilabutan na ako sa pagtama ng mainit n'yang hininga sa leeg ko. Para akong kinakapos ng hininga dahil ang braso n'ya ay mahigpit na nakayakap sa beywang ko. At isa pa...
May... may nararamdaman akong kung ano sa gilid ng beywang ko. s**t! Pakiramdam ko ay umangat lahat ng dugo ko sa mukha.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kwarto at sumilip ang ulo ng Mommy n'ya. Nagkunwari akong napatingin doon kaya nagtama ang mga mata namin. Napangiti s'ya agad nang makita akong nakatingin sa'kanya.
"Good morning, Charm... Tulog pa ba yan?" mahinang tanong n'ya at tinignan si Atty. Xavier.
"Ah, e, opo... May.... kailangan po ba kayo? Gigisingin-"
"No, no... 'wag na, Hija. Chineck ko lang kung gising na kayo. Aalis na rin kasi kami mamaya kaya maaga kaming nagising ng Daddy n'ya..." sagot nito at ngumiti. Nilingon ko si Atty. Xavier at babangon na sana pero pinigilan ako ng Mommy n'ya.
"Ganun po ba? Bababa narin po-"
"No, Hija. Mamaya pa naman. Hintayin mo nalang magising si Xavier tapos sabay na kayong bumaba. Ayaw n'yan ng naiiwan sa higaan..." sabi nito na napangiti. Alanganing ngumiti narin ako at pinanood s'yang dahan dahang isinara ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang pagsara ng pinto at mga yabag nilang palayo. Agad na nagbaba ako ng tingin kay Atty. Xavier.
"Attorney... wala na..." bulong ko. Tumaas ang kilay ko nang gumalaw lang s'ya saglit at natulog ulit. Nakagat ko ang ibabang labi nang maramdaman na naman ang bagay na 'yun sa gilid ng beywang ko.
Shit! Hindi naman ako ganun kainosente sa mga ganitong bagay at alam kong talagang ganito ang mga lalaki tuwing umaga. Pero... s**t! Hindi ako sanay na maramdaman 'yun!
"Attorney..." tinapik ko ang pisngi n'ya.
"Hmmm?" sagot n'ya.
"Wala na 'yung Mommy mo... Babangon na ako. Matulog ka lang d'yan-"
"Dito ka muna...." halos pabulong lang na sagot n'ya. Umiling naman ako.
"Hindi na ako inaantok. Babangon na ko-"
"Then just stay here. Hmmm?" sagot n'ya at lalo akong hinapit sa katawan n'ya. Lalo kong naramdaman ang mainit at matigas na bagay sa gilid ng beywang ko. Para akong mababaliw dahil doon.
"Pero kasi...."
"Hmmm?"
"Ano kasi, Attorney... kwan..."
"Why?" parang nakukulitan ng tanong nito.
"'Yung ano mo.... nakadikit sa..."
Agad naman s'yang dumilat at napatingin sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi nang marinig ko ang mura n'ya.
Lumayo s'ya ng bahagya at bumangon. Ginulo n'ya ang buhok at saka tumayo para magtungo sa CR. Hindi ko mapigilang mapangiti nang sumara ang pinto ng CR.
Pulang pula ang tenga n'ya at hindi s'ya makatingin sa akin.
Nangingiting kumilos na ako at inayos ang sarili. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas narin s'ya. Nagtama ang paningin namin pero agad s'yang nagbaba ng tingin at napahawak sa batok na parang hiyang hiya. Pinigilan ko ang sarili kong matawa. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Baba na tayo?" yaya ko. Tumango lang s'ya at walang imik na sumunod na sa akin.
Nadatnan naming naghahain na ng agahan sina Sally at Elsa. Nandoon narin sa hapag ang Mommy't Daddy n'ya kausap sina Lolo at Lola. Nilingon ko si Atty. Xavier at hinintay s'ya. Nakatungo s'ya at nakapamulsa ang isang kamay. Napangiti ako at ako na mismo ang kumapit sa isang braso n'ya. Nakita ko pang napatingin s'ya sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Good morning, Hijo! Ang sarap ng tulog mo kanina, hindi na kita ginising..." may halong panunudyo ang boses ng Mommy n'ya. Sina Lolo at Judge naman ay nag-uusap tungkol sa trabaho. Si Lola ay pangiti ngiti lang habang pinapanood kami.
"So, you're leaving this morning?" pag-iiba ni Atty. Xavier sa usapan at saka pinaghila ako ng upuan at pinaupo. Tumabi s'ya sa akin pagkatapos.
"Yes, son. Ilang araw lang kaming mag-stay sa Manila then we'll go back to New York. How about you? One week daw kayo dito sabi ni Mama?" tanong ng Mommy n'ya.
"Yes, Mom. But it is still depends... Pwedeng mapaaga..."
"Enjoy your vacation, Xavier. 'Wag mo na munang intindihin 'yung trabaho. Spend time w/ Charm. Baka nawawalan ka na ng oras sa'kanya dahil sa trabaho." singit ng Daddy n'ya.
"Oh ayan, apo. Sa Daddy mo na mismo nanggaling! Tigilan mo muna 'yang trabaho. Para saan pa yang pagtatrabaho mo kung hindi mo naman ako mabibigyan ng apo sa tuhod?" nakairap na sabi ng Lola n'ya. Napakamot naman sa batok si Atty. Xavier. Napailing ako at sumimsim ng kape.
"Don't worry, Lola. I'll give you a dozen..." sagot nito. Hindi makapaniwalang nilingon ko s'ya at ibinaba ang iniinom na kape.
Seryoso ka, Attorney? Isang dosena? Wow! Goodluck sa mapapangasawa mo!
"Talaga? Kakayanin mo ba 'yun, Charm?" tanong ng Lola n'ya. Halos magkadasamid samid ako. Kitang kita ko ang paglingon ni Atty. Xavier sa akin.
"Okay lang po basta si Xavier ang maglilihi..." biro ko. Nagtawanan sila. Nakitawa narin ako. Masaya ang naging usapan habang kumakain. Nalaman ko rin na wala pa palang babaeng dinadala si Atty Xavier sa condo n'ya kundi ang Lola at Mommy lang nito. Tumaas ang kilay ko.
Medyo goodboy naman pala.
Natapos ang masayang almusal at naghanda na sila sa pag-alis. Nagyaya pa ang Mommy n'ya na dumaan sa simbahan bago sila umuwi pa-Maynila kaya sumabay na kami sa'kanila sa paghahanda.
"Wow!" manghang bulalas ko nang matanaw ang ganda ng Taal Volcano sa taas ng simbahan ng Tierra de Maria. Replica ito ng Our Lady of Manaoag na originally ay nasa Pangasinan. Dumiretso kami dito matapos ang misa. Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan ang magandang view. Napangiti ako nang makita ang ganda ng lugar at nagsilbing effects ang papataas pa lang na sikat ng araw.
"Look here!" napalingon ako sa tawag ni Atty. Xavier. Nakita kong nakahanda na ang kanyang phone para kuhanan ako ng picture. Napangiti ako.
"Tatalikod ako tapos kuhanan mo kong picture!" sabi ko at agad ng tumalikod at itinaas ang kamay sa ere at nagform ng hugis puso gamit ang mga daliri.
"Tss..." rinig ko pang reklamo n'ya nang makita ang ginawa ko.
"Dali na kasi! Uso 'to!" sabi ko at ngumiti pa kahit likod ko lang naman ang makikita sa litrato. Narinig ko ang flash mula sa phone n'ya kaya agad akong lumapit at tinignan 'yun.
"Wow, Attorney, ang galing mo! Isa pa nga!" sabi ko. Nanliit ang mga mata n'ya.
"I'm not your photographer!" reklamo n'ya. Nakita kong kinukuhanan din ng Daddy n'ya ang Mommy n'ya ganun din sina Lolo at Lola.
"Isa na lang kasi! Tapos mamaya ikaw naman kukuhanan ko!"
"No, thanks. Hindi ako mahilig d'yan." pasupladong sabi n'ya. Tumaas ang kilay ko.
"Wala ka bang i********:?" tanong ko. Umiling s'ya.
"I don't."
"f*******:?"
Kumunot naman ang noo n'ya at tinitigan ako. "I have, but I don't post my pictures there."
"Sus! Ang boring mo naman!" komento ko.
"What?" tanong n'ya. Umismid ako at umiling. Kinuha ko ang phone n'ya at itinaas iyon at agad na kinuhanan s'ya ng picture. Napangiti ako nang makuha ang pagkunot ng noo n'ya.
Shit ang gwapo pa rin. Ilang likes kaya ang aabutin nito kapag pinost n'ya?
"What the hell? Delete that!" utos n'ya habang tinatangkang kunin ang phone n'ya sa akin. Iniiwas ko 'yun. Mamaya ay ibu-bluetooth ko 'yun sa phone ko at ibebenta kay Arcie!
Natawa ako nang maagaw n'ya 'yun. Hinahanap n'ya ito at akmang buburahin pero pinigilan ko.
"'Wag! Pahingi muna ng kopya n'yan!" sabi ko. Kumunot naman ang noo n'ya.
"You want my picture?" tanong n'ya na nagsisimula ng ngumiti ng nakakaloko. Nag-init ang pisngi ko at tinulak ang mukha n'ya.
"Hindi, a! Ibebenta ko lang sa mga bading sa amin!" nakangisi kong sagot. Nanliit ang mga mata n'ya at saka hinapit ako palapit sa'kanya.
"Teka, Attorney-"
"Smile.. Let's take a picture together..." sabi n'ya at itinaas na ang phone sa tapat namin. Wala sa sariling napangiti nalang ako. Nagsimula s'yang magbilang.
"One, two, three... Smile!"
Ngumiti ako ng maluwang bago naramdaman ang labi n'ya na lumapat sa pisngi ko kasabay ng flash na nagmumula sa phone n'ya.
Natatawang ibinaba n'ya 'yun at tinignan. Napangiti s'ya bago binalik ang tingin sa akin.
"Let's go!" yaya n'ya. Tsaka lang ako natauhan nang makita ang parents n'ya at sila Lola na nagsisimula ng maglakad patungo sa hagdan. Nalaglag ang panga ko at hinabol si Atty. Xavier.
"H-Hoy! Idelete mo 'yan!" sabi ko. Nakita kong tumawa s'ya at dali daling ibinulsa na ang phone. Wala na akong nagawa dahil sumabay na s'ya sa kina Lola!
Ugh! Bwisit!